Chapter 1

587 15 3
                                    

Follow me on Twitter: @jdysanWP

Follow my another account on Wattpad: jdysan

— THIS STORY IS NOT EDITED, please excuse typo and grammatical errors.

GUMISING ako ng napakaaga para lamang pumasok.. Gigising, kakain, maliligo at papasok. Iyan ang routine ko sa araw-araw kong buhay.

"May raket ka ba mamaya, Hell?" tanong ni tita. Lumingon ako sakaniya at tumango.

"After my class, I will go to a boutique," I said.

"Siguraduhin mo lang na may pera ka pagkauwi, Hell," nagmamakaawang sabi ni tita. "Ni-singkong duling, wala ng ibinibigay ang tito mo sa atin."

Yeah right. This is my life. Kailangan kong mag-uwi ng pera para sa araw araw naming pagkain. And yes, si Tita nalang ang kasama ko. Ni-hindi ko nga maitanong kung nasaan ang tunay kong mga magulang, dahil hindi niya naman ako sinasagot nang maayos.

"Hell!"

"O-Oh?" nabalik ako sa ulirat.

"Nakikinig ka ba? Elizabeth Hellzell, please.." nakita ko ang paghihirap sa mga mata niya.


We were so rich when I was young. Mayroon silang malaking kompaniya. Naaalala ko pa noon, halos araw-araw ay dalhin nila ako sa mall.

But I am really wondering, especially kapag aalis kami.


Flashback

"Tita!" nakangiti kong salubong kay tita. "How was your day?!"

"I am fine, baby Hell. How about you, dear? Do you want to go out?!" masayang sabi niya at kinarga ako.

"Of course! That would be fun!"

"But first! Use this mask and shades. Don't you ever take this away, okay? I don't want others to see the beautiful face of yours, dear."

Nagtataka man ay umoo nalang ako upang makapamasyal.

End of flashback


Agad ko namang inalis ang pangyayaring iyon sa isip ko. Hanggang sa pagtanda tuloy ay nadala ko ang pagsusuot ng shades at mask. Bibihira ko nalang suotin ang shades ko kapag nasa malls, or kahit anong kulob na lugar, habang ang mask ko naman ay parati kong sinusuot.

"Sige na, Tita. I'm going," sabi ko at tumango siya.


I looked after our house. Dati, halos mansyon ang bahay namin. Ngayon, makipot na lang, at kasya lamang ay tatlong tao.

"Take care, Hell."


Pumasok ako sa gate nang naka-shades at mask. Tuloy ay kailangan ko pang ipakita ang I.D. ko bago makapasok. Araw-araw na rin na ganito ang routine ko, bakit hindi ko pa sinasanay ang sarili ko? Tsk.

I am now on first year college in Marine Academy. Madalas ay mag-isa lang ako. Well, I don't have friends at iilan lamang ang kakilala ko. Ewan ko ba, kahit kailan ay hindi ako nagkainteres na makipag-usap sa iba.


"So, class! Good morning!" bati ng aming teacher.

"Good morning, sir!" response ng iba.


"I am excited to discuss about myths and fictions!" nag-aayos siya ng gamit sa lamesa habang sinasabi iyon.

Tumingin ako sa libro niyang binuklat at itinaas. Napakalayo nun sakin at laking gulat ko nang nababasa ko iyon.

'H-How come na nababasa ko pa rin yung gano'n kalayong libro? Nasa likod ako ng klase, nakaupo lamang t hindi tumitingala pero bakit sa isang silip ay malinaw pa rin iyon lahat?'

"Can someone read this?" nakangiti niyang tanong.

"Sir?! Seryoso?! Eh ang layo niyo po sa amin tapos ipapabasa niyo?" nagtatakang tanong ng kaklase ko.

"I am just wondering if can someone read this..?" nakangiti niyang tanong.



Nagtaas ako ng kamay. "I can read it, sir."


"Paano mo naman mababasa iyan? Eh ilang metro ang layo ng upuan mo kay sir at sobrang maliliit ang fonts nun? Maski nga ang nasa harapan ay hindi iyon makita, pero ikaw nakashades ka? Seriously, you're insane." Umirap pa itong babaeng mataray.


"Hmm, can you read it loud, Miss..?" Tanong niya na parang nagtatanong kung ano ang pangalan ko.



"Elizabeth Hellzell Blaine," sagot ko.



"Uh, can you read it loud, again, Miss Blaine?"

"'She opened the door and pushed the girl. She thought that there was no other people--'"


"Alright, alright.." napapaisip na pinutol niya ang pagbabasa ko sa gano'n kalayong posisyon.


"Ha! She's correct?! What the heck?!" nanlalaki ang mga matang sinabi nung nagtataray sa akin.


"Alright, that's enough," nakangiting sabi ni sir. "Let's proceed to our topic," dagdag nito.


Tinapunan niya ako ng makahulugang tingin at saka pa lang nagdiscuss.



'W-What the heck?'




Pagkatapos ng tatlomg subjects na iyon ay break time namin. Nakapila ako para bumili ng pagkain nang may humablot sa akin at hinila ako.


"H-Hey! Who are you?!" sigaw ko sa humihila sa akin.


Sobrang bilis niya! Nihindi napapansin ng iba na tumatakbo siya at hila-hila niya ako!



'Damn! Who is this guy?!'


"Are you Blood?" bigla niya akong sinandal sa pader at diniin doon nang marahas.


"What are you talking about?!" Sumigaw ako. "Pwede ba?! I don't know who the fuck are you! Get off!" Mas diniinan niya ang paghawak sakin.


Sa sobrang inis ay naitulak ko siya.

Pero hindi ko inakalang tumalsik siya sa puntong tumama pa siya sa konkretong pader.


Naka-mask siya tulad ko, naka-shades din siya at nakalong sleeve na itim habang nakaripped jeans. Ngayon ko palang madescribe ang suot niya dahil kanina ay sobrang bilis niya.


"W-Who are you?" nanginginig ang boses ko.

Tumayo siya at unti-unting lumapit sa akin. Habang palapit siya ay hindi ko maiwasang kabahan.



"I am..." napatigil ako sa paghinga nang alisin niya ang shades niya..

Tumambad sa akin ang kaniyang mga pulang mata. Nang makalapit siya ay bigla niyang tinanggal ang shades ko at nang nagkatinginan kami ay biglang nakaramdam ako ng kuryente! Hindi ko maialis ang mata ko sakaniya!

Pinilit kong alisin ang mga mata ko sakaniya at itinulak siyang muli tsaka tumakbo paalis.

To be continued

Votes and comments

Enjoy reading!

-jdysan

VAMPIRO HIGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon