A PLACE IN THEIR HEARTS

30 4 0
                                    

        Sa isang bahay kung saan naninirahan ang mga Hurtwolfs.Theressa, was a single mom of 2 kids named Bennita and Bianca, maaga syang nabyuda dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa dahil sa kalandian (hahahha peace) i mean may sakit itong HIV na nagsanhi ng maaga nitong pagkamatay. Si Bennita ang pinakagusto ni Theressa sa 2 magkapatid, kung tutuusin ay kaya nyang ibigay ang hilingin ng anak kahit na kapusin pa sya sa pera. si Bianca naman ay hindi katulad ng kanyang nakatatandang kapatid, never nyang nakuha ang atensyon ng kanyang ina kahit anong gawin, minsan nga ay naisip nya " Bakit pa sya nabuhay kung hindi naman sya kayang mahalin ng kanyaang ina?"

     Isang umaga ay naghahanda ng pagkain si Theressa para sa kanilang agahan.


Bennita: Good morning Mom...

Theressa: Good morning baby, halika umupo ka na at kumain.

Bennita:Waaaaah.......my favorte, chic-ken!!!

Theressa: Hahah! Go Baby, Kain ka na baka lumamig pa iyan.

   Hindi nila alam na nakikinig sa isang tabi si Bianca na walang ibang magawa kung hindi ang umiyak na lamang ng tahimik dahil kapag narinig ito ng Ate at Mama nya ay siguradong papagalitan na naman sya at sasabihing nag iinarte na naman sya.

Bianca: " Sana ako na lang si Ate, ...... Hindi!......Sana wala na lang akong ate, para sakin lang ang atensyon ni Mama" (masama man ang naiisip ay walang magawa si bianca kung di ang hilingin na sana ay wala na lang syang kapatid)

   Di nagtagal ay nagpasya din si Bianca na kumain na kaya nag aalinlangan man ay pumunta sya sa hapag at tahimik na kumuha ng kanyang pagkain.

Bianca: Sa kwarto na lang po ako kakain Mama..... 

   Hindi man lamang sya binigyang atensyon ng kanyang ina, kaya puno ng hinanakit na umakyat na lamang sya sa kanyang silid upang doon kumain ng kanyang agahan. Pagkatapos kumain ay naghanda na sya para sa kanyang pagpasok sa eskwelahan. Matapos ang lahat ng paghahanda ay bumaba na rin sya........ Nasa hagdan pa lamang ay rinig nya na ang masayang usapan ng kanyang Ate at ng kanyang ina.

Bennita:Talaga Mama!! Kung ganon ay di na lamang muna po ako papasok sa school para makasama ako sa shopping nating DALAWA....

Theressa:Hahahah..... O sige na maghanda ka na para sa ating pag alis......

   Napangiti na lamang ng mapait si Bianca at dumiretso ng baba para humalik sa pisngi ng kanyang ina ngunit parang may tumusok na karayom sa kanyang dibdib ng umiwas ang kanyang ina sa asta nyang paghalik dito.

Bianca: I love you Ma....... Alis na po ako.

   Di man lang nag salita si Theressa at hinayaang umaalis ang kanyang anak na si Bianca.


(FAST FORWARD)


   Kararating pa lamang ng mag inang Theressa at Bennita sa kanilang bahay ng mapansing wala pang ilaw sa loob, maaring wala pa si Bianca. Pumasok na lamang sila sa bahay upang ayusin ang mga gamit na kanilang nabili. Masayang masaya ang mag ina sa kanilang bonding.

   Lumipas pa ang ilang oras ay wala pa ring Bianca ang narating.

Theressa: Nasaan na ba ang kapatid mo bennita?

Bennita: Di ko alam Mama..... Baka kasama ng boyfriend nya......?

Theressa: Anong boyfriend!!!!??!!

   Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Bianca na parang wala sa sarili at tila kakagaling lamang sa iyak, mapapansing nanginginig ito lalo na ang kanyang mga labi na tila may gustong sabihin ngunit hindi ito makapagsalita. Agad na lumapit si theressa sa kanyang anak at sinampal ito...

Bianca: Ma-ma

Theressa: Shut up bianca!! Saan ka nanggaling? Alam mo ba kung anong oras na??!!At anong boyfriend?Malandi kang bata ka!!! Hindi kita pinalaking ganyan ha,,,Sana di ka na lang nabuhay!! Sana ipinalaglag na lang kita nung bata ka pa!!! Isa kang kahihiyan sa pamilyang ito!!!!!

Bianca:Mama- Mama-  k- ka-

Theressa:Tumigil ka!! Lumayas ka sa bahay na ito ngayon din!!! (lumabas ng bahay si theressa upang magpalimig ng ulo)

Bianca: A-ate.....

Bennita: Tskkk..... ( iniwan nito ang kanyang kapatid)

   Umiiyak na umakyat sa kanyang silid si bianca at dahan dahang umupo sa kanyang kama. kapansin pansin ang grabeng panginginig ng kanyang kamay at malakas na buhos ng kanyang luha habang sinasabi ang ang pangalang pauulit ulit nyang binabanggit gunit wala namang nakakarinig "MAMA"

   Sa kabilang dako naman ay ang mag inang si theressa at bennita na masayang kumakain ng hapunan.

Theressa: Anak pakibuksan ang TV,,,, ( binuksan ni betinna ang TV)

(FLASH REPORT: Kakatanggap pa lamang po namin ng balita na isang mag aaral sa Vascuez National High School ang tinatayang umanoy nagahasa sa gitna ng gabi. Ayon sa mga nakakita ang dalagang ito ay nag ngangalang BIANCA HURTWOLFS, maswerte na lamang po na sya ay nailigtas sa bingit ng kamatayan dahil nasaksak din ito umano ng mga suspek......)

Theressa: T- teka m-ali yan e---eh, d- i yan toto--o. ( agad na kumaripas ng takbo si theressa sa silid ng kanyang anak na si bianca at kumatok nang malakas)

Theressa: Anak! Anak! Buksan mo ang pinto!!! ( ngunit walang sumsagot at nakalock ang pinto)

Bennita:Mama...

Theressa: Bennita pakikuha ang susi!!!! Bilisan mo... ( agad na umalis si bennita at nagmamadaling kumuha ng susi)

Theressa: Dyos ko ang anak ko...... ( di nagtagal ay bumalik din si bennita at agad nilang nabuksan ang pinto)

    Ngunit di nila inaasahan ang eksenang bubungad sa kanila. ang nakahigang si bianca na  maraming dugo sa braso at may hawak hawak na papel.....

Theressa: Anak.......ko

Ang papel ay sulat ni bianca para sa kanyang ina......


Dear mama kong Maganda at Mahal ko,

                     Ma alam ko pong sa oras na mabasa nyo to ay nakapagdesisyon na po akong sumuko. Ma di ko na po kinaya yung sakit eh, lalo na po nung nasaktan nyo na ko ng pisikal. Alam nyo ba ma, umasa ko na pagdating ko sa bahay pagkatapos nung nagyari sakin ay isang mahigpit na yakap yung sasalubong sakin, pero ma hindi eh, kabaliktaran nun ang nagyari. Nung time na yon gustong gusto kong magsumbong sa inyo na."Ma nagahasa po ako, Ma tinawag ko po kayo,na Ma nung mga oras na yon tinatawag ko ang pangalan nyo pero Ma, bakit di ka dumating?o sadyang ganon ka lang kagalit sa akin at wala kang pakialam.

                     Pero Ma kahit ganon mahal na mahal kita at hindi magbabago yon. Mahal na mahal ko po kayo, kayo ni Ate. Ma lagi po kayong mag iingat ha....

PS: Ma alam ko na po.....







na bunga pala ako ng isang kahayupan......







bunga ako ng panggagahasa,





Nagmamahal,

Bianca


A Place in Their Hearts (Short Story) Where stories live. Discover now