11th PAST

68 2 0
                                    

11th PAST

JAILYN’S POV:

Pauwi na kami ni mom galling ospital.

Hay.. si dad di ako kinakausap. Kahit si kuya eh.

Alam ko malaki kasalanan ko.

Tumakas ako.

Tapos nakita nila ko may katabing lalaki sa kama ng naka underwear lang.

Di na talaga ko iinom. I swear!!!!

“mom .. usap tayo. Gusto kong linawin sayo yung nangyari.sabihin mo nalang kay dad.ayaw akong kausapin eh”-me

“sure yanna, sa kwarto mo tayo .. tara.”-mom

At kinuwento k okay mom ang lahat.

“naniwala ako sayo anak.”-mom na nakasmile

“talaga!! Kaya mom di talaga kami pwedeng magpakasal ni damon, kasi wala-“-me

“baby, you dont understand.. magpapakasal kayo ni damon”-mom

“but mom!!! Why? Kala ko ba naniniwala ka saken.”-me

“yea. Pero kahit di nangyari yun .. magpapakasal pa din kayo.hay .. alam ko hindi mo ito maiintindihan pero ang ibig kong sabihin ay .. arranged marriage.”-mom

My jaw dropped open. “what?? Arranged marriage? Kay damon? But how-“

“baby, making kang maigi. Malaki ang utang na loob naten sa mga villa vicencio.

Alam mo ba noon, nung pinagbubuntis kita .. naloko ng business partners nya ang dad mo.nagising nalang ang dad mo isang araw, Di na siya ang may ari ng company. Di rin namin alam pano. Sobra siyang nagtiwala, ayun yung naging pagkakamali niya. Sa sobrang frustration, nalulong ang dad mo sa bisyo at casino. Sobrang paghahangad niya na magkaron ulet ng pera nagsusugal siya. Di niya alam .. lalo kaming nabaon. Nagawa na niyang gawing collateral yung bahay at mga sasakyan namin,nalipat kami sa isang maliit na apartment, at si jaylod sa isang public school nagkinder.

Sa sobrang problema, nagagawa na kong saktan ng dad mo. Hanggang sa nanganak ako.. Kailangan kong dumaan sa C.S,at nagkakomplikasyon pa na halos ikamatay ko.

Walang walang pera ang dad mo di niya alam san kukuha. Umiyak siya sa chapel, delikado na kasi ang lagay ko. Isang araw na kitang naipapanganak, pero di pa ko naooperahan. Dun nakita siya ni james..

At dahil sa naging magaangan ang loob ng dad mo sa kanya,kinuwento nya lahat ng problema. Parang anghel na pinadala ng langit si james nung mga panahon na yun.di namin siya kilala.pero napakubuti nya. Siya ang sumagot lahat ng bills. At eto pa, pinahiram niya ang papa mo ng puhunan para magtayo ng sariling negosyo.”-mom

“talaga po? Antagal niyo na palang magkakakilala. Pero anong ginagawa ni tito james dun?”-me

“ah, ayun ba. Dinala kasi daw si damon nun sa ospital para ipacheck up, nagkasakit kasi siya matapos ang first birthday party nya kahapon”-ngumiti si mom ng makahulugan.

“kahapon.. meaning ..”-me

“magkabirthday kayo.. alam mo ba nagsumikap ang papa mo simula nun. Para mabayaran agad si james.. ilang years,10 years to be exact matapos makabayad ang papa mo..  nagkita ulit sila, nung nakita ni james na maganda na ang business ng papa mo, lalo niya pa tong pinalakas, pinakilala sa mga business partners,investors. Dun lalong umangat ang buhay naten..

At ayun nga sa sobrang closed nila sa isa’t isa .. may napagkasunduan sila ..

Ikaw at si damon, ipapakasal nila pag nasa hustong gulang na kayo. gusto nila maging isang pamilya na tayo. Ganun kabait ang mga villa vicencio saten. Kung wala sila. Baka wala na rin ako ngayon”-mom

Tama.

Kung di dahil sa kanila. Wala na si mommy ngayon.

Napaka buti nila. At ang tanging hiniling nila sa lahat lahat ng kabutihan nila

Ay ang maging isang pamilya kami.

Kung tutuusin.

Kami pa din ang magbebenefit pag naging villavicencio ako.

Etong offer na to. Eto yata ang pinakamahirap tanggihan.

May utang na loob na kami.

Yung hinihingi pa nila para sa ikabubuti namin.

Pinuntahan ko si dad.

“d-dad I’m sorry.. dad .. alam ko na ang lahat”-me

“alyanna. You knew that I love you so much. Sorry kung pinangunahan ko na ang future niyo. But please hija, for once!! Maging selfless ka naman!?”-dad

I know,

Theres no other way. But to marry him.

At alam ko. Ayun lang ang magiging way.

Para magkabati kami ni dad

“its time to stand on your own. Kung di ka magpapakasal kay damon, mawawalan ka ng credit cards, allowance lang ang meron ka. Baon mo lang sa school. Wala kang kotse, magcocommute ka. Mawawalan ka ng anung meron ka ngayon. Dahil kung tutuusin.. utang mo sa kanila kung anong layaw ang meron ka, at ang pagtanggi sa kanila ay pagtanggi rin sa kung anong meron ka”-dad na seryoso.

Oo na!!! wala na talaga! Nablackmail na ko.

Si dad pa naman pag sinabi niya ..

At ganyan siya sa kaseryoso,

kahit umulan pa ng dugo ..

kahit magbati ang north at south korea.

Kahit magkawrinkles si avril lavigne.

Kahit bumisita sa earth ang mga taga mars..

Kahit maging lalaki na ulet si bb gandanghari .

di na magbabago ng desisyon yan.

Takte.

“yes dad. I’ll marry him”-me

“good” nagsmile si dad at niyakap ako.”thank you anak. Mabait na bata si damon. I’m sure you’ll be better with him”-dad

“tsssss. Mabait pag kaharap niyo”-me

“yanna..”-dad

“totoo naman eh. Pero wag kayo mag alala. Papatinuin ko yun.”-me

Nagkatawanan kami ni dad.

Haist. Bakit di nalang si Darren ang inarrange niyo saken.

Naman oh. Naiiyak na ko.

Wala na pala ko pag asa kay Darren.

Kasi di pa man ako kasal .. nakatali na ko sa kapatid niya.

I need to talk to damon.

Kailangan niya malaman yung side ko.

Pano ba ko makakawala sa problemang to??

Help me god please ..

trappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon