Nung sumapit na ang gabi at pag tapos namin mag hapunan lahat, naisipan ng mga kalalakihan na gumawa ng bon fire at doon magtipon-tipon sa may garden dahil masarap ang simoy ng hangin doon tuwing gabi.
Nag kwentuhan lang kami ng nag kwentuhan hanggang sa lumalim na ang gabi.
"Alam ko nang may gusto sa akin si Zynah matagal na, nahihiya lang siya'ng aminin." hiro said out of nowhere.
Sobrang nagulat ako sa sinabi niya. Pero hindi ko pinahalata. Halata na ba talaga?
"Hindi ba, Zynah?" pangungulit niya pa sa akin.
"Ang galing..... Pogi mo naman po." pang-aasar ko para naman matakpan ang pag kagulat ko.
"Tol, mag propose ka na, support ka namin." sakay pa ni shigo sa trip ni hiro.
Nagulat ako nang tumayo si hiro at lumakad palapit sa akin.
"Zynah" panimula niya.
"Aaaaaah. Nakakakilig." Irit ni aira. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Tumingin na lang ako sa ibang direksyon at hinayaan na lang si Hiro sa gusto niya kahit na sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.
"Alam ko'ng matagal mo na ako'ng gusto at baliw na baliw ka sa akin." napalingon agad ako sa kanya ng sinabi niya ang mga katagang iyon.
Lumuhod naman siya para maka eye level ako, nakaupo kasi ako at hindi na nag abala pa'ng tumayo. At bakit naman ako tatayo? Hindi ba!
"Hindi ko alam yan ah. Sino naman nag sabi sayo niyan at itutumba ko!." sagot ko sakanya. Nag mamaang-maangan.
"Will you marry me?" sabi niya. At kinawindang iyon ng buong pagkatao ko. Pero mas nawindang ako sa nakita ko
Yung rosas na nakita ko kagabi sa kwarto ay katulad ng rosas na hawak niya ngayon.
"San mo nakuha 'yan?" gulat na tanong ko sakanya
"Sagutin mo muna ang tanong, Zynah." isa-isa nilang sabi.
Pero hindi ko na iyon napag tuonan ng pansin dahil mas naagaw ng pansin ko ang isa'ng tao na hindi man lang nakisali sa trip nila.
"Yanna ayos ka lang ba?" tanong ko dahil kanina ko pa siya napapansin na tahimik.
Nag seselos ba siya?
Pati si Hiro ay napalingon sa di inaasahan ko'ng tanong.
Tatayo na sana ako para lapitan siya pero nagulat ako ng sabihin niyang....
"Hindi! Huwag ka'ng tumayo!!!" sigaw niya na para ba'ng takot na takot
"Yanna" muli ko'ng tawag sakanya sabay punta kung nasaan siya.
Pag tayo ko ay naramdaman ko'ng parang may nakakapit sa akin.
Pag tingin ko sa aking balikat ay may kamay na sobrang higpit ang pilit na kumakapit.
Sa bawat galaw na ginagawa ko ay pahigpit ng pahigpit ang kapit nito sa akin.
"Aaaaaaah." sigaw ko sa sobrang sakit.
Napatayo sila at napalayo sa akin.
"Zynah." natatakot na tawag ni Aira sa akin
Tinignan ko ulit ang aking balikat at bakas sa paglalim ng laman ko ang kamay na kumakapit.
Patuloy lang ako sa pagsigaw dahil sa sobrang sakit. Napapapikit na rin ako.
"Zynah, umalis ka ma diyan." rinig ko'ng sigaw ni Agon
Gustuhin ko man pero mas lalo lang sumasakit.
Sinubukan ko'ng imulat ang aking mata ngunit hindi ko pa man tuluyang naimumulat ay naramdaman ko'ng may humampas sa akin at bigla na lang ako'ng natumba sa lupa.
Sa sobrang lakas ng pagkaka-hampas sa akin ay dumilim agad ang paningin ko at mga sigaw na lamang nila ang huli ko'ng narinig.
"Zynah, Zynah." tawag sa akin ng pamilyar na boses.
Ramdam ko ang lambot ng aking hinihigaan.
"Nasa kama na ba ako?" Tanong ko sa aking sarili.
"Hayaan mo'ng tulungan kita." sabi pa ng isa'ng pamilyar na boses.
Pagtapos ko marinig ang katagang iyon ay isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi.
Sa sobrang lakas ay napamulat na lang ako at napabangon.
Hilong hilo ko'ng iminulat ang aking mata para makita kung sino ma'ng hampaslupa ang nag lakas ng loob na sampalin ako.
And to my surprise it's Rina. Yes, isang ahas ang sumapal sa akin.
"You're welcome, nag-enjoy ako." sabi niya kay Shigo sabay layo sa amin.
"Lumapit ka nga rito at ng masampal rin kita" gigil na sabi ko sakanya.
Pero ang gaga ayun at tuwang tuwa. Arghhh nakakaletse.
"Ano'ng nangyari pagtapos ko mawalan ng malay?." tanong ko. "At bakit nandito kayo'ng lahat sa kwarto ko?." dagdag ko nang mapansin na lahat sila ay nandito
"Nawalan ka ng malay?." takang tanong ni Shigo.
"Oo, diba nasa garden pa nga tayo." sabi ko na lalo nila'ng pinagtakahan.
"Nasa garden? Tayo?." takang taka na tanong ni Yanna.
Wait. Bakit parang hindi nila alam.
"After natin mananghalian, 'di ka na lumabas ng kwarto at nung sinubukan ka namin gisingin hindi ka rin magising. Nagsisi-sigaw ka pa kaya nag-alala kami." mahabang paliwanag ni Shigo.
Natulala na lang ako nung sinabi niya.
"Ano ba'ng nangyayari sa' yo?." tanong naman ni Hiro
"Masamang panaginip lang." sabi ko. Sabay tingin kay Yanna. Parang wala namang kakaiba sakanya.
"Ilang oras ako'ng tulog?" pag iiba ko ng usapin.
"Mahigit 10 hours ka nang tulog teh, 'di ka na nga kumain ng hapunan eh." sabi naman ni Aira.
Hindi ko akalain na makakatulog ako ng ganoon kahaba. Minsan lang ako makatulog ng ganoon kahaba kapag sobrang pagod ng katawan ko.
"Oh sya, salamat sa pag-aalala, na-touch naman ako ng sobra." pagpapasalamat ko.
"Bakit pala may dala kayo'ng cobra dito?." turo ko kay Rina. Nang-aasar.
Tinarayan lang ako ng gaga. Asar na asar
Nag simula na silang lumabas ng kwarto ko pero nahuli si Yanna. Tinitigan niya ako saka lumipat ang tingin sa mga bagay sa likod ko.
Sa tingin pa lang niya kinakabahan na agad ako.
"Yanna?." pag-aagaw pansin ko sakanya.
"Ano'ng nakikita mo?." tanong ko dahil nag uumpisa na ako'ng kilabutan sa inaasal niya.
"Zynah, ano'ng ginagawa mo?." tanong niya na ikinagulat ko.
Nasa harap niya ako. Pero nakatingin siya sa likod ko.
.
.
.
.
.
.
YOU ARE READING
Deadly Rose
HorrorAng storyang ito ay tungkol kung hanggang saan mo makakayang lumaban. At kung paano mo lalabanan ang isa'ng tao'ng malapit sa'yo. Enjoy!!