MY MISERY

52 2 5
                                    


3:03 AM

NAGISING ako sa isang malakas na kalabog na nagmumula sa ikalawang palapag ng aming bahay.

Dali-dali naman akong tumayo mula sa aking pagkakahiga sa sofa. Dito na talaga ako laging natutulog sa sala para madali nalang akong gisingin kinabukasan.

Nakiramdam ako sa paligid. Tanging nakakabinging katahimikan lamang ang aking naririnig. Strange...

Kinuha ko ang Baseball bat ko na nagnga-ngalang Lucille. Nasanay na akong lagi itong malapit sakin pag ako'y natutulog. Hindi ito ordinaryong Baseball bat dahil pinuluputan ko pa ito ng barbed wire. Safe naman sya kasi lagi ko 'tong tinatakpan ng makapal na tela para incase lang na masagi ko.

I love Gore. Everything about killings and brutality. Di 'ko alam kung bakit basta nakakaadik lang.

Dahan-dahan akong naglakad paakyat na sana sa taas, ngunit nakarinig ako ng kaluskos sa silid ng nakatatanda kong kapatid.

Sinilip ko ang naka-awang na pintuan at namataan ko ang magnanakaw na nakatalikod. Kaya naman 'di na ako nagdalawang isip pa at agad ko siyang hinampas ko sa likod gamit ang Baseball bat kong si Lucille.

Napadapa siya kaagad at lumingon sa akin. Nakadikit na ang Baseball bat sa likod nya. Nababakas sa itsura niya ang takot at gulat. Hinanap ng mga mata ko si kuya.

Nakita ko naman ang nakahandusay niyang katawan sa kama. Wakwak ang tiyan dahil sa natamo nitong saksak. Tumingin ako sa salarin ng punong-puno ng galit. Nilapitan ko siya. Kinuha ko sa likod niya ang nakabaon na Baseball bat at hinataw ko siya gamit nito.

Tumigil na ako nang halos 'di na makilala pa ang salarin at halos madurog na ang pagmumukha nito sa lakas ng paghataw ko sa kaniya. Durog ang bungo nito at nagkalat ang masangsang na amoy dahil sa kaniyang dugo.

Tumayo na ako at inabot ang telang nakalagay sa mini table, katabi ng kama ni kuya. Maingat kong tinanggal sa mga Barbed wire ang mga nakadikit na laman at pinunasan ang tumutulong malapot na dugo.

Tinignan ko ang bangkay ng nakatatanda kong kapatid sa huling pagkakataon, pagkatapos ay lumabas na ako sa kaniyang silid.

Sorry, nahuli ako kuya.

Sinimulan ko ng tahakin ang daan paakyat. I slowly tiptoed all the way up to my parents room. I carefully open the door and to my surprise there are two of them.

Wow. TWO versus ONE. How unfair. Nakatalikod sila sa'kin dahil abala sila sa paghahanap kung saan siguro nakalagay yung mga pera o alahas.

Hinanap ko sina Mama at Papa. Wala sila sa kana ngunit nasa lapag naman sila. Naliligo sa sarili nilang dugo habang tadtad ng saksak sa leeg at tiyan.

Lalo akong nagalit sa aking nasaksihan. Kailangan kong ma-determine kung lalaki ba o babae sila. Base naman sa kilos ay babae ang isa sa kanilang dalawa.

I mentally calculated the distance between us. I guess it's time for me to make a move.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad ko silang sinugod at walang habas na pinang-hahampas. Nagulat ang babae at tila nagtaka.

Pinipigilan niya ako gamit ang kaniyang mga kamay na naka hawak mismo sa baseball bat. Sigurado akong naha-hawakan niya ang mga tinik kaya pinihit ko pa si Lucille.

I felt something cold slide along my neck. Kaya agad akong umiwas subalit nadaplisan na ako.

Lintik lang ang walang ganti.

Lumingon ako sa likod habang patuloy na pinipihit at dinidiin si Lucille sa babaeng salarin. Buti naka-patong ako rito kaya mas madali akong gumalaw.

Nakita kong may hawak ang salarin na nasa likod ko ng kutsilyo. Mukhang binunot niya pa ito mula sa bangkay sa isa sa mga magulang ko.

I took a deep breath, holding every air in my lungs and slowly exhales.

Tumayo na ako at hinampas ang salaring sinugatan ako sa braso. Nilingon ko ang babae na mukhang nanghihina na. Babalikan kita.

Kinuha ko ang kutsilyo at isinaksak ko sa lalamunan niya. Napaupo siya, hawak niya ang kaniyang leeg at tila nahihirapan na siyang huminga. Pinihit ko ang kutsilyo.

Binunot ko si Lucille na nakadikit sa braso nito. At hinampas ng ilang ulit hanggang sa 'di na makilala ang mukha nito. Katulad nung nangyare sa magnanakaw na nauna.

I'm pretty sure he might be dead soon kaya binalikan ko na ang babae. Wala na siya sa pwesto niya. Inilibot ko ang paningin ko.

I saw her running straight to the window. Tatakas pa ata.

I grab her hair. Her hair looks familiar. I pick her up and lift her a foot off the ground with my two hands around her throat. Her legs kicks wildly hitting me, which irrates me. I tighten my grip so that her kicks do no damage.

Sinakal ko lang siya hanggang sa maubusan siya ng hangin. Babae pa rin siya kaya sakal nalang muna.

Hindi nagtagal ay 'di ko na maramdaman ang pulso niya kaya ibinaba ko na siya.

Finally... Napaghiganti ko narin kayo Mama, Papa at Kuya.

********************
4:58AM

Someone is screaming. I can hear it. Sigurado akong galing iyon sa isang babae. Bakit siya sumisigaw?

I opened my eyes. I found myself covered with sticky and warm blood in front of my parents dead body.

Panaginip pa ba'to? Oh God.
What have i done? Bakit ako nakatayo sa harap nila hawak si Lucille. Bakit?

Then i realized something. . .

Alam kong nags-sleep walk ako but I didn't know it would go this far. My Mom once told me to consult a Pyschiatrist pero sinabi ko nalang na sayang lang ito sa pera. Na wala lang 'to.

Napaluhod ako habang tulala. Patuloy na bumabagsak ang aking mga luha.

Napabitaw ako kay Lucille. I'm a monster. The only person I'm afraid of is myself.

I'm so sorry. I deserve to die. I deserve to be punish to death. I deserve to be locked up in jail forever.

"P-please, forgive me..." bulong ko habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha sa aking mga mata, kasabay ng pagdidilim ng aking paningin ang tunog ng sirena ng mga pulis.

************************

[Author]
Sup pips.

Baguhan pa lang po ako sa pagsusulat kaya please don't judge me. Ang hirap pala talaga mag sulat no? Nakakaloka. Pero enjoy naman. Pasensya na sa mga typos.

Hope y'all like it. ♡

Please Read ♡ Vote ♡ Comment.
Don't forget to Follow me. (Charing)

-×alliahthegreat×

Lucille (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon