Chapter 2

5 0 0
                                    


"Daadddyy help!!!" Napasigaw ako sa gulat habang yung paligid ay paikot ikot at biglang nawawala na ako sa art room, nakita ko si daddy na pumasok at ngumiti lang.

-

Binuksan ko ang aking mga mata, may nakikita akong mga puno. Andami, gubat ba to? Nasa gubat ba ako?

"Where am I?" Tanong ko sa sarili. Bumangon na ako sa pagkakahiga ko tas tumingin tingin sa paligid nang may narinig akong mabilis na takbo ng isang....

"Tabiiiii" sigaw ng isang lalaki na nakasakay sa kabayo.

Natumba ako sa pagkakatayo ko. "Hoy!!!!"

"Tanga mo kasi eh" sigaw nito pabalik. Ha? Ano daw? Aba bwesit na lalaki ah! Siya pa nga tong nakabangga, siya pa ang may ganang ganyanin ako. Di man lang huminto para kamustahin ako, kung okay lang ba ako? Kung nasaktan ba ako? Haay bwesit namang lalaking yun oh.

"Araaay" nakoo nako nakoo! Nasugatan pa akooo! Patay ka sakin lalaki ka, pagnakita kita papatayin talaga kita.

Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad lakad. Dun ako pumunta kung saan dumaan yung lalaking nakasakay ng kabayo...

Wait.....

Nasa gubat pala akoo..

Tapos may kabayo pa dito?...

Anong lugar to?...

Wait still processing pa. Inisip ko ng inisip ang nangyari bago ako makapunta rito.

"Hala nasa art room lang ako kanina tas hinawakan ko yung painting ng kaharian ng lancastrians"

...........

"NASA KAHARIAN AKO NG LANCASTRIANS"

Pero bakit wala akong nakikitang kaharian? Bakit puro puno lang ang nandito? Ahh baka nasa may bandang unahan pa kasi dun din dumaan yung lalaki kanina eh.

-

"Woaaaaaah" napanganga nalang ako sa nakikita ko. Isang kaharian! Grabe sobrang laki at ang gandaaaa pa!

Nagpatuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa nakita ko ang isang malaking baryo na punong puno ng mga tao. Ang ingay pero yung ingay na maririnig mo ay ang sarap pakinggan, ewan ko lang kung gets niyo ko ha. Yung bandang kanan ay ang daming nakahelerang mga paninda. May prutas, isda, gulay at kung ano ano pa.

Naglakad pa ako para makita sila ng madiinan.

"Bili na po kayoo"

"Hali na kayo at bumili"

"Mura lang po ali"

Klase klaseng mga salita ang ginagamit nila para makabenta, nakakatuwa lang silang panuorin habang nanininda kasi habang binabanggit nila ang mga salitang yun ay hindi mawawala sa kanilang mga labi ang ngiti.

May biglang natapilok na isang batang lalaki sa harap ko.

"Araay" sambit ng bata. Pinuntahan ko ito at tinulungan.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko. Tumango lang siya at biglang tumakbo.

"Baka masaktan ka!" Sigaw ko pero nilingon niya lang ako at sinabing "okay na po ako, salamat po" at nagpatuloy na sa pagtakbo.

"Hay saan ba ako pupunta? Wala naman akong kakilala dito eh" umupo ako sa tabi na para bang nanlilimos.

-

Di ko namalayan hapon na pala. Tumutunog na yung tiyan ko, di pa kasi ako kumakain eh. Wala naman kasi akong perang dala. Di ko naman kasi alam na mapupunta pala ako dito eh di sana nakapagdala ako ng extra money.

Are You Real?Where stories live. Discover now