(4) Mula sa Malayo

16 1 0
                                    

Ikaw ay nariyan,
Ako'y nasa kung saan
Sa iyo ako'y nakamasid
Habang parang may karera sa dibdib
Humahanap ng anggulong maganda
Kung saan kita ko ang iyong mukha
Ang iyong mukhang nakangiti,
Ang puso ko'y parang hinahati
Dahil ang ngiting iyan ay hindi para sa akin
Kundi sa iyong kaharap na tila iyong langit
Minsan naiisip ko,
Kung para sa akin ang ngiti mo,
Malamang hinimatay na ako
Pero hindi,
Hindi ako hihimatayin dahil hindi naman para sa akin
Sa tuwing lilingon ka sa direksyon ko,
Agad iiwas mga mata ko
Kasabay ng mabilis na tibok ng puso
Ay ang pagtakbo ko palayo
Hindi ko kayang magpakita sayo
Dahil sa tuwing tinitingnan mo ako,
Sumasagi sa isip kong walang pag-asa
Dahil ang tingin mo'y tinging walang halaga
Pero pag siya na ang tinitingnan mo,
Kumikinang ang mga mata mo
Kaya naman heto ako,
Nakasulyap lang mula sa malayo
Hindi kayang lumapit
At baka mapangiti lang nang mapait.

...

Collection of PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon