Napakalakas ng ulan noong gabing pumara ako ng isang pampasaherong jeepney.Hindi ko mawari ang bilang ng dyip na mga pinara ko.Sa kasamaang palad,nakisabay pa ang mga working student na nanggaling pa sa kabilang kanto.
Mabuti na nga lang nga ay may dyip na nagmagandang loob na isakay ako.Malayo ang aking paroroonan kung kayat naisipan kong umidlip muna.
Amoy lalaki ang naaamoy ko sa paggising ko.Ayun pala may katabi akong estrangherong lalaki.Napakamahalimuyak ang kanyang Amoy,may itsura rin naman sya.Nang tignan ko ang buong paligid,nanigas ako sa aking kinauupuan ng malaman kong kaming dalawa lang ang nasa loob ng dyip.
Akala ko madami kami sa loob dahil siksik na siksik ang gwapong estrangherong katabi ko na para bang giniginaw.Nang Titigan ko ulit sya nakita kong tulog na tulog na kaya naman hinubad ko ang dyaket kong dala at isinuot sa kanya.
Nagising sya sa aking ginawa ngunit bumalik rin naman sa pagkakatulog.Hindi ko mawari ang aking naramdaman ng mistula nyang binuksan ang kanyang mga mata,Ngunit komportable rin naman ako sa kanya kahit na ngayon lamang kami nagkakilala o mas magandang sabihin na nagkita.Hindi rin naman ako nailang ng sandalan nya ang aking balikat.
Tuloy-tuloy ang pamamasada ng pampasaherong jeepney,halos wala na rin naman ng tao sa daan dahil alas dose na rin ng umaga.Nagtataka rin nga naman ako dahil hindi pa sya bumababa kaya naman ginalaw ko sya para makasandal sya ng maayos dahil bababa na rin naman ako.
Bago ako bumaba tinignan ko muna sya upang masilayan ang lalake sa huling pagkakataon dahil alam kong hindi ko na sya makikita sa susunod na mga nagdaang araw o kahit kailan.
-2 years later-
Lumabas ako sa aking pinagtatrabuhan para umuwi,naghihintay ako ng masasakyang jeepney at sa hindi malamang dahilan para bang nangyari na ito noon hindi nga lang umuulan ngayon.Nakasabay ko rin ang ilan sa mga katrabaho ko sa paghihintay sa dyip.
Nagunahan ang ilan ng may tumigil na dyip sa harapan ko,mistula pang nagtutulakan ang iba para lamang makasakay at hindi na maghintay pa ng matagal at ng sa huli ako na lamang ang natira't nagiisa.
Ngunit nabuhayan ako ng loob ng matanaw ko ang paparating na dyip di kalayuan kaya naman dali-dali ko itong Ipinara.
Natanaw ko sa aking pagsakay ang isang lalake sa pinakadulo ng dyip,nakatanaw ito sa bintana na animo'y dinaramdam ang sarap ng simoy ng hangin.Hindi ko iaakilang napatitig na ako sa kanya kaya naman ng bigla syang lumingon daglian akong umiwas ng tingin.
Umidlip ako para maiwasan ang nagawa kong kahihiyan kaya naman nagulat ako ng maramdaman ko ang pagtabi ng lalake sa akin.Isinandal nya ako sa kanyang balikat habang nakaakbay sa akin at hinayaan akong matulog sa kanyang maskuladong bisig.
Nagising akong yakap-yakap ang aking dyaket kaya naman bumalik sa aking alaala na pinahiram ko ito sa estrangherong nakatabi ko.
Naramdaman ko rin na may hawak-hawak akong papel kaya naman ng mabasa ko ito ay halos pinagsakluban ako ng mainit na tubig ng malamang noong gabing pinahiram ko sa kanya ang aking dyaket ay kung kailan nalaman nya na may taning na ang kanyang buhay,at ngayon araw na ito ang kanyang huling araw dito sa mundo kaya naman laking pasasalamat nya ng makita sya nito.
Kaya naman pagbaba nya sa dyip saka nya lang nalaman na ito rin ang nasakyan nyang jeepney noon na magbibigay sa kanya ng alaala habang buhay.
Kaya naman kada gagabihin sya ng uwi,umaasa pa rin sya minsan na masasakyan nya ang jeepney kung saan nya nakita ang lalake ng malamang ang pangalan nito.
Authors Note:
This story is dedicated to AlexandraWP_105 My bebzy Lab you😘