Day Ender - June 13, 2014

43 4 0
                                    

 

 

 

 

 

After kong tinignan ang listahan ng mga officially enrolled sa URP, in-add ko sila isa-isa. Medyo napagod nga ako kase madami-dami sila. Napagod nga ako eh. Pero ayos lang! Nasa pinakahuli naman ang pangalan ko eh. Hahahaha *PROUD*

After many hours ng pag-eenroll ko sa University, I feel lonely. Walang pumapansin. Parang gumamela sa gitna ng mga rosas. Pero napagtanto ko din na napakabilis naman yata para mag-expect ako na may papansin agad sa akin. Masyado akong nag-assume.

Ako'y isang dakilang baguhan lamang sa Unibersidad na ito. Natural lang itong mga nararamdaman ko. Gusto ko tuloy umiyak, lumayo sa laptop ko at magkulong sa banyo pero naisip ko na walang aircon sa banyo siguradong maiinitan lang ako. Napagpasyahan kong imagine-in na lang ang asawa kong si Matteo Do at tumingin sa langit sa labas ng aking bintana. Iniisip na darating ang panahon na mapapansin din nila ako.

Napangiti ako at unti-unting lumandas ang ilang butil ng luha sa pisngi. Madalas naman akong umiyak tuwing nag-iisa kaya sanay na din naman ako. Umiiyak ako dahil nasasaktan ako. Oo, masakit. Masakit ang maiwanang mag-isa. Kaya heto ako pursigido at inspirado. Alam ko na ang landas na nais kong tahakin sa aking buhay.

Sigurado na ako, siguradong-sigurado. Alam ko sa sarili ko na ito na talaga ang gusto ko. Gusto kong maging best actress kaya panay ang ensayo ko sa pag-iyak. Inaaraw-araw ko nga eh. Ayaw ko na ulit maiwan sa backstage ng may wasak na puso. Sa tuwing mag-aaudition ako at hindi ako matatanggap.

Nais ko na sa susunod kong pagsabak, hindi na ako mabibigo.

Pagkatapos ng kadramahan ko sa buhay, naglakad ako sa wattpad village, nagulat ako sa nangyari dahil may bumati na sa akin. Natuwa ako. Lubos akong sumaya ng sa wakas ay may dalawang tao na naisipang pansinin ang taong tulad ko. Taong hindi karapat-dapat pansinin.

Pagdating ko sa tapat ng tinitirhan kong bahay dito sa loob ng University of role players ay lalong nagulantang ang aking pagkatao. Nag-umpisa na namang umapaw ang mga luha galing sa aking mga mata sapagkat may mga taong nagdikit ng kanilang mensahe sa aking bulletin board.

Ako'y umalis ulit sa bahay para magmuni-muni. Ulit.

Makalipas ang ilan na namang mga oras at nakakapagod na paglalakad, ako'y nakarating na din sa aking munting tahanan. Napahagulgol na lang ako sa balitang tumambad sa akin.

Galing sa limampu't apat na sinundan ko, MAY PITONG NAPILING SUNDAN AKO.

 

 

 

 

Salamat sa inyo. Naiiyak talaga ako.

 

#Suzy

#Hyuna

#Dara

#Jessica

#Jiwon

#Boram

#DaHyun

Sila ang mga nilalang na umibsan sa aking nanlalamig na damdamin. Maraming salamata, kaibigansssssss.

Day End:  06/13/14 11:18pm

 

 

 

-------

 

Okay, ang korny ko. Sareee ^___^

My name is Soo Young [Experiences inside URP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon