HALLU HALLU KIIIIM!! HAHAHHA ANDITO NANAMAN AKO
AT PAPAALALAHANAN KO PO ULIT KAYO NA BXB PO ITONG STORYA NA ITO, TYAKA ITO PO AY SPG, PANGATLONG WARNING NA TO HAA, HINDI AKO NAGKULANG SA PAALALA HAHAHAHHA SOBRA PA NGA EHH CHAROT XD HAHAHHAHA OH SIYA BABUSH NA
---
Naramdaman ko na may humaplos sa aking mukha, unti unti kong idinilat ang mata ko, at nasa isang puting silid ako, walang mga gamit at walang kahit ano, para akong nasa isang mental room, kaso walang pintuan o iski anong lagusan na pwede kong mapaglabasan.
bigla akong kiniabutan ng maramdaman kong may humawak sa balikat ko. kaya naman daglian kong hinarap ito at laking gulat ko at hindi ko ineexpect ang tao sa aking pagharap.
"n-nay?" ang taka kong sabi, nakita ko namang sumilay ang isang ngiti sa aking ina,sobrang ganda niya, maputi siya at para bang wala siyang dinadalang problema ng simula ng namatay siya sa isang aksidente.
gusto ko siyang yakapin, yakapin ng mahigpit, pero may nagsasabi sa utak ko na bakit?, bakit ko siya yayakapin?, simula ng iniwan niya ako ay wala ng naging direksyon ang mundo ko, ang buhay ko.
simula ng iniwan niya ako ay naging magisa nalang ako sa buhay, walang kasama, walang nagaaruga, at walang nagmamahal.
"b-bakit?" ang tangi ko nalang nasabi sa kaniya "b-bakit ka pa bumalik?, bakit ka pa nagpakita?!,hindi na kita kailangan, iniwan moko! katulad ka ng iba." ang malakas na sigaw ko sa kaniya sabay layo, at tumayo.
pero ako'y kinilabutan na ang dating maayos na muka ni mama ay bigla biglang naglalaho at napapalitan ng isang maalademondyong muka ni papa, na nanlilisik ang mata sakin, napaatras lalo ako sa aking nakita. ang umalipusta sakin nung ako ay maliit pa, nung bubugbog sakin dahil sa nalaman niyang akoy isang bading, ang lalaking nagbigay sakin ng trauma sa mga matitigas na bakal, o kahit kahoy pa
"ISA KANG BADING! SALOT KA! DAPAT HINDI KA NA NABUHAY! DAPAT DI KA NA NAMIN GINAWA NG INA MO!!!" ang sabi niya sabay tayo at tawa ng malakas, para na siyang nababaliw, kaya naman lalo akong napaatras sa kaniya, hanggang sa matamaan ko ang pader na nagsasabing wala na akong maatrasan.
nanginig ang buong katawan ko ng bigla siyang tumakbo, sa sobrang bilis ay hindi na ako nakagalaw at bigla nalang niya akong sinakal.
"mamamatay ka!, maghihirap ka!, mapupunta ka sa impyerno kasi salot ka ! alot SALOT SALOT!!!"
"GISINGGGGGG!" bigla akong humugot ng isang malalim na hininga kasabay ng pagbangon ko sa sahig, nagulat ako ng makita ko ang isang lalaki na nakahawak sa balikat ko at nakatingin sakin na parang alalang alala sakin.
"a-anong n-nangyari?" tanong ko dito
"nananaginip ka ng masama" sabi niya, at nawala bigla yung emosyon niya na ikinataka ko naman.
"tumayo ka na dyan at bumaba ka sa sala" tumayo na siya at lumabas ng walang paalam.
at ako naman eto umupo muna saglit at inalala ang aking panaginip, pero bakit?, bakit pa nila kailangan pang magpakita?, hindi ko na dapat sila nakita pa, at ayoko na. kaya kesa sa magmukmok ako ay dahan dahan ako tumayo at naglakad papalabas ng silid.
pagkalabas na pagkalabas ko ng silid ay natakot ako sa aking nakita, isang mahabang hallway at napaka dim ng mga ilaw. nasa gitna ang silid na kung san ako nanggaling.
unti unti akong naglakad, sobrang natatakot ako, dahil napakadilim at halos parang mga sulo lang ang ilaw dito., habang naglalakad ay nakakita ako ng isang pinto na kulay Itim, isang malaking pinto. pagkalingon ko naman sa kabila ay may isang brown naman akong nakita, at itoy pinto ulit.
BINABASA MO ANG
How long
Teen FictionIsang ulilang anak ang napasok sa isang institusyon na, hindi niya gustong mapasukan, o sabihin na nating hindi niya alam na dun siya mapupunta. inalila ng limang lalaki. may sampung rules na bawal labagin, dahil isa sa kanila ang magpaparusa sa iyo...