Chapter 2

3 0 0
                                    


Lisa's POV


"Waaaaaah! Unnies!" sigaw ko habang tinitingnan ang dance practice video namin. Nandun kasi sila sa living room ng dorm namin kumakain at ako nandito sa cr nagjejebs. HAHAHA sorry naman eh kasi na eexcite ako masyado eh.

Kinatok nilang tatlo ang pintuan ko.

"Hoy Lisa anong nangyayari sa'yo jan?" tanong ni Jennie unnie.

"Ikaw Lisa pag nang tri trip ka lang jan pepektusan talaga kita" sadista talaga 'tong si Jisoo unnie. 

"Are you okay?" mahinghing tanong ni Rose na obvious na nag-aalala sa akin. Binuksan ko na ang pintuan at nakita ko ang iba't ibang ekspresyon sa kanilang mukha. Si Jennie unnie na naka bored look lang sa akin, si Jisoo unnie nag-aabot yung kilay at si Rose na parang namatayan kasi paiyak na ang ekspresyon. 

Unang lumapit sa akin si Rose at tsineck ako.

"I'm okay Rose. No need to worry" sabi ko at agad naman syang nag buntong hininga na para bang nahimasmasan hahahaha. Napaka genuine talaga nang isang 'to.

"Eh bakit ka kasi sumisigaw na para kang nanganganak? Ang sarap pa sana ng lamon ko doon eh" saad ni Jisoo unnie na ikinatawa ko.

"I'm sorry okay? Naexcite lang talaga ako" sagot ko.

"Ano ba kasi 'yan?" bored na tanong ni Jennie unnie.

"Ito na nga oh. Tingnan nyo naka 6 million views na yung dance practice teaser natin and it's only been a month since it was released". saad ko habang hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Inagaw ni Jisoo unnie ang cellphone ko at tsake kinonfirm. Ayaw pa maniwala.

"O to the M to the G. Is this really true?" gulat na saad ni Jennie unnie. Ang kaninang bored na expression nya ay napalitan ng excitement. 

Si Rose naman ay tinakpan ang kanyang bibig na nagsasabing hindi din sya makapaniwala at mukhang papaiyak na naman sya. Nilapitan ko sya at hinimas ko ang kanyang likod. 

"I think I'm going to cry" sabi nya habang pinapaypayan ang kanyang mga mata. Naki sympathize nalang ako sa kanya kasi kahit ako ay na ooverwhelm sa narating ng dance practice namin na yun.

"Sinong mag aakalang sasabog ng ganun yung dance practice na 'yun. Eh hindi nga matinong dance practice yun eh. Evaluation kaya natin 'to" sabi ni Jisoo unnie habang nakadikit pa rin ang kanyang mga mata sa video namin. Binasa na rin pala nya ang mga comments doon sa videos.  Binasa na rin namin isa-isa.

   Body goals😢💖🌺  

   The girl in the black is so beautiful <3.

   They're so beautiful.

    I'm a new fan.

    My wig will surely be snatched. 

    OMG! The girl in the blonde was so good and thinking about how quite heavy Timberland is.

   The girl who's wearing a hat was so fine man!

   That girl's waistline is the measurement of my arm. 

   That girl who's always in the last is so cute. 

Hindi na talaga napigilan ni Rose na maiyak. 

"I'm sorry guys. Hindi na talaga nakaya ni tears at lumabas na sya" tumawa pa sya habang tumutulo ang luha nya. Niyakap ko nalang sya. Napansin ko ring nagiging emotional na ang mga unnies namin habang patuloy na binabasa ang mga comments.

SerendipityWhere stories live. Discover now