CHAPTER ONE

2 0 0
                                    

Mahina lang ang ambon.An hour Ago,the drizzles started.Pero kahit hindi niya paganahin ang wiper ay hindi naaabala ang banayad niyang pagmamaneho.Twenty miles per hour.Tila siya nasa gitna ng traffic sa lipa.Except that she wasn't in Lipa City.

Gusto lang niyang makita kung may ipinagbago ang lugar na iyon sa nakalipas na labing isang taon. Eleven years.Had it been that long?

Tamara sighed.Wala namang dahilan kung bakit nag balik sya. Ang isang tulad nya na nakatakas nasa sa lugar na ito ay hindi na dapat nagbabalik pa lalo at wala namang babalikan.

Well,perphaps her reason for coming back was more of curiosity than anything else. Yes. That muat be it. At hindi naman siya magtatagal. She would probably spend the night in one of the town's beach resorts.Maliban na lang kung may itinayong hotel sa trinidad sa nakalipas na labing isang taon, which she doubted. Dahil mas pangkaraniwan ang cottages sa mga beach resorts sa bahaging ito ng Luzon.

She couldn't afford to drive back to Manila for another six hours or so. Mas o menos, Matutulog siya sa manibela kapag ginawa niya iyon. Kailangan lang niyang malaman kung ano ang nangyari matapos silang itaboy sa bayang iyon sa gitna ng maunos na gabi.

Subalit nang natatanaw na niya ang arko na nagsasabing. Welcome to Trinidad,ay nagsimula siyang makaramdam ng tensiyon. Lalo na ng mapuna niya ang mga kabahayan sa gilid ng daan.Mga kabahayang unti unting dumarami habang papason siya sa kabayanan.

Ang Trinidad ay isang maunlad na bayan sa katimugan. Anim na oras na walang hintong boyahe mula sa Maynila. Kung mabagal at humihinto pa sa mga istasyon ay inaabot ng walong oras ang biyahe.

Tulad ng ilang maunlad na bayan sa luzon, bukod sa public high school, may isang pribadong paaralan ang Trinidad, ang St. Vincent College. Isa itong ekslusibong paaralng panlalaki na sa kalaunan ay naging co-ed. Sa paaralang ito nagsisipag aral ang maririwasa sa bayang iyon, at maging ang ilan kabataan mula sa karatig bayan ay doon dn nag sisipag aral. Gayunman, ang pinakamalaking paaralang co-educational sa bahaging iyon ng katimugan ay nasa San Ignacio, ang pinakamalapit na bayan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ReasonWhere stories live. Discover now