July
Tony’s POV
“Mr. Capiro, late ka na naman.”
Hay nako, bungad na naman sakin.
“Sorry ma’am may training kami eh.”
“Take your sit.”
Late, as always. Ayoko talaga ng 3rd period. Lalo na kung makakachempo ng masungit na prof.
May nakita akong vacant seat, syempre matic na isa-save ako ng upuan ni Brody at Chester. Nakakaasar, habang papunta ako sa pwesto nila nagtatawanan pa sila. Tinignan ko nga ng masama. They seemed amuse sa reaction ko, inis.
Medyo strict si ma’am pero sakin hindi masyado. Ewan ko ba, nahulog sa charisma ko siguro.
Pwe.
Siguro kung hindi lang ako gwapo at varsity ng university na ‘to, I would be in the bottom of the food chain. Thank you talaga Lord.
***
Finally, 3rd period is over. Kaso may isa pa kaming klase. Buti nalang medyo mahaba yung vacant. We decide to take our lunch sa cafeteria. Dumeretso na kami sa lagi naming pwesto.
Ang daming memories, marami din kaming nakasama sa table na to, pero yung iba, naglipatan na ng school o kaya circle of friends. Solid talaga kaming tatlo. Ilang babae na din ang nakita kong isinama dito ni Brody at Chester.
Brody – 15 and above (Sya kasi pinakababaero saming tatlo.)
Chester – 4 (At nagsettle na sya sa final gf nya, balak na nyang pakasalan after grad.)
And as for me, believe it or not. 0. Yup, you read it right. Wala pa. As in. Oo. Haha! Sorry na. So ayun, wala pa talaga, kahit dates. Alam kong unang papasok sa mga utak nyong readers, na bakla ako. Pero hindi po. Peace tayo readers. ;) Anyway, no girlfriend since birth. Ewan ko ba, mas interesado ata ako sa career ko. Di ba nga, true love can wait. Edi kung wala pa talaga, hindi pa ngayon yung tamang oras. Boom panis!
“Tignan mo ‘tong si Ynot! Tulala na naman.” Brody joked.
“Ha?”
“HOTDOG!” Sabay na sinabi ng dalawa sabay tawa, with matching apir pa.
Bwiset.
Pero kahit consistent silang mang-asar sakin, hindi naman ako pikon. Perhaps, si Brody yun. Kaya medyo limited lang yung mga insult namin ni Chester. Ewan ko ba kung bakit sila tropa ko, may mga sapak.
Ako naman din ata.
“Hindi ka na naman pumasok sa second period kanina.” Bungad ni Brody.
“Alam nyo naman same sched sa training. I-drop ko nalang kaya yun?”
“Timang, sayang naman.” Sabi ni Chester.
“Sabagay, magagalit din si mommy. Try ko nalang pumasok tapos aalis din ng maaga.”
Medyo nakaka-stress din pagsabayin yung studies at training. Pero kailangan talaga eh, ayoko bitawan yung isa dun.
Tahimik na kaming kumain.
“Hay nako Ynot. Mag girlfriend kana kasi. Para dagdag inspirasyon.” Reklamo ni Chester.
“Eh, wala naman akong nagugustuhan.”
“Mapili ka kasi masyado, why don’t you try opening your heart?” Pangaral ni Brody.
“Sayo pa talaga nanggaling yan ha?”
“Aba syempre, from the guy who opens his heart to everyone.”
“’Lul.”
“Oh sige, ganito nalang. Subukan mo kaya i-lista yung mga type mo sa isang babae. Physical appearance at personality. Alam ko kasi kung gaano ka ka-choosy eh.” Sabi ni Chester.
That’s not a bad idea at all. Kaya pumunit ako ng isang page ng filler ko at kumuha ako ng ballpen.
Maya maya pinakita ko sa kanila yung checklist ko.
Long hair
Matangkad
Nice eyes
Thin lips
Maputi
Sweet
Sobrang sweet
Clingy
Caring
Pagkatapos nilang basahin yung sinulat ko, nagkatinginan sila. After few second, tumingin sila sakin.
“What?” I asked.
“Pare, checklist ba talaga to? Or you just described Susan?”
Susan.
YOU ARE READING
Reality Over Checklist
Teen FictionPaano kung ang taong nakalaan sayo ay kabaligtaran ng taong inaasahan mo? Aminin natin, naghahanap tayo ng ka-partner na papasa sa standards natin. Pero may sasakto kaya sa tipo ni Tony? Nasa kanya na ang lahat pwera lang ang lovelife. Will he accom...