SUHO POV
"Suho hyung si Kris hyung niyayakap ako." Tila nandidiring sambit ni Tao habang pinipilit niyang makawala sa yakap ni Kris. Ang sarap nilang panoorin, ang sarap nilang panooring magkulitan at umastang mga bata. Nang makawala si Tao kay Kris, si Luhan naman ang nilapitan niya at niyakap, sumunod si Kai, Sehun, Chanyeol, Chen, Xiumin, Baekhyun at kyungsoo, pero ganun nalang ang gulat ko ng seryoso siyang naglakad papunta sa kinauupuan ko, anong meron? Bakit pakiramdam ko may mali? Bakit ang bagal niyang maglakad? Tinitigan ko ang mukha niya habang mabagal siyang naglalakad sa gawi ko. Ang Mata niya, Bakit napakalungkot nito?
"Ang weird ng Kilos mo hyung, hindi kana cool guy." Biglang sabi ni Baek kay Kris na hindi manlang pinansin ni Kris dahil nasa akin parin ang atensyon niya.
"Kaya nga, akala mo aalis siya ng walang balikan" – Kyungsoo
Aalis? Iiwan na ba niya kami? Nagulat ako nang bigla niya akong hilain patayo ni at yakapin ng napakahigpit.
"K-kris" mahinang usal ko sa pangalan niya
"Hoy hoy. Hyung wag mong yakapin si Hyung Suho" sigaw ni Chanyeol
"Bakla kana ba Kris?" – Xiumin
"OO nga lahat kami niyakap mo, bading kana." – Lay
Hindi ko magawang magreact sa mga sinabi nilang lahat nang marinig ko ang ibinulong ni Kris. Tila nabingi ako sa sinabi niyang iyon, hindi matanggap ng utak ko ang mga salitang—
"Sorry, alagaan mo ang mga anak natin, Sorry" sabi niya sabay bitaw sa pagkakayakap sa akin.
"Kris."
"Aalis na ako sa grupo" biglaang sabi ni Kris (EXO-M leader) sabay harap sa aming lahat.
"Hyung?" mahinang sambit ni Tao na mahahalata mo sa mga mata ang pagpipigil na huwag umiyak.
"Hindi magandang biro, sige maging bakla kana lang" biro ni Baekhyun pero sa karag na boses.
"Sorry, I am really sorry." – Kris
"Tumigil kana nga hyung. Hindi nakakatuwa." – Chanyeol
"Bakit?" biglang sabat ko.
Tumingin sakin si Kris na tila kinakausap ako sa pamamagitan ng mata, subalit wala akong maunawaan.
"Gusto ko nang kalayaan." Mahinang sambit niya.
"Bakit Kris? Tinatali ka ba namin? Nasasakal kana ba samin? Ayaw muna ba sa amin? Bakit?" – Xiumin
Kasabay nang mga salitang binitawan ni Xiumin ay ang sabay sabay na pagpatak nang mga luha namin. Tanging hikbi nalang ang maririnig nang mga oras na iyon. Pakiramdam ko, hindi ako naging mabuting leader sa pamilyang ito. Pakiramdam ko kasalanan ko, lumipas ang minuto na tanging paghikbi pa din ang maririnig mo, hanggang sa basagin ni Kris ang katahimikan.
"Panahon at Oras lang ang kaylangan ko para sa sarili ko, pero babalik ako, Pamilya tayo diba? Kaya pangako Babalik ako." – Kris
Tumango ako sabay sabing "Mag-iingat ka. We will wait you Galaxy"
Ang hikbi naging hagulgol. Hanggang sa hindi ko namalayan na lahat kami nakayakap na sa isa't-isa, walang nagsasalita. Basta nakayakap lang kami na parang ang yakap na iyon ang ginagamit naming pagkikipag-usap sa isa't-isa. Nang araw na iyon, nagsaya kami, nagsaya kami at hindi inisip na aalis si Kris, na iiwan niya kami. Nagsaya kami na parang wala nang bukas.
Kinabukasan, hindi na namin naabutan pa si Kris paggising namin, malinis na ang Kwarto niya, wala na ang mga gamit niya. Nang mga oras na iyon, doon namin narealized na wala na talaga siya, umasa kami na panaginip lang iyon pero heto ang katotohanan wala na si Kris, iniwan na niya kami nasa harapan lang kami ng pintuan ng kwarto ni kris ng marinig namin ang malakas na sigaw ni Tao habang hinahanap si Kris.