SECOND CHANCE OF LOVE

9 2 1
                                    

Ako si VENS DELA CRUZ ako ay nag-aaral sa DON MARIANO MARCOS NATIONAL HIGH SCHOOL. Ako ay nag karoon ng Girlfriend noong ako ay nasa Grade 10 pero dalawang months lang kaming nag sama. Masaya kami, sweet,pero bakit..?bakit bigla nalang nya akong iniwan ng basta-basta. Nalaman ko nalang na kaya pala nya ako iniwan dahil may mahal na syang iba at dalawang araw nang sila, sa pangatlong araw palang nya akong binalewala at brineak. Masakit sa pakiramdam pero kailangan kong tang gapin para sa ikakasaya nya at para sa ikabubuti naming dalawa. At makalipas ang ilang buwan nalaman kong brineak na sya ng Boyfriend nya naawa ako sa kanya.At pag pasok nya sa aming classrome kitang kita sa kanyang mga mata na sya ay nasaktan dahil sa pag iwan sakanya ng boyfriend nya.
At pagkalipas ng isang taon , napag isip-isip kong i kamusta sya sa pamamagitan ng aking pag tetxt or pag chachat. At first day of school ako ay Grade 11 na, hindi ko akalaing magiging clasmate ko pala siya. Kinabahan ako at nahiya sa kadahilanan ng aming past. At pagkalipas ng ilang weeks nalaman ng iba naming classmates and my adviser ang tungkol sa aming dalawa. At noing araw na yon kami ay nasa likod ng aming classroom upang ipagpatuloy ang aming gawain sa aming garden. "Ayyiee....may past pala kayo ah" sabay sabi ng aming adviser. At ang hindi namin alam, palihim pala kaming nagtitinginan.
At isang araw ako ay nagtext sa kanya at agad naman siyang nagreply at hindi nagtagal napatanong ako sa kanya ng "Kamusta na ang love-life mo?" at agad-agad naman syang nagreply "Sayang sana ikaw nalang oh di..sana matagal na tayo" tugon naman niya. Sa nabasa kong 'yon, hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Pagkalipas ng ilang buwan, nilapitan ako ng aking bestfriend at tinanong ako tungkol sa aking love-life. "Ilang months naman kayo ng ex mo" tanong nya sa akin. Hindi ako agad nakasagot sa tanong nya, tila nanigas ako at hindi makagalaw. Hindi ko namalayan na nakanganga na pala ako sa harap nya at namalayan ko na tinatawan na pala nya ako "Uyy...anong nangyayari sa'yo? tumutulo na oh..ikukuha na ba kita ng balde?" pang-aasar na tanong nya sakin "H-huh? sira ka talaga tara na nga" pagwawala ko sa mga sinabi nya. "Sige mauna nako!" wika nya at saka umalis habang tumatawa ng malakas.
Pinuntahan nya ang ex ko na kasama ang kanyang mga kaibigan. At habang sila ay nagkukuwentuhan, habang nagtatawanan, bigla akong sinigawan ng mga kaibigan ko "Bes!! mahal ka pa daw ng ex mo oh!! ayiiee!" sabi nila sa akin sabay tawa ng napakalakas. Bigla akong natigilan, hindi ko alam kung matatawa ba ako, maiinis, o, kikiligin dahil sa mga sunod-sunod na pinagsasabi ng mga cladsmates ko sa akin. Pagdating na pagdating ko sa bahay, agad akong nagtext sa ex ko...
Me: Hi
She: Hello
Me: Pwede bang magtanong?
She: Ano yun?
Me: Kung liligawan kita ulit sasagutin mo pa ba ako? ulit?
She: Oo naman!.. pero kaya mo bang maghintay ng 1 year?
Hindi ko alam kung anong isasagot ko pero hindi ko namalayan na bigla nalang pala aking napa OO.
At yun...nagsimula na nga akong nanligaw sa kanya noong Feb. 03. Makalipas ang 1 week, meron na kaming C.S. o callsign 'MAHAL'. Ohh..diba hindi pa kami pero may C.S. nang nabuo. Pero makalipas ang 2 weeks, hindi ko malaman ang dahilan pero bigla nalang akong nanlamig sa kanya at hindi ko rin namalayang nasabi ko sa kanya na " Mahal, kung ano mang nasimulan na natin, wag na nating ituloy...."
Pagkalipas ng ilang minuto, nagtext sa akin ang kaibigan nya at tinanong ako kung bakit at anong dahilan?. Medyo naguluhan ako kung anong tinukoy nya. At para malinawan ako, 'di nagtagal, sinend nya sa akin ang convo naming dalawa ni Mahal. Nagulat ako at napaisip kung bakit at papaano nya yon nalaman? ang hindi ko alam ay open pala silang dalawa sa isa't-isa at sinabi din sakin ng kaibigan nya na masyado daw syang nasaktan sa mga sinabi ko kayat labis labis daw ang pag-iyak nya dahil dun. Hindi ko inaasahan na mangyayari yon sa kanya tila nakaramdam din ako ng konting kirot at awa sa puso ko kayat wala akong nagawa kundi balikan sya at nung araw na yun ay nasabi ay nasabi nya sakin na sasagutin na sana nya ako noong March 01 kaso ginive up ko nalang kasi sya ng bigla. Tumagal ang isang taon at nanumbalik muli ang mainit na pagsasamahan naming dalawa. Mahal nya ako at mahal ko rin sya at naniniwala ako na kami na nga ang para sa isa't isa...sana nga hindi nagkamali si Tadhana na pagtagpuhin kaming dalawa....sana.....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Second Chance to LOVEWhere stories live. Discover now