"Balikan natin yung dati"Bakit hindi natin balikan yung, yung dati na kung saan tayo ay masaya, noong panahon kung saan tinatanong mo pa ako kung "kumain kana?", yung mga panahong "goodnight", "ano ginagawa mo", yung mga panahong hindi mawari ang mga nararamdaman. Noong panahon na naniniwala pa tayo sa mahika ng buwan o sa paghiling sa mga bulalakaw. Wala tayong pakialam sa kahit anong mangyari, sa kahit anong sabihin nila. Ang mahalaga ay masaya tayo. Oo masaya tayo, maligaya tayo, at sa hindi inaasahang panahon ang mga masasayang alaala ay nabalot ng mga salitang, "paalam". Masakit oo, napakasakit kung babalikan pa natin. At naaalala mo pa yung sinabi mo sakin na, "huwag kang mag alala may babalikan ka pa", sa gitna ng lungkot na aking nararamdaman, nagkaroon ng kaunting saya nang sinabi mo ang mga iyan. Pero sa kabila ng mga iyan, noong mga panahong sinabi ko sayo na mahal parin kita ay sinabi mo, "kaso wala na eh", ang mga katagang yaan ay pilit na gumugunaw sa isip at puso ko, na kahit hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan. At lumipas ang ilang mga panahon, naging matatag ako sayo. At ngayon maglalakas loob akong sabihin na bakit hindi natin balikan yung dati? Ang mga katagang matagal ko ng pinag-isipan bago ko sabihin sayo. Ang mga katagang sayo nararapat.
YOU ARE READING
spoken word poetry✨
PoetryI'ved tried my best to write this poetry. Hopeee yaaa like it guys💖✨