Prologue

34 1 0
                                    

"C'mon love, it's just a party." Nilingon ko ang katabi ko sa loob ng sasakyan. Hindi makita ang kanyang mukha pero sa tono ng pananalita niya ay para siyang nagmamakaawa.

I sighed. Last day of exam na tomorrow and hindi pa ako nakakareview. I once looked again sa katabi ko ngunit wala talaga akong makitang mukha niya.

"Okay. Pero uwi din tayo ng 11. I have to review pa for tomorrow." Ani ko at ngumiti sakanya.

Ngumiti siya na parang nanalo sa isang patimpalak at ininstart na ang makina ng sasakyan. Tuloy tuloy lang siya sa pagmamaneho hanggabg sa makarating kami sa isang mansion na punong puno ng tao. Napatanaw ako sa bintana at napansing most people are drunk and the others are enjoying the music.

Halos kabababa palang namin ng sasakyan ng may babae lumapit saamin.

"Hey Sam , hey Trisha. Tara sa pool?" Tanong ng babae. I can see her face pati na rin sa ibang tao dito unlike kay Sam na wala talaga. She has a pointed nose na bumagay sa arko ng kilay niya. Her eyes are medyo greyish na tugmang tugma sa kulay ng kanyang buhok na umaabot hanggang batok lang.

Tumango si Sam at hinawakan ako sa kamay habang sinusundan ang babaeng nagaya saamin papuntang pool.

Napalibot ako ng tingin sa dami ng taong nagsasaya dito sa pool.

"Anong gusto niyong drinks? Cocktail? Champagne? Beer? Or juice?" Tanong agad nung babae.

"Beer nalang sakin Scarlet. Ikaw Trisha anong gusto mo?" Tanong sakin ni Sam.

"Juice nalang. Magrereview pa ako mamaya."sagot ko.

Maya maya ay dumating na ang drinks namin. Laking gulat ko nang inumin ni Sam ang beer na parang tubig at nagrequest ulit ng isa pa. Ganon ang ginawa niya hanggang sa napansin kong lasing na siya. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 11:14 na.

Lumapit ako kay Sam na pagewang gewang na sumasayaw.

"Sam. 11:14 na let's go home." Ani ko at sabay hila sakanya palayo sa mga kasama niyang sumasayaw.

"I-i'm s-sorry. Di ko na-na-napansin yung oras lo-ove. Papaa-lam la-ang ako sa-saglit." Pababa ng pababa yung boses niya kaya hindi masyado marinig yung iba niyang sinabi. Naglakad siya papunta sa isang table na napalibutan ng mga tao.

Nang makapagpaalam na siya ay naglakad siya papunta sa direksyon na kinakatayuan ko. Nang makita kong malapit na siya saakin ay naglakad nako papunta sa parking lot para sumakay sa sasakyan.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako sakanya so nung umupo siya sa driver seat at akmang iiistart na yung engine ay hinawakan ko yung kamay niya kaya napabaling siya sa direksyon ko.

"Can you drive? Love kung di mo kaya tawagan natin si kuya." I gave him a worried look kase kinakabahan talaga ako.

"I can handle this. Wala ka bang tiwala sakin?" Tanong niya sakin. Hindi ko alam kung saan titingin kase wala talaga akong makitang mukha niya.

"I trust you. Pero you're drunk. Kung marunong lang sana ako magdrive ako na magdadrive para satin e." Umiwas ako ng tingin dahil bigla niya akong hinawakan sa lap ko.

"May tiwala ka naman pala. " hindi nako umimik dahil inistart na niya yung engine ng sasakyan.

Tahimik kami pareho sa byahe. Nakukuha ko na yung antok ko nang may itim na sasakyan na mukhang nagmamadali ang nagovertake sa sasakyang sinasakyan namin ni Sam. Medyo bumagal yung takbo niya na halos didikit na yung likuran ng sasakyan niya saamin. Inovertakan ni Sam ang itim na sasakyan. Nilingon niya sa side mirror yung itim na sasakyan ng biglang may sumilaw sa bintana ko.

Ilaw ng isang truck.

Narinig ko ang sigaw ni Sam pero puti lang ang nakikita ko.

"TRISHAAA!!"

Remember Me DarlingWhere stories live. Discover now