3

10 2 1
                                    



"Huh?!"

"Sabi ko nagawa mo!" Namuo yung inis ko at tumayo

"Para san yun?! Tinatry mo ba ako patayin?!" Pinaupo ako ni sir yunil at nginitian ako "ah hehehe sorry, ganyan talaga si bea pagpasensyahan mo na, tsaka kaylangan yan dito kasi may mga rules breaker rito sa school na biglang gagamit ng lacrika"

Aba! Hindi pa nga ako nakakatapak sa mismong University muntikan na akong mamatay!

Paano kung hindi ko yun nalagpasan? Edi hindi ko na nakita si Megan-,-

"Sige na hatid na kita sa room mo" tumayo na kami at nginitian ako ni ma'am bea pagka alis namin,

Tse!

Same ng kanina, dito ulit kami nag lalakad pero hindi ko kasama maid,

At yung kaninang medyo madaming tao, ay ngayon walang tao niisa! Sobrang tahimik, kahit hangin naririnig mo na,

Biglang tumigil si sir yunil kaya tumigil din ako,

Ewan ko bakit siya nakayuko lang at nakapikit?

"Aray!" Biglang tumagos yung isang matulis na bagay sa pisnge ko at sobrang hapdi nito,

Nakita ko si sir yunil na sinalo ang parang shuriken, pero bigla itong naging tubig at umagos nalang sa kamay ni sir,

Hawak-hawak ko padin yung pisnge ko, ang hapdi bwiset!

May mga traps ba dito?! Kung meron dapat sinabi nila para naman alert ako!

"Cyrus!" Sigaw ni kuya yunil

Napatakip ako sa tenga sa sobrang lakas ng sigaw ni sir, para siyang dragon>.<

"Shh.. Ang ingay mo Sir yunil, ang daming natutulog na babae baka magising mo sila" nakarinig ako ng sobrang cold na voice ng lalaki,

Bigla akong tinaasan ng balahibo

"At anong pakay mo rito cyrus?!" Halata kay sir yunil ang sobrang galit na galit, bakit ba sila galit rito? Pero kahit ako nakakaramdam narin ako ng galit, kasi sino ba namang mukhang ewan na mag babato ng matulis na bagay na iyun!

"Nakaamoy lang ako ng mahirap na babae akala ko kasi pulubi" nakatalikod lang ako pero timping-timpi na ako rito sa totoo lang! Kasi halata namang ako yung pinapatamaan niya

"Oh ito pala yung pulubi! Ano nag tatangka ka bang mag nakaw dito?" Habang natatawa na nag sasalita,

Biglang nag activate yung katawan ko at ramdam kong may nag on sa lacrika ko,

Hindi ito eye of heal, iba ito

Sa sobrang pag tititimpi ko, humarap ako sakanya

Kitang-kita mo nga naman ang kabalastugan ng lalaking ito! Ang gulo ng buhok niya, at gulo-gulo din kanyang uniform, may mga butones pa na hindi naka kabit,

Mas lalo akong nainis, ayoko pa naman sa mga lakaking ganito!

Kita ko sa expresyon niya ang pagka gulat pero bigla itong ngumiti,

"Hmmm, eye-patcher" hindi na ako nag patagal ng panahon bigla ko siyang sinapak sa may mata,

HAHA! Bullseye!

Bumalik yung mukha niya sa pagkagulat, "haha, ikaw nga" sabi niya habang nakangisi

"Anong ako?!"

"Nevermind" tapos bigla siyang umalis ng parang bula,

Cyrus Christopher Clerza, The december-january baby,

Nandito na ako sa kuwarto ko at ito may umiiyak nga na babae ngunit this time totoo na talaga,

Bago ako mag bihis at mag ayos ng mga gamit ko pinuntahan ko muna ang babaeng umiiyak,

"Uhm..?" Medyo humina yung paghikbi niya pero ramdam ko padin na umiiyak siya,

May sumagi sa isip ko, si megan ba ito?

Sana siya nga kung ito man iyun,

Niyakap ko ang babae,

Hindi ako magaling sa mga ganito kasi ayaw ko nga sa mga ibang tao, pero pagdating sa babae na ito, parang nararamdaman ko yung nararamdaman niya,

"Okay lang yan, parehas tayo" tumigil siya umiyak at iyun ang ikinataka ko,

Umupo siya at biglang niyakap ako ng sobrang higpit,

"Ycel!!!!!!"

Tumulo bigla yung luha ko "bal!!!"

Shet namiss ko tong babae na toh!

"Sabi ko sayo diba nandito lang ako palagi sa tabi mo hindi ako aalis promise!"

"Iloveyouuu bal!"

Pagkatapos ng mahaba naming kadramahan napaka rami naming napag kwentuhan,

Nakwento niya rin sakin na meron siyang naging kaibigan pero isa lang,

"Ang pangalan niya ay janice, mabait siya mahinhin, siya yung unang-una na lumapit saakin para makipag kaibigan, wala din siyang gaanong kaibigan" sabi ni megan habang inaayos yung mga gamit ko,

"Mamaya punta tayo sa room niya" tumango lang ako at nag suot na ng uniform, para ngang kanina sa loob ng gawang illusion ni ma'am bea parehas lang ng uniform,

Pinakita saakin ni megan ang schedule sa buong araw na gagawin dito sa University,

"Pshh, ang boring naman puro lectures and training" nginitian lang niya ako,

I miss that smile :>

"Megan!" Biglang may bumasag ng salamin at may sobrang lakas na pressure na papalapit samin,

Hinila ko si megan sakin at pilit na pilit kaming lumabas ng pinto pero hindi talaga kami makalabas dahil sa sobrang lakas nga ng pressure rito,

"Ycel!" Sigaw ni kuya yunil habang tinitignan kung nasaan kami,

"Sir yunil!!!" Sigaw ni megan,

At biglang nag teleport samin si sir yunil,

Dinala niya kami sa isang kwarto at hindi ko maramdaman rito ang pressure na kahit ano kanina,

"Dito lang muna kayo" sabi ni sir yunil at bigla siya ulit nag teleport papunta sa kwarto namin,

"Megan anong nangyayari rito?" Tinignan ko si megan na hawak-hawak yung braso niya, "nung mga nakaraang araw lang din may ganyan na nangyari pero hindi sa kwarto ko, sa ibang kwarto naman" hinawakan ko yung nasa braso niya inopen ang eye of heal ko kahit hindi ko pa ito gaano ka master,

"Wag ycel, okay lang ako" kahapon ko lang nalaman na pwede ding maka heal ng iba ang lacrika ko, basta kaylangan naka open ito,

Nakaramdam ako nang medyong pagsakit ng ulo ko pero hindi ko ito pinansin,

Patuloy kong hiniheal si megan at gumaling naman ito,

"Buti naman okay na" nginitian ko lang si megan pero pilit dahil sa pagkirot ng ulo ko,

Maya-maya pa ay nawala na ang ingay sa labas at tanging hangin nalamang ang iyong maririnig,

Biglang nasa harap nanamin si sir yunil at ma'am bea at iba pang mga teachers sa school rito,

"Okay na sa labas, pwede na kayong lumabas"

My heroineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon