Ms. Bodyguard Book 2 of 2

8.3K 109 25
                                    

Ms. Bodyguard Book 2

"Even if I need to get hurt, even if I need to sacrifice in the end. As long as I keep my precious one safe. I'm fine with it."

Ang buong akala ni Alex, happy ending na silang dalawa ni Terrence... sa akala lamang niya iyon...

Dahil nang bigla na lamang mawala si Terrence, sobra siyang nasaktan, maging ang kanyang trabaho ay naapektuhan. Sumabay pa ang isang malagim na pangyayaring lalong nagpaguho ng mundo niya. Sa panahong iyon, higit niya itong kailangan ngunit walang Terrence Altamonte na dumamay sa kanya.

Until one day, muli itong bumalik. But the most painful is, may iba na itong mahal?! The heck! Ano 'to, lokohan?! After days, and weeks of waiting, eto pa ang kaliwa't kanang sumampal sa kanya! Parang gustong magdilim ng kanyang paningin!

Dumagdag pa ang mga bagong kalaban na lalong nagpapagulo sa buhay niya. Hindi lang isa, kundi isang organisasyon ng mga assassin. Idagdag pa ang magugulong gangster! Teka, Agents vs. Assassin vs. Gangster?

Paano na ito ngayon? Paano na siya? Ito na ba ang katapusan ng love story niya? May happy ending pa ba siya o wala na?

-------------------------------------------------------------------

10 SCENES FROM BOOK 2!

SCENE 1----------------

"Then let's get married..." ang seryoso niyang sabi pagkaraan na ikinanlaki ng mata ko.

Totoo ba ito?! Si Alex na mismo ang nag-aaya sa aking magpakasal? Teka sandali! Kalma muna Terrence! Whoa! Nanginginig ang buo kong kalamnan sa excitement!

"Y-y-you want us to get married?" ang nabubulol ko pa'ng tanong sa kanya na nakatitig direkta sa kanyang mata!

SCENE 2--------------

"Mabuti pang sumuko ka na. Wala na ang mga kasama mo, wala ka na ring ibang malulusutan. We will keep you alive if you tell me who is behind the assassination." ang tanong ko sa babae. "Who gave the order?"

Muli kong tanong. Hindi ako maaaring magbasakali at maging kampante dahil sa nababanaag kong galit na nakabadha sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nito ng mga sandaling iyon.

"Too bad..." she said in a sarcastic tone. Though the sparks in her eyes show pain and anger. "I wasn't trained to give away confidential information, and that..." she paused. "...that includes surrendering myself to someone I know full well is an enemy."

Pagkasabi niya n'un napaalerto ako ng bigla niyang iangat at itinutok sa akin ang baril.

SCENE3---------------

"Ang sabi mo hindi mo ako iiwan..." nakaramdam ako ng pagbigat ng aking dibdib, kasabay ng pamumuno ng luha sa aking mga mata. "Ang sabi mo hindi mo ako papaiyakin... pero anong ginawa mo?!" malakas kong sigaw sa asul na karagatan! "AAHH!!!" tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko, parang tinarakan ng matalim ang puso ko!

Darn it! Gusto kong magwala ngunit pakiramdam ko wala na akong sapat na lakas para gawin 'yun dahil sa ilang araw kong pag-iyak!

SCENE4------------

"Ang sabi ng mga kasama mo, you are one of the best daw." may halong pangmamaliit ang himig ng boses ng isa pang lalaki na si Aries at bahagyang lumapit sa akin saka sinukat niya ako ng tingin. "Talaga ha? Can you prove it?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. Bodyguard Book 2  [COMPLETED] EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon