Mabilis akong tumakbo papunta sa aming istasyon dahil ilang minuto na lamang at ang programa ko na ang mag eere sa buong Pilipinas. At eto na nga, nakarating na ako at masisimula na ako. "Magandang umaga Pilipinas! Ako po ang inyong pinakamagandang DJ sa balat ng kamote, si DJ Elise at kayo'y nakikinig ngayon sa Balitang Pampalakasan!" panimula ko. "Ang ating kababayan na si Ryan Cruz ay nakakuha ng gintong medalya sa Rio Olympics 2017 sa larangan ng Athletics." At makalipas ang isang oras, natapos na rin ang aking programa. Inimbita naman ako ng aking kaibigan na si Samuel at isa rin siyang atleta mula sa Rio Olympics sa kanilang celebration party. Sa katunayan, nasa sinapupunan pa lamang kami ng aming mga magulang eh mag sundo na yata kami. Maya-maya ay hinila ako ni Samuel.
May isang lalaking nakatalikod sa harapan namin at kinalbit ito ni Samuel. "Pare, heto si Elise. Kaibigan ko." pagpapakilala ni Samuel sa akin. Nakipagkamayan siya sa akin. "Hello Elise! Kamusta? Ako si Ryan. Narinig ko kanina na binalita mo ako sa programa mo. Palagi ka rin naikukwento ni Samuel sa akin." Wait.... Ryan? As in Ryan Cruz? Ang gwapo naman sa personal. Jusko nawawala yung pagka dalagang Filipina ko sa kanya. Ang sarap tumili pero di pwede. Pero sigurado may nobya na 'to. "Maraming salamat rin pala dahil nakikinig ka sa programa ko."
Buong gabing yun ay magkatabi kami at nagkukwentuhan. Napatingin ako sa relo ko. Mag a-alas nueve na pala. Kailangan ko nanag umuwi. Nag paalam na ako kina Samuel at pati narin kay Ryan. "Elise sandali!" rinig kong sigaw ni Ryan. Baka niya ako tinawag?
BINABASA MO ANG
Ilang Kilometro Pa Ba? [Short Story]
Short Story"Napagod ka nang tumakbo diba? At alam kong wala ka na ring balak na ituloy pa ito. Tuloy parin ang laban ng buhay ha? Maraming salamat sa lahat, Ryan." #6th place for the category of Athletics #59 place for the category of DJ Thank you so so much...