daniel's
Pagkatapos ko mabasa yung message ni Ynna, tumakbo ako agad papuntang ospital. Walking distance lang naman eh.
Room 101 nakaconfine si Zari. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.
Nakita ko nakangiti siyang kausap sila Trina, Veronika, Xeira, at Ynna. Sila yung kaibigan ni Zari.
Kung tinatanong nyo kung sino si Zari...
Zariyah Kang. Ang nagiisa kong kapatid na diagnosed na ng Stage 4 Lung Cancer.
Nalaman nya na may cancer sya nung nawala si Papa saamin. Cardiac arrest. Si Mama naman, dahil separated na sila, hindi na ulit kami binalikan pagkatapos.
Sunod sunod yung pangyayari, kailangan gamutin si Zari dito sa Australia kasi dito may pinaka magagaling na doktor.
Kaya kailangan kong iwan si Ariane.
Masakit, pero para sa kapatid ko, titiisin ko lahat.
Nakita kong napalingon sakin yung kapatid ko. Bigla siyang ngumiti. "Kuya!" Lumapit ako sakaniya at niyakap siya.
"Kamusta na, Zari? May masakit ba sayo?" Umiling lang siya at ngumiti. Ang precious ng ngiti ng kapatid ko. Totoong totoo.
"Zari, may ikkwento si kuya sayo ha?" Tumango lang siya.
"Zari, pagbalik ni kuya sa Pinas, may babalikan siyang babae. Mahal na mahal kasi ni kuya yon. Okay lang ba?" Napaisip siya.
"Sino ba yung babae, kuya?" Nagkatinginan kaming lahat ng nasa kwarto. Huminga ako ng malalim.
"Si Ariane. Ariane Choi."
"Ariane? Yung bestfriend ko noon na hamggang ngayon hindi pa ko kinakamusta? Yung kahuli-hulihan kong bestfriend bago ako ipasok ng ospital? Kuya, ayoko." Napatungo ako.
"Zari, kaya ka hindi kinausap ni Ariane, kasi kakabreak palang namin nun. Kapatid kita kaya natural, di ka nun kakausapin." Huminga siya ng malalim."Eh bakit hanggang ngayon di nya parin ako kinakamusta? Ano, wala na? Kuya naman. Alam ko nasabi ko na sayo to dati eh. Pagbigyan mo na ko kuya, habang buhay pa ako. Jebal."
BINABASA MO ANG
alphabet | k.dn
Short Story❝Lahat ng babae nakausap ko na, nakumpleto ko na nga ata alphabet. Pero babalik at babalik parin ako sa unang letra.❞ ∆ epistolary ∆ wanna one series #2 ∆ credits to @taeyoungs for the cover ∆ mrsparkchxnyeol