Pasensya. Medyo late ng UD. Busy eh' Pasensya. One-Shot lang sya pero ang tagal ng update ko. Sorry.
Pasensya na po kung medyo lame. Medyo d kasi ok nung isinulat ko to. BH eh. Chosss' SSSS.
----------------------------------------------------------------------------------------
<Daniel's POV>
Nandito na ako sa airport. Sa NAIA.
May binigay s'kin si Albie na wedding invitation. Ikakasal na akong loko. Naunahan pa ako.
Pauwi na ako sa bahay ko. May bahay na nga pala akong pinatayo, para to sa amin ni Kath :((
Hayyysss. Namiss ko na si Kath. Konting tiis nalang. Makikita ko na si Kath.
Nandito na pala ako sa bahay. Magshashower muna ako. Ang init lang.
Pagkatapos ay nagbihis na ako. Nagpagwapo PA. Haha. Yabang lang!
Medyo maaga pa eh namuni-muni muna ako dito sa bahay.
"Kath. Alam mo, mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Ikaw lang at wala nang iba. Sana maintindihan mo kung bakit ako umalis *sniff* ng walang paalam. Sorry *sniff* Kath. Alam kong nasaktan kita masyado *sniff* pero para *sniff* naman to sa ating dalawa. Iloveyou Kath *sniff*" sabi ko habang tumitingin sa larawan ni Kath sa may table. Anak ng meant to be naman oh. Trinaydor ako ng mga luha ko :((
Tumingin ako sa relo ko. Ay pu'
2:45 na. 3:00 magsisimula ang kasal. Nga naman oh. Malayo-layo pa naman ang simbahan.
"Kath. Alis muna ako. Iloveyou" *tsup* hinalikan ko ang larawan ni Kath at dali-dali akong sumakay sa sasakyan ko at pinaandar. Binilisan ko na rin ang takbo para makaabot.
Wiiw. Malapit na. Buti na lang at di traffic.
Pagpasok na pagpasok ko sa gate, lumabas na ang bride galing sa bridal car. Dali-dali kong pinarking ang sasakyan ko.
Paglabas ko sa sasakyan ay nakita ko ang bride na papalapit na ke Albie. Kumurot ang dibdib ko sa nakita ko. Isang pamilyar na babae.
Ang babaeng mahal ko.
Unti-unti nang nagsibagsakan ang mga luha ko. Ako? Napahawak na lang sa dibdib ko at lumuhod sa sobrang sakit na nakita ko.
Maya-maya, pumasok na ako sa kotse ko at dun na lamang nagpatuloy sa pag-iyak. You may think that I'm a gay pero SORRY, NAGMAHAL LANG PO AKO NG TOTOO. Psh.
Mga ilang oras at minuto rin ang itinagal at natapos na. Nagpicture taking pa sila. Naisipan kong mauna na lng sa reception kaya ayun. Nagdrive na ako. Di pa rin mawala sa isip ko ang nangyari. Alam kong may mali ako pero bakit ganun? Di man niya lang man ako hinitay? Di nya na ba ako mahal?
Sa kanya ko nalang to itanong.
Nagdrive na akong papuntang reception.
Pagdating ko ay nilapitan ko si Albie. Nagcongrats! Di ko alam pero parang ang bitter namin.
"Bro, Congrats! Naunahan mo pa ako"
"A-e-hehe. Sa-sa-lamat. Punta muna a-ako dun bro"
Tas umalis sya.
FF.
Marami ng mga couples ang nagsayawan sa gitna. Napagdesisyunan kong makasayaw si Kath. Marami akong dapat itanong sa kanya.
Lumapit ako sa kanila at di nagdalawang-isip na tanungin si Albie kung ok lang masayaw si Kath. Umoo naman kaya siya eto kami, nagsasayaw.
"Gusto ko lang itanong kung bakit ka nagpakasal Kath? Bat di mo'ko hinintay?"
-Kath-
"Gusto ko lang itanong kung bakit ka nagakasal Kath? Bat di mo'ko hinintay?" matamay na tanong ni Daniel.
Nagsimula nang tumulo mga luha ko. Wala na rin akong magagawa. Nangyari na ang di dapat mangyari. Iiyak ko nalang ito.
Kung tutuusin, MASAKIT ! Masakit na masakit ! Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko pa rin siya pero nagpakasal ako sa taong di ko naman gaano kamahal.
IT WAS A MISTAKE. A BIG MISTAKE !
"Hinintay Daniel? *sniff* Ilang taon akong naghintay *sniff* pero ni sulat, wala akong natanggap. *sniff* Di ka lang man rin nagparamdam. *sniff* Ni di ko nga alam kung tayo pa eh"
"Wala kang natanggap Kath? Lingo-lingo nga akong nagpapadala ng sulat, ng mga regalo, tsokolate at bulaklak."
Huh? Meron akong natatanggap na ganung mga bagay pero bigay ni Albie. Pero di naman sigurong -- aipsh!
"Alam ko ang iniisip mo" sambit pa ni Daniel. Napatingin naman ako sa sinabi nya.
"Ma-magkakilala ka-kayo?*sniff*" eto na naman. Traydorng luha to.
"Oo Kath. Ayaw ko mang isipin na ganun pero sa tingin ko, trinaydor ako ni Albie." nagsimula na ring tumulo luha niya.
Huhuhu. Ano ba naman to?
"Yang singsing na gamit mo, galing rin sa'kin yan. *sniff* Dapat ako ang may suot nung isang wedding ring eh" dagdag pa niya.
Nagbreakdown na talaga ako. Di ko na kaya. Ano bang dapat gawin?
****
Wedding Ring.
-- Author's Note:
Pasensya na po kung sobrang LAME ng story. Wala talaga ako sa mood tuwing nagsusulat ako nito eh. Pero sa iba kong story, ganadong-ganado akong magsulat. Ewan eh.
Btw, may bago po akong publish na story. Click nyo lang po yung external link.
At please, supportahan nyo po ako at ang mga stories ko.
Please VOTE. COMMENT.
Be My Fan <3 Lovelots
Written by: QuennieJean/BATGiRL
BINABASA MO ANG
Wedding Ring *KATHNiEL*
Teen FictionA KATHNiEL one-shot story. Magiging happy ending ba ang pagmamahalan nina Kathryn at Daniel na siyam na taon na nila itong iniingatan kung sa isang sulyap lang, wala na ang isa? Ni hindi nga alam ng isa kung sila pa ba? Paano kung darating yung pana...