S I E N N A
"sheeeee!"
"ma?!"
"bumaba ka na pagkatapos mo dyan! pupunta tayong lotte world!"
"huh? ngayong christmas eve?!"
"oo! now go! chop chop!"
ayan yung sinabi sakin ng magaling kong nanay kanina sa hotel. kaya nga ngayon, andito na kami sa lotte world. i'm wearing a tee shirt and a sweater, pinatungan ko rin ng jacket and then winter coat. kung bakit ba naman kasi ngayon nila naisipan mag lotte world? ang lamig lamig! brrr~
"babes!"
napalingon ako kay kieran na tumatakbo palapit sa akin at may hawak na cotton candy.yeah. kasama siya. sila ng family niya. the more the merrier daw. tyaka magkakasama kaming pumunta dito sa korea kaya syempre magkakasama rin kaming mamamasyal.
"here. binilhan kita ng cotton candy, favorite mo 'to diba?" sabi niya sa sabay abot sa akin ng cotton candy. mahina akong nagpasalamat at binalik 'yung tingin sa mga rides.
hindi binuksan 'yung mga outdoor rides since umuulan ng snow. kaya 'yung mga indoor lang 'yung nagagamit. humiwalay kami ni kieran sa kanila since kasama 'yung mga pinsan kong maliliit tyaka pinsan niya at kapatid niya. hindi rin naman kami pwede sa mga indoor kasi puro pambata lang 'yon.
"babes." napatingin naman ako kay kieran na nakatingin sa ferris wheel. "why?"
"bukas 'yung ferris wheel oh, hehehe tara sakay tayo!" tinignan ko lang siya na parang bata na talon ng talon habang niyuyugyog ako. bakit ko nga ba naging manliligaw 'to?
"wag mo akong alugin, oo na!" agad niya naman akong hinila don at medyo konti pa lang 'yung nakapila since kakabukas lang ng ride na 'yon.
"hindi pa may fear of heights ka?" tanong ko sakanya nung maalala ko 'yung field trip namin sa enchanted kingdom 'non. tinatawanan na nga siya ng mga kaibigan niya 'non eh.
kinagat niya lang 'yung labi niya at umiwas ng tingin. tsk tsk. ang lakas mang-aya, takot naman.
"kaj—"
"ma'am and sir, it is your turn."
hindi ko na natuloy 'yung sasabihin ko dahil sa biglang pagsalita ng crew.
tinignan ko na lang si kieran at sumakay na sa loob. pero nagulat na lang ako ng biglang sinara 'yung pinto at umandar na ng hindi man lang nakakasakay si kieran.
"shit."
agad kong kinuha 'yung phone ko para i-text siya nang biglang may nagplay na video sa maliit na t.v sa loob.
okay, what the actual fuck?
nagsimula 'yon sa mga stolen pictures ko na kuha simula grade seven hanggang ngayon.
meron don nung cheering namin nung grade seven. meron din nung nagmuse ako. meron din nung musical play nung grade eight. opening for clubs nung grade nine. nung js promenade at marami pang iba.
napakagat na lang ako ng labi at pinigilang hindi maiyak 'nung biglang nag-appear 'yung mukha ni kieran na 'tingin ko ay live ngayon dahil 'yung suot niya sa video ay ang suot niya rin ngayon.
nahiya siyang ngumiti kaya natawa ako. ngayon ka pa nahiya ah?
"confession time!"
"first, okay. alam mo naman na simula bata pa lang tayo mahilig na kitang asarin diba? cliché man pakinggan pero yup, ginagawa ko lang 'yon para mapansin mo ako. hahahaha! second, alam kong creepy 'yung pagkuha ko sa'yo ng mga litrato, pero seryoso wala akong intensyon na masama, hindi naman ako kagaya ni johnny hyung na ic-crop yung mukha mo tapos ilalagay sa mga mukha ng mga babae sa fhm magazine. ang totoo niyan, may scrapbook ako na puro mukha mo lang. i will let you see that, next time. third, kung inakala mong pinaasa kita, nagkakamali ka okay? kailanman hindi pumasok sa kukote ko na saktan ka, maniwala ka. ang gago ko, oo, aminado ako. pero ginawa ko lang 'yon dahil sinabihan ako ni tita na huwag muna dahil bata pa tayo. hindi pagpapaasa 'yung ginawa ko sa'yo babes, parang champion 'yon, purong feelings lang. fourth, sana mapatawad mo ako. fifth, i love you. sobra pa sa sobra. sixth, sana um-oo ka pag tinanong kita ngayon. seventh, will you be my girlfriend? eighth, oo o oo? ninth, wala kang choice babes kung hindi ang um-oo. tenth, babes sagot na huhuhu! eleventh, kinakabahan na ako babes. twelfth, ano na—"
"impatient as ever, aren't we?" sabi ko pagkalabas na pagkalabas ko. "plinano mo 'to no?"
"actually, kasabwat ko sila." sabi niya sabay tingin kina mama. napailing na lang ako, nagpipigil din ng ngiti dahil parang gusto ko sumigaw.
"babes huhuhu sagot na." sabi niya.
natawa lang ako. "alright sweetie..."
"yes and i love you too."
end.
BINABASA MO ANG
sienna ➼ jaeri ✔︎
Short Story[ e p i s t o l a r y ] "hello. ako nga pala yung babaeng pinaasa mo." epistolary | yerim x jaehyun