7

44.9K 766 24
                                    


TAHIMIK na uminom si George ng alak sa baso niya habang pinakikiramdaman ang katabi niya sa bar. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ito bago mabilis na ibabalik ang atensiyon sa iniinom. He was very much aware of her.

Tuwing naiinip siya ay nagtutungo siya sa bar na iyon na kilalang puntahan ng mga single na naghahanap ng makakasama sa isang gabi. Wala siyang matipuhan sa mga babaeng lumapit at nakipag-usap sa kanya. Nawalan na siya ng interes at naisipan niyang umuwi na lang hanggang sa makita niyang papasok ang limang babae. Lasing na ang karamihan sa mga ito at tila galing na sa ibang bar. Isang partikular na babae ang nakakuha ng atensiyon niya. She looked beautiful and stunning and it seemed like she was very aware of it. Hindi rin ito smug o snob. There was grace and confidence in her every movement. She wore a very short shiny dress that clung to her body like second skin. Pagtalikod nito ay nanuyo ang lalamunan niya. Hers was the sexiest back he had ever seen. He loved her dress and he wanted to rip it apart. He wanted her. Badly.

Naunahan lang siya ng isang lalaki sa paglapit sa grupo ng babae. Disimuladong pumuwesto siya sa isang mesa sa likuran ng mga ito. Hindi niya ugaling makinig sa usapan ng may usapan, ngunit masyado siyang interesado sa babaeng iyon. Natural na yata sa mga journalist ang maging curious at persistent. Kahit pa marahil hindi niya sadyain ay naririnig pa rin niya ang usapan ng grupo. Her friend was drunk and loud.

Marami siyang nalaman dahil sa kadaldalan ng kasama nito. The woman was a doctor. Kung ganoon kaganda at ka-sexy ang doktor, sasadyain na niyang magkasakit. Na-imagine tuloy niya ang sarili na nakahiga sa examination bed, naked. She would be wearing a white coat and nothing else underneath. He groaned when he went instantly hard.

Halos hindi niya mapaniwalaan ang tindi ng atraksiyon na nararamdaman niya sa isang babae na ngayon lamang niya nakita at hindi pa niya alam ang pangalan. He was hot and excited. Halos hindi na siya makapaghintay na masolo ito. Ang huling beses yata na naging ganoon siya kaatat ay noong disisais anyos siya at nabuo si Iñaki.

Ipinilig ni George ang kanyang ulo. Pare-pareho lang ang mga babae. This one was not that special. Nagkakaganoon lang siya dahil naging abala siya sa ginagawa niyang documentary. It had been long since the last time he got laid. Iyon lang ang dahilan ng matinding arousal at excitement niya ngayon. Kapag nai-release na niya ang lahat ng stress niya, mawawalan din siya ng gana kagaya ng naramdaman niya sa ibang babae.

Nakakita siya ng pagkakataon na malapitan ang babae nang tumayo ito at nagtungo sa bar. Akala niya ay babalik din ito sa mga kaibigan nito pero nanatili ito roon at tahimik na uminom. Tila malalim ang iniisip nito. Bago pa man siya maunahan ng kung sino, tumayo siya at tinabihan ito. Pigil-pigil niya ang kanyang sarili na padaanin ang palad niya sa naka-expose na likod nito.

Mula nang madalas nang nakikita sa telebisyon ang mukha niya ay nasanay na siya na babae ang lumalapit sa kanya. Nasanay na siya na hindi siya ang nauunang magsalita. This woman looked too confident. She also struck him as a modern woman. Ayon na rin sa narinig niya ay mahusay itong makipaglaro.

Tingnan natin.

Nilingon niya ang babae at pinagmasdan. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya ito nilubayan. Napangiti siya nang ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin siya nito nililingon. Tila masyado itong lulong sa pag-iisip habang umiinom ng alak kaya wala itong pakialam sa paligid. O sinasadya nitong huwag siyang pansinin para siya ang unang gumawa ng hakbang? Dapat lang naman dahil siya ang lalaki.

Pinagsawa muna niya ang kanyang mga mata sa ganda nito. Classic ang ganda nito. Iyong tipo na maganda sa unang tingin at hindi pagsasawaang pagmasdan kahit matagal nang natitigan. She was elegant and graceful. She was the type of woman who knew what she wanted. Sa narinig niya sa sinabi ng kaibigan nito, nagkaroon siya ng impresyon na hindi ito gaanong panatiko ng love at romance.

Ngunit malay ba niya? Wala siyang basehan dahil hindi nga niya kilala ang babae. Hindi siya nakakasiguro kung hindi nga ito katulad ng ibang babae na naniniwala sa Prince Charming at happy ever after. Pare-pareho lang minsan ang mga babae. Sa umpisa, akala mo ay game. Sa una ay walang inaasahang anuman. Pero habang nagtatagal ay nagiging possessive, clingy, at needy na.

Unti-unting napalingon sa gawi niya ang babae. Nagtama ang kanilang mga mata. Pinanatili niya ang ngiti sa kanyang mga labi. Bahagyang tumaas ang isang kilay nito. Nagmukha itong mataray ngunit maganda pa rin ito. Hindi siya nagsalita; nakangiting pinagmasdan lang niya ito. He knew the effect he had on women.

Dahan-dahang bumaba ang kilay nito at amused na ngumiti. Nagsayaw sa kaaliwan ang magagandang mata nito. Nabasa niya ang rekognisyon sa mga iyon. Hindi marahil siya mahihirapan sa pagkuha ng atensiyon nito. Itinuturing siyang celebrity ng ilan. Naging bentahe niya iyon para makuha ang mga babaeng nagugustuhan niya. Women loved fame. They always wanted to be with someone popular.

Dinala niya sa kanyang bibig ang baso ng alak niya habang hindi inaalis ang mga mata niya rito. "Do you want a taste?" he asked her in a husky voice as he offered her his drink.

Tumawa ang babae. Dinampot nito ang shot glass na inilapag ng bartender sa harap nito at inisang-lagok ang laman. Nang tumingin uli ito sa kanya ay wala nang mababakas na amusement sa mga mata nito. There was fire and the promise of hot passion in her eyes. Naging mapang-akit ang tingin nito at muntik na niya itong sunggaban.

He almost lost it when her tongue sensually licked her lip. "You're George Salvador, right? The reporter?"

"Yeah," halos wala sa loob na tugon niya. Kilala nga siya nito.

"Hmm..." Kaswal itong napatango-tango na tila hindi ito impressed. Parang hindi big deal dito kung nakikita siya nito sa TV o hindi.

Hinintay niyang sabihin nito ang pangalan nito pero nainip na siya. "Now you tell me your name. That's how it works, honey," aniya sa amused na tinig.

Humingi muna ito ng bagong inumin bago sumagot. "Maria."

Napatingin siya sa maliit na dance floor. A slow music was playing. May ilang pareha na naroon at mas na magkayakap kaysa nagsasayaw. "Dance with me, Maria." It was not a request, it was a command and women usually loved that.

"Later," sabi nito bago pinagtuunan uli ng pansin ang inumin nito.

Oh, he liked her. A lot.

middle'><�>�'5�)

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon