Chapter 1

46 2 1
                                    

"Talaga?" Tanong ko sa alok nila na hindi talaga kapani-paniwala

Lumapit pa sakin ng husto si agon. Siya ang pinakamayaman kong kaklase. "Oo naman, mukha ba akong nag bibiro? Atsaka hindi lang ikaw ang pupunta run. Kasama mo yung ilang taga senior high building" sunod sunod na sabi niya

"Pumayag ka na Zynah. Minsang offer lang yan." Dagdag pa ni shigo para mapapayag ako. "Kasama niyo pa naman kami sa unang gabi pero kinabukasan hindi kasi marami pa kaming aasikasuhin" paliwanag pa ni shigo

"Pag may nangyari samin.... Teka lang hindi kaya may balak kayong masama kaya gusto mo kaming patirahin sa isa sa mga bahay mo hah Agon!??" nanghihinalang sabi ko "Nako malaman laman ko lang talaga...."

"Whaaa? Ang sakit nun hah" sabi niya sabay hawak sa dibdib na animo'y nasaktan sa sinabi ko. "Ano ba tingin mo sa'kin? Nag mamagandang loob na nga ako kasi ang lalayo ng bahay niyo." Sabi niya sabay tingin sa kaibigan niya. "Sabihin mo nga sakanya shigo kung ga'no ako kabait."

"Oo na, sige na." Pagsuko ko kasi paniguradong isang mahabang pagsisinungaling na naman ang sasabihin ni shigo.

Agad siyang ngumiti. "Oh sige susunduin ki---."

Bago pa matapos sa pagsasalita si Agon ay sumingit na'ko. "Kaya kong mag lakad."

"Alam mo kung saan?" Pambabara niya

'Badtrip naman hindi ko nga pala alam yun. Aisssh' inis na sabi ko sa isip ko

"8:30 bukas, At hindi ikaw! Si Shigo ang susundo sakin." Sagot ko habang nakatalikod . Hay..

Mukhang wala na talaga akong magagawa kundi ang pumayag. No choice nadin naman, may point siya malayo nga ako sa school na pinapasukan ko.

Pag tapos ng pag uusap na 'yon ay pumasok na ako sa next subject ko bago pa ako ma-late at mapagalitan ng mga terror kong prof.

---*

Pag tapos kong mag-ayos ng gamit ay dumiretso na agad ako pauwi sa apartment na tinutuluyan ko.

Ngayon ko na naisipan mag-ayos ng mga gamit ko para bukas hindi na ako mag kanda ugaga sa pag aayos. Baka mamaya tulog pa ako nandito na agad si shigo.

~~~~~
Pagdating kong apartment ay ganon na nga ang ginawa ko.

Habang nag aayos ako napukaw ng atensyon ko ang isang lumang picture frame siguro nasa 12 or 14 years old pa ako nung kinunan to dahil masyado ng luma ang pag kakakuha.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang tingin ko sa babae'ng nasalikuran ko at nakayapos sa akin.

"Sino siya?" Tanong ko sa sarili ko.

Pinilit kong alalahanin siya pero wala akong makuhang kahit anong detalye sa utak ko kung sino siya.

Nakapagtataka kung bakit siya kasama sa family picture namin eh hindi ko naman siya nakikita. Hindi din namin siya nakakasama sa kahit na anong okasyon. never ko pa siyang nakikita, ngayon lang.

Aaissssh! Masyadong ng napapalalim ang pag iisip ko. Mabuti pa't makatulog na dahil maaga ako'ng susunduin ni Shigo.

~KINABUKASAN~

Pagtapos kong mailabas ang lahat ng gamit ko ay lumabas na din ako para bayaran ang huling upa ko mabuti nalang at pumayag yung land lady na umalis dun sa apartment kahit na sabi kong dun na ako titira sa bago kong lilipatan.

Kung dun ako titira mas mapapalapit ako sa school na pinapasukan namin dahil hindi naman ito kalayuan sa titirahan namin. Nag bigay sakin si Agon ng picture ng labas at loob ng bahay kaya mas lalo nila akong nakumbinsi na tumira doon.

Kung titignan mong maigi ang litrato mukha siyang isang mansyon, agh hindi mukha mansyon talaga siya.

"Zynah!" Sigaw ni Shigo na kakarating palang. Abaa sabi ng agahan eh!

Itong baliw na 'to kahit kelan talaga.

"Kelan pa naging 8:30 ang 9:56?" Bwisit na tanong ko sabay batok sakanya.

"Aissh! Ano ba ginugulo mo ang maganda kong buhok" sabi niya sabay hawi sa kamay ko.

Pilingero din pala ang isang 'to. Maganda daw! Mukha nga'ng pugad ng ibon ang buhok niya.

Kesa pag aksayahan ng oras ang makapal na si shigo ay sumakay nalang ako sa kotse.

"Dalian mo na nga diyan" sigaw ko sakanya

"Eto na ho mahal na reyna" sabi niya na may hand gesture pa.

Sabado ngayon kaya wala kaming pasok, perfect timing para sa paglilipat ng tinutuluyan.

Pagdating namin sa bahay...

"Uy ikaw pala yan? Ba't ka nandito?" Tanong ni Rina na halata namang nakikipag-plastikan lang dahil nandito si Agon.

Hindi ko maisip kung nag tatanga-tangahan ba 'to o sadyang tanga na.

Haller? Ba't daw ako nandito? Hindi naman ata siya bulag para hindi makita ang malaking bag na dala ko.

"Hindi ba obvious? Dito ako titira." pabulong na sabi ko.

"May sinasabi ka ba?" Tanong ni rina

"Naku wala ah.. Ikaw talaga.." Sabi ko habang nakangiti at bahagyang kinurot ang pisngi niya.

"Ang cute nung ahas na binili mo. Saang animal shop mo siya nakita?" Tanong ko kay Agon sabay harap kay Rina.

Tumawa lang si Agon at si rina? Ayun mukang papatayin na ako sa matatalim niyang titig ano akala niya? Matitinag ako sa titig niya? No way.! I'm Zynah brenan Aquino at wala akong inaatrasan na kahit na sino.

"Pasok na kaya tayo." Sabi ni Aira.

Hindi moderno ang disenyo ng bahay pero stylish. 50 rooms, 25 bathrooms, 12 kitchens, 9 dining rooms at isang malawak na garden. Bahay lang 'daw' 'to sabi ni Agon. Pinapili kaming lahat ni Agon ng sarili naming kwarto. Sampu lang kaming lahat kasama na sina Shigo, Rina at Agon.

Bali bukas pito nalang kami rito dahil may aasikasuhin sila Agon pero sabi naman niya dito parin sila uuwi.

"Zynah kamusta ka na? Anong ginagawa mo dito?" Biglang sabi ni Rina.

Nang tignan ko siya, kinakausap ng bruha ang isang kahoy na istatwa ng isang gorilla. Tumawa naman silang lahat. Hinarap ko si rina at tinaasan ng kilay.

"Buti nalang wala ka na rito bukas kasi balak ko talagang lasunin ka." Nakakabadtrip talaga 'tong bruhilda na ito.

Sana naman hindi na siya bumalik dito sa mga susunod na araw baka malason ko talaga 'to.

"Close na close talaga kayo noh!" Singit ni agon habang nakangiti silang dalawa ni shigo.

Ano nginingiti ngiti nitong dalawang 'to! Hindi ba sila marunong makiramdam na nagpaplastikan lang kaming dalawa ng bruha niyang jowa.

"Napansin mo yun?" Sarkastika na sabi ko.

Bago pa lumevel up ang pagiging plastik ko pumasok na ako sa kwarto para naman makapag pahinga na ako. Ngayon ko lang narealize nakakapagod pala makipag asaran sa isang ahas.

Isang malaking kama, mga kabinet, at iba pang furnitures. Kumpleto na lahat. Susubukan ko sanang mahiga sa kama pero napansin ko ang isang kulay pulang bagay na nakapatong malapit sa salamin.

"Rose?" Sabi ko sabay amoy sa rosas na hawak ko. Ano naman kayang ginagawa ng rosas na 'to dito. Tsaka parang bagong pitas pa.

"Aissh. Yaan na nga makatulog nalang." Sabi ko sa sarili ko sabay balik ng rosas sa tapat ng salamin.

Hi Eulytheia

Deadly RoseWhere stories live. Discover now