"Babe ambagal mo naman ohh, hindi mo na ako maabutan ohh kalalaki mong tao eyy"-sabi nya sa akin.
"Oo na ikaw na mabilis ako na hindi"-sagot ko sa kanya.
(malapit ko na syang maabutan at in fact malapit ko na syang mayakap)
"Huli ka, hahahahaha akala mo hindi kita mahuhuli ahh"- sambit ko sa kanya habang nakahawak na ako sa baywang nya.
(napahiga kami sa damuhan at magkatapat ang aming mga mukha) hayy Author sana ganito na lang lagi kami ^_^.
(maglalapat na ang mga labi namin nang biglang.....)
"NAAAAAATHAAAAAAN!!!"- sigaw ng isang kilalang boses na nanggaling kung saan.
"Ano ka ba namang bata ka tanghali na malelate ka na!!"- sabi pa nya sa akin.
(nang marinig ko yung huling sinabe sa akin ng mama ko ay kaagad kong kinuha ang orasan ko at tinignan ito.)
"Hala anong oras na ! 10:00 na malelate na ako nito paano ito 11:00 pa naman ang start ng klase namin"- sambit ko sa sarili ko. Si author naman kasi hindi ako ginising T.T
Ako nga pala si Nathan Nui Lee pero mas tinatawag nila ako bilang Mr. Nerd kasi naman ang hilig kong magsuot ng makakapal na salamin tapos ang hobbies ko magbasa ng mga libro at magaral, kaya maraming nawe-weirdohan sa akin pano ba naman kasi kahit na bakasyon puro libro ang hawak ko.
Nga pala yung sumisigaw kanina sa ibaba, yun yung mama ko, sya lang kasama ko ngayon sa bahay kasi sila papa nasa STATES kasama ang kapatid ko kaya kami lang ni mama ang nandito ngayon.
"Ma alis na ako byebye !"- sabi ko sa kanya sabay kuha ng bread sa plato sa lamesa at umalis na ako ng bahay.
(paglabas ko ng gate namin, ay may isang tumawag sa akin na kilala ko yung boses.)
"Hoy antagal mo naman kanina pa ako naghihintay dito sa labas!"- sabi ng isang babaeng nakatayo sa harapan ng gate namin.
"Ay sorry nalate ako ng gising, tara na Ms. Georgeous"-yan yung tawag ko sa kanya simula pa lang nung bata pa kami.
Meet Ms.Georgeous, Riezel Pegalan. Sya lang naman ang Kababata ko at kasama ko paglaki, kilala na namin ang isa't isa kaya naman hindi na kami naglilihim sa isa't isa. Cute, Mabait, Prangka, medyo masungit sa akin yan kapag nagiging tanga na ako.
"Tara na nga baka mahuli pa tayo"-sabi nya at baglakad na kami, walking distancelang naman ang school namin dito sa bahay eh
-"
(sa wakas nakarating na rin kami sa school, RICH UNIVERSITY yan yung name ng school na pinapasukan namin. 2nd year college na kami kaya marami na rin kaming naging kaibigan dito at marami na rin kaming alam about sa school na ito.)
"Bhest antagal niyo naman kanina ka pa namin hinihintay dito maguumpisa na yung first subject natin dalian mo"-sabi ng isa kong kaibigan ^_^ kasama niya yung apat ko pang kaibigan
"Sorry naman bhest nalate kasi ako ng gising eh, sige na Ms. Georgeous alis na kami"-sambit ko sa kanya sabay alis na.
Meet the Atomic6 ^___^
Via Federizo- siya lang naman ang kaibigan kong mahilig sa mga player ng basketball lagi nga akong kinukurot nyan kapag nakikita nya si John na isang player ng aming school. Cute, Mabait, Maputi, isa yan sa mga pinakamakulit kong kaibigan.
Chynnah Bagarez- siya ang ang bunso sa aming atomic6 seryoso minsan pero hindi nawawala ang pagiging makwela. Cute, Mabait, Maputi at lagi akong inaasar nyan na Alien.
Sophia Nasol Latinazo- siya naman ang tahimik sa amin sa lahat ewan ko ba kung bakit pero parang laging may problema na kung ano ewan ko ba. Mabait, Chubby, Maputi at yan yung tinuturing kong kapatid sa school Alien kasi tawag ko dyan.
Edmond Concepcion Tan Ochoa- siya yung maingay kong kaibigan at sobrang ingay nyan. Matangkad, may pagkaNerd minsan at Feeling Pogi. Simple lang sya sa paggalaw at mahilig sumawsaw sa istorya ng iba.
Richard Gelladula Delos Santos- mahilig maglaro ng DOTA lagi nya kaming ikinukumpara sa mga character sa DOTA. Astig, Cute, Matangkad feeling Pogi kahit hindi.
Nathan Nui Lee- syempre ako yan ako ang NERD sa grupo pero mabait at mahilig sa libro.
(nagsimula na ang first subject namin...)
-
"Hay sa wakas natapos na din ang klase break na natin kain tayo dalian lang natin at babalik pa tayo sa room after 30 min."- sabi ko sa Atomic6, at dumiretso na kami sa canteen.
(pagdating sa canteen may naaninag ang mga mata ko na isang mala-ANGHEL na mukha...)
"Geez si Ms. Fabulous dadaan sa harapan natin"- sabi ni Richard sa amin habang kumakain ng burger.
"Si Ms. Fabulous, ang babaeng pinapantasya ko sa buong buhay ko"- sabi ko sa kanila with matching Sparking Eyes.
"Hoy Mr. Nerd tama na nga yang pagpapantasya mo nagmumukha ka na ng flashlight dyan sa sobrang spark ng mga mata mo"- sambit ni Edmond sa akin.
"Tama na nga guys kumain na lang tayo baka mamaya hindi pa tayo mabusog nyan"-sabi ni Via na parang mamamatay na sa sobrang gutom.
"Kainan na!!!"- sabi ni Chynnah na nagmamadali kung kumagat sa pagkain nya.
(samantalang si Sophia, hindi man lang nagsalita at pinagpatuloy lang ang pagkain...)
"Ms. Fabulous, para sayo oh sana tanggapin mo"- sabi ko nang makalapit na sya sa table namin.
"Eww whats that, take that away from me!"- sabi ni Ms. Fabulous sa akin sabay tapik ng hawak kong bagay.
Guys meet Ms. Fabulous, Raven Tagaza siya ang pinakamagandang babae sa campus at maraming naiinlove sa kanya at isa na ako dun. masyadong siyang maarte sa mga taong nakakasama niya. Lagi niyang kasama ang mga kaibigan niya na tinatawag ni Via na mga Alalay niya. si Ms. Fab at mga kaibigan niya at tinatawag sila na Famous Chixx dahil sila ang mga pinakamaganda at pinakamayaman sa campus namin. Fierce, Masungit, Maarte, Strict pagdating sa mga kinakasama at kinakaibigan niya.
"Nate!!!!!"- I hear some voice somewhere.
"Oh Riez tara join ka na dito sabay ka na samin kumain"- sabi ko sa kanya ng matanto kong sya ang tumawag sa pangalan ko.
"Okay sige tabi na lang tayo nate ^_^"- sabi niya sa akin sabay upo na sa tabi ko.
-
(tapos na kami kumain at bumalik na sa room para tapusin ang last Subject at natapos na rin kami.)
"Okay guys bye uwe na kami ni Ms. Georgeous"- sabi ko sa Atomic5 (kasi wala ako kaya Atomic5 na lang)
**Guys ano masasabi niyo sa first chapter yung totoo po huh need ko ng comment niyo at please vote at sana magustuhan niyo mas lalo ko pang pagagandahin yung story na ito if maraming Comments and Vote hope ko na sana maraming magVote dito spread this sorry kung pangit ahh First time ko po kasi gumawa ng story eyy kaya ganyan yung story.