After 4 yearsJaycee's POV
"AJ! Don't run so fast," singhal ko rito. Nandito kami ngayon sa park para sana makipag kita sa, Ninang Jennie niya.
"Mommy! Look!" Tawag niya sa akin habang nakaturo sa swing.
"Do you want to ride that?" Tanong ko sa kaniya.
"Opo," anito na habang tumatango. Hinawakan ko siya sa kaniyang braso at pumunta sa swing. Pina-upo ko siya sa swing at marahang tinulak yun.
"Mama?" Basag nito sa katahimikang bumabalot sa amin.
"Bakit baby?" Tanong ko rito.
"May papa po ba ako?" Bigla nalang akong natahimik sa tinanong nito.
"Ahmmm....anak nagtatrabaho kasi siya sa malayo e," pagsisinungaling ko.
"Kailan po siya uuwi?" Tanong nito.
"Hindi ko rin alam anak e," ani ko."Bakit mo naitanong?" Tanong ko.
"Kasi mama...yung mga kaklase ko may papa silang sumusundo sa kanila, samantalang ako po wala pong papa," anito sa malungkot na tono.
Naawa ako sa anak ko dahil wala man lang siyang nakilalang ama sa buhay niya, kung hindi lang sana ako iniwan ni Aiden.
***
Jaycee's POV
"Baby, saan mo gustong kumain?" Tanong ko sa aking anak.
"Hmmm.....sa jobeelli mommy," excited nitong sinabi. Nahagikgik na lamang ako ss pagka-bigkas niya sa 'jollibee'.
"Sige sige," hiniwakan ko na siya sa kaniyang kamay at pumunta na sa exit ng park.
Pumara ako ng taxi, ng may huminto ng taxi sa harapan namin ay sinabi ko sa malapit na jollibee. Pagkarating namin jollibee ay mas naunang pumasok si, AJ kaysa sa akin.
"Mama dun po muna ako sa may palaruan," anito.
"Sige, basta wag kang makikipag-away ha," ani ko.
"Opo mama," anito at pumunta na sa palaruan sa gilid ng jollibee.
(A/N: hindi ko lang po alam kung meron pa pong palaruan/playground sa jollibee, matagal tagal nadin kasi nung huli akong maka kita ng ganun😅)
Pumunta na ako sa counter at pumila sa mahabang pila ng mga customer, ng ako ng ang mago-order ay nag order lang ako ng 2 piece chicken with rice, 1 large nestea, 1 large pineapple juice, 2 sundae, 2 large fries at 1 kiddie meal.
Ng makuha ko ng ang order ko ay humanap na ako ng mau-upuan at tinawag na si, AJ para makakain narin siya.
"Mama may naging friends po ako dun sa playground po," bibong-bib nitong sabi.
"Sino naman siya?" Tanong ko sa kaniya.
"Si Aerin po, ang cute cute niya po mama lalo na po yung blonde niya pong buhok na naka-pigtail po," anito habang humahagikgik.
"Talaga ba? Hindi ka ba nakipag away?" Tanong ko rito.
"Hindi po mama, pero may isa pong bata po na pinaiyak yung isang girl po," anito.
"Tinulangan mo ba siya?" Tanong ko rito. Habang hinahati ang mga chicken sa plato niya.
"Opo mama, ayaw ko po kasing may nakikitang umiiyak po na girls," anito habang sinasawsaw ang fries sa sundae, naalala ko tuloy dati na mahilig siya.......hayyyy ba't naalala ko nanaman siya.
"Very good baby, hayaan mo mamaya bibili tayo ng bagong laruan mo, dahil good boy ka ngayon," nakingiting ani ko sa kaniya.
"Talaga po mama?" Nae-excite nitong tamong.
"Oo, at tiyaka mamaya dadaan tayo sa flower shop para bilhan ng flowers si baby Aerin, gusto mo ba yun?" Tanong ko dito.
"Bibisitahin po ulit natin si, baby Aerin?" Tanong nito.
"Oo, dahil baka namimiss na niya tayo"............
***
A/N: Sino si baby Aerin? O•O
Sorry for my grammatical errors, misspelled words or typos.
All Rights Reserved