I Love You, Goodbye ...

408 15 13
                                    

========================

MARCH 28, 2012

Loraine's POV

Ito na yung araw na pinaka hihintay ko ang Seniors Prom namin mamaya. Gusto kung gawing very special at memorable ang araw na to kasi gra-graduate na kami ng high school. Higit sa lahat gusto ko ring makasayaw ang pinakamamahal kong 1 year and 8 months kung karelasyon  ang boyfriend ko. Hindi ko kasi siya naka sayaw nung JS Prom namin magka-iba kasi kami ng schedule first day ako at siya naman ay nasa second day.

One week before bago ang Seniors Prom namin napag-isipan kung e-surprise and boy friend ko.Gusto ko sa darating na prom e-surprise ko siya mismo sa event na yun I want to make him feel happy and loved that day. Kinausap ko yung mga matalik kung kaibigan na tulungan nila ako to surprise him. Bumili ako ng tatlong kulay red na heart balloons na may nakalagay na " I LOVE YOU". I also bought a heart cake na pina custom design ko pa, pinalagay ko kasi dun yung mga pictures naming dalawa. Gumawa rin ako ng mga love letters para sa kanya. Isinulat ko dun yung mga memorable happenings naming dalawa since day one na naging kami.

Nagusap-usap na kaming magkakaibigan kung anong gagawin namin sa Seniors Prom. We plan na sana sa pagtugtug ng mga love songs doon namin e-susurprise yung boyfriend ko. So bawat isa sa kanila ay hahawakan yung balloons then merong maghahawak ng cake and ako yung last na lalapit sa kanya to give him the love letter I wrote.

Umaga pa lang ay nagpre-pare na ako para sa event. Inayos ko lahat ng mga susu-utin ko like earrings, necklace, bracelet, at iba pa. Di ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko ngayong araw na ito yung feeling na nasasabik ka sa mga mangyayari mamaya.

Nararamdaman kung tumatalon sa sabik ang puso ko. Di ko lubos ma-imagine ang mga mangyayari mamaya sa Seniors Prom namin. I want to make this event a memorable one. Nagtext ako sa boyfriend ko na sa Prom na lang kami magkikita at sumag-ayon naman siya.

His reply to me " Okay. Meron din akong sasabihin sayo mamaya". I feel excited for his reply. I replied him back " See you. I love you <3<3 :)".

Ano kaya yung feeling na lahat ng mga ka-batchmates mo ay magkakaroon kayo ng isang formal party. Nakaka-excite talaga alam kung pinaghanda rin toh ng mga kaklase ko . Anu kaya yung mga susu-utin nila mamaya yung mga make-ups nila yung style ng buhok nila at marami pang iba. Alas-tres ng hapon magsisimula ang Prom kasi hanggang 7pm lang ng gabi ang event namin alam niyo na bawal magpagabi.

Pagsapit ng alas dyes ng umaga ina-yos ko na yung buhok ko. Kinulot ko yung mga dulo ng buhok ko. Maganda kasing ikulot buhok ko kasi mahaba ito hanggang bewang. Ako lang kasi ang naga-ayos sa sarili ko marunong din naman  kasi akong magmake-up at tyaka mag hair dress. Sinimulan ko nang mag make-up yung ginamit kung foundation ay yung ka skin tone ko lamang, naglagay ako ng glitter brown eye shadow sa mga mata ko at naglagay rin ako ng thin eyeliner. Kulay peach naman ang linagay kung blush on sa mukha. Ang kulay ng lipstick ko ay nude pink.

Simple lang ang make-up ko. Pagkatapos kung gawin ang lahat ng iyon ay isinu-ot ko na yung kulay red kung ball gown. Tube ang design niya na merong mga matitingkad na red stones and glitters sa harapan nito at ang ibaba naman nito ay meron din mga re glitters sa buong gown. Nakasuot ako ng high heels na kulay silver at naka gloves ako ng red. Naglagay rin ako ng flower crown sa ulo ko.

Then I look in the mirror. Nagmukha na akong tao syempre nag-selfie mo na ako. Dapat maganda ako ngayong araw na ito.

Makalipas ng ilang oras mga 2:30 na ng hapon naisipan kong pumunta nasa school namin. Ang venue ay sa gym ng eskwelahan namin .

Pagkapasok ko pa lang ng gate nabighani na ako sa aking mga magaganda at mga gwapong kaklase. Napaka ganda ng mga gowns nila at ang kanilang mga tuxedo.

I Love You Goodbye  ( One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon