Hanggang Kailan?

47 1 1
                                    

Ano ba naman kasi ang nangyayari!? Bakit ako pinapapunta ni Anna sa ospital nina Ton-ton?! Shet.. Pano kung.. Pano kung.. Wag naman sana..

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa nurse station para tanungin kung nasaan si Ton-ton ko pero, hindi pa ako nakakarating sa nurse station, narinig kong may i-na-nounce sa speaker..

"Dr. Hernandez, please proceed to the operation room. Director Gibas-"
What?! Tangina! Anong nangyayari?! Bakit nasa OR si Anthony?!! Dumeretso ako ng OR pero, parang wala namang tao. Sinilip ko ang loob, wala ngang tao!

May nakita akong papel na naka-patong sa hospital bed, kinuha ko.

Go to the floor where we first met me.

Ha? Ano daw? Bakit may ganito dito? Hindi ko namalayang nasa elevator na ako at pinindot ang 5th floor--ang rooftop.. Bakit ba ako nagpunta dito?! Para kang tanga, Jade!! Baka nasa masamasamang kalagayan na si Anthony tapos kung san san ka pa sumusuot!!

Pipindutin ko na sana ang ground floor nang magbukas ang elevator at nahinto ako sa nakita ko..

Si Anthony, nakatayo sa tapat ko ng nakangiti. Nakita ko ring nandun ang mga kaibiigan namin nina Anthony at si Anna-what? Nandito si Anna? Katatawag nya lang sakin kanina ah.

Lumabas ako ng elevator at lumapit sa kanila para tanungin kung anong meron dito. So, para talaga sa'kin ang sulat na hawak ko? 

Muli akong natigilan nang lumuhod si Anthony sa harap ko..

"Jade Katherine Lopez, do you want to spend the rest of your life with me, and became the soon to be Mrs. Gibas of mine? Please say Yes"

Shet..

I smile as that memory came flashing through. Grabe ang sarap talagang balikan ng mga nakaraan. Pero, sana nga hanggang ngayon nasa nakaraan pa rin ako.. Yung mag-boyfriend-girlfriend pa lang kami. Yung mga panahong ako lang ang mahal nya, nga ba? Hindi yung tulad ngayon.. Kung kailang mag-asawa na kami at ilang taon nang nagsasama.. Saka nya pa nagawang mag-hanap ng iba..

Hanggang Kailan?Where stories live. Discover now