“You need to transfer sa Ward Academy this week” Mom said in a serious tone.Hindi ako nakasagot.
“Are you listening to me, Xav?!” pasigaw na tanong niya nung hindi ako nakasagot.
Patuloy na nakatuon ang pansin ko sa cellphone animo’y hindi siya narinig. I’m playing Mobile Legends here, do not disturb me mom!
Ibinato niya sa akin ang unan kaya natalo ang character ko sa game. Shit! Kung puwede lang magmura sa harapan ni mommy ginawa ko na.
Kinuha ko ang earphone at cellphone then umakyat sa kuwarto. Kabastusan iyon pero ganito talaga ako.
I don’t know what the f*cking reason of my mom at magagawa niyang i-transfer ako sa isang school na halos mayayaman ang nag-aaral. I don’t want to be one of them, mga feeling genius at maaarte. Duh! Mapera kami pero hindi ako katulad nila. Maybe, naiinggit si mom sa mga kumare niya na nasa magandang school nag-aaral ang mga anak. Tss.
Dahil sa kagustuhan niya, napasunod na lang ako. No choice. Anak pa rin niya ako, basta kapag hindi ko nagustuhan ang trato sa akin doon ay mapipilitan siyang ilipat ako.
• • •
After a week...
I’m Xaviah Victorina. Bago lang ako dito sa Ward Academy. Siyempre, alone. Papasok sa school mag-isa, kakain sa canteen ng mag-isa ulit, tatambay sa kung saan ng mag-isa na naman tapos uuwi ng bahay ng mag-isa rin. That’s me! I’m better to be alone. Ganito talaga siguro kapag baguhan. Minsan, napagkakamalan nila akong nerd or dakilang baliw sa room. Nagkakamali sila dahil hindi naman ako nakasalamin at isa pa hindi rin ako matalino. Pero, may kakaiba akong pakiramdam. Pakiramdam na hindi naramdaman ng kung sino man dito sa campus.
Since, I entered this school. I felt something weird and creepy. Kakaiba. Nakakapanindig balahibo. Hindi ako naniniwala sa mga supernatural but I don’t know how to explain this one, this feeling.
Nag-enroll ako last week. Pagpasok ko pa lang ng gate napansin kong may CCTV agad. Ganito ba talaga kayaman ang school na ito? Sa dati kong school, sa principal office lang ang mayroong CCTV.
Pero dito marami...
Marami na halos hindi ko na nabilang kung ilan pero may pumukaw ng aking pansin.
Ang CCTV sa main building...
Mukhang luma at matagal ng nakalagay ang cctv camera na ito rito. Makikita ang lahat ng dumadaan sa hallway pati ang pagpasok nila sa kanilang mga classroom dahil umiikot ito. Yes, you heard it right. The cctv was moving. Umiikot ito sa kung saan.
Then, napahinto ako sa paglalakad. I saw the cctv na tumutok sa akin. I stunned a moment. Nanlamig ako, bigla na lang kasing humangin sa paligid ko. Alam mo 'yun? Yung parang may dumaang kakaiba kahit wala naman.
Napatitig naman ako sa cctv at napakunot ang noo. What a strange feeling! Para akong nagyelo sa kinatatayuan ko at nagtaasan ang mga balahibo ko. It has something to it that you can’t explain.
Napatalon ako sa gulat ng may kumalabit sa akin. Napalingon naman ako sa kaliwa ko.
“Huwag kang haharang-harang diyan, may dumadaan at baka mabangga ka” cold na sabi sa akin ng isang lalaking naka-salamin. What the ef?! He looks like a nerd. Maybe, he’s a genius student here sa building na 'to.
Umalis na lang ako at pumunta sa registration office.
BINABASA MO ANG
THE LIVING CCTV
Mystery / ThrillerXaviah Victorina is a high school student from St. Benedict High School. Her mom wants to trasferred her in Ward Academy, mayayaman ang mga nag-aaral dito at dahil sa kagustuhan ng kaniyang ina ay napapayag siya nito. Since she entered that school...