Naglakad-lakad kami ni Toshi papunta ng tambayan namin sa pantalan. Tahimik lamang kami habang naglalakad. Ang bigat parin ng nararamdaman ko. Tinatawagan ako ng boyfriend ko pero hindi ko siya sinagot.
Umupo kami ni Toshi sa isang bench na may puno sa gilid. Pinagmamasdan ko lamang ang alon sa dagat habang dinaramdam ang lamig ng simoy ng hangin.
" Yung bag at gamit mo pinakuha ko na lang kay na May at James para dalhin dito" ani ni Toshi sakin habang hinihimas ang buhok ko. Hindi ko siya sinagot.
" Loraine, mag-usap kayong dalawa ni Andrew" sabi niya. Habang ako ay nakatulala at umi-iyak na pinagmamasdan ang maulap na buwan.
Biglang tumunog ang cellphone ko may nagtext na unknown number.
" Sorry Loraine hindi ko sinasadyang saktan ka. Sorry. Melody". Napaluha na lamang ako ng mabasa ko ang text na yun. P*tang-ina ang lakas ng babaeng yun para e message ako.
Pinapatahan ako ni Toshi habang humahagolhol ako sa iyak.
" Loraine nandito na sila May at James " ani ni Toshi.
Tumayo kaming dalawa ni Toshi at pagkalingon ko sa likod nanlaki ang mga mata ko. Kasama nila si Andrew.
" Sorry Loraine nagpumilit siyang sumama samin" naga-alanganing sabi ni May.
Kinuha ni Toshi yung bags at gamit ko " Mag-usap muna kayo dun lang ako sa eskinita maghihintay" ani ni Toshi. Naglakad na sila papalayo.
Habang ako nakatayo at nangi-gigil sa galit. Lalong tumulo ang mga luha ko. Nasa harap ko si Andrew gustong-gusto ko siyang saktan pero hindi ko magawa.
Naglakad si Andrew papunta sakin " Loraine ...".
Isang hakbang na lamang para makalapit siya sakin at sinampal ko siya sa tindi ng galit ko sa kanya.
Natulala si Andrew sa ginawa ko " Loraine, I'm sorry ".
"Sorry, sorry for what Andrew?!" Naghihikbing sagot ko sa kanya.
" I never meant to hurt you that way, It was my mistake" ani niya.
" Bakit? Bakit mo ako sinaktan Andrew? Mahal kita" masakit na masakit ang dibdib ko ngayon napaka sakit.
" Di ko sinasadya na saktan ka pinigilan ko naman pero di ko magawa " pagpapaliwanag niya.
" Sa tuwing nakikita ko si Melody masaya ako, sa tuwing nakakausap ko siya masaya ako hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Alam kung mali ako nung pinagsabay ko kayong dalawa pero mas nagiging masaya ako kapag kasama ko siya " nalulungkot na sabi niya sakin.
I was just standing still in front of him while I'm crying deep inside in my heart. I cannot say a word. Araw-araw kaming magkatext, magka-usap at magkasama pero bakit? Anu bang kulang sakin?
" Nagkabalikan ba kayo ?" nanginginig kong tanong sa kanya. Di ko lubos maisip na masasaktan ako ng ganito akala ko masaya siya sakin.
" Oo last week pa. Sorry Loraine" ...
Natulala na lamang ako sa sinabi niya . Bigla ko na lamang naramdaman ang pagyakap niya sakin at paghalik niya sa noo ko. Sabay niyang ibinulong " I love you, goodbye".
Tinititigan ko na lamang siyang naglalakad papalayo sakin habang unti-unting nanghihina ang katawan ko at napa-upo na lamang habang umi-iyak sa sakit at lungkot na nadarama ko. Biglang pumatak ang ulan sa aking mga mukha. Tila ba'y dumuduyog ang panahon sa aking nararamdaman.
" Oh I don't want to leave you .... Baby it tears me up inside ... But I'll never be the one you're needing ... I love you, goodbye ....Baby, its never gonna work out .... I love you, goodbye ...."
This is a true to life story. Iniba ko lamang po ang pangalan ng mga characters. Thank you for reading. ^_^
BINABASA MO ANG
I Love You Goodbye ( One Shot)
Teen FictionAlam niyo ba kung anu ang masakit? Yung palayin ang taong mahal mo kasi alam mong mas magiging masaya siya sa piling ng iba. Yung feeling na alam mong mas may mahal siyang iba kaya pinalaya mo siya. ©Rosetingles. All rights reserved 2014.