…
“Waaah! Bakit ba lagi ka na lang nakabuntot sakin? Can you just stay away from me?! Please!” Gigil kong sabi kay Joey. Sa araw-araw na lang kasi na ginawa ng Diyos eh wala yata syang ibang alam gawin kundi ang i-stalk ako around the campus.
“Sab naman eh. You know that you’re the love of my life. And all I wanted is for you to be my girl. So please, will you say yes?” Nagmamakaawang sabi nito sakin.
Simula pa nung first year kami eh lagi na nya akong kinukulit na sagutin ko daw sya at take note, more than a hundred times ko na syang binasted. Pero kahit third year high school na kami ngayon eh hindi pa rin sya humihinto sa panliligaw sakin. If ever there’s a word na mas matindi pa sa salitang makulit eh yun ang best description dito kay Joey.
“Joey, can’t you see it? Wala ka talagang maaasahan sakin. I told you a zillion times before na hindi ko priority ang pagkakaroon ng boyfriend. So please, stop it na dahil hindi na talaga ako natutuwa.” I said sternly.
Naglakad na ako palayo sa kanya at dahil sa ayaw kong maabutan pa nya ako eh binilisan ko pa ang mga hakbang ko. Paliko na ako pabalik sa classroom namin nang hindi sinasadya eh mahagip ng mga mata ko ang dalawang tao na nakatayo sa may malapit sa comfort room ng mga girls. Isang babae at isang lalaki. Didiretso na sana ako sa paglalakad dahil malapit ng mag-umpisa ang third subject ko nang mapansin ko na parang may iba sa ginagawa ng dalawa. Out of curiosity, napahinto ako sa paglalakad at tiningnan sila pero bigla ko ring binawi ang tingin ko. They are kissing each other na para bang walang ibang tao ang pwedeng makakita sa kanila. At pakiramdam ko eh nakasaksi ako ng isang bagay na hindi ko dapat makita. Nagmamadali na akong umalis sa lugar na yun at lihim na dinadasal na sana hindi ako napansin nung dalawa.
…
“Hoy! Okay ka lang ba?” Tanong sakin ng kaklase at kaibigan kong si Vashti. I looked at her and frowned. Nasa library kami ngayon trying to do some research para sa isang Science project namin.
“Oh, what’s with that look? Parang napakalaki naman ng problema mo dyan.” Nagtatakang tanong nya sakin.
“I can’t get it out of my mind, Vash.” Ipinikit ko ang mga mata ko pero di pa rin maalis sa isip ko ang nakita ko kanina. Yay! Bad image, umalis ka na please! I shook my head at napatingin kay Vashti nung maramdaman kong hinawakan nya ang braso ko.
“Alam mo, pati ako naloloka sayo ha. Ano ba kasi yun?!” Malakas na sabi ni Vashti na ikinalingon naman ng ibang mga estudyante na nasa loob ng library.
“Ssshhh…lower your voice, Miss.” Medyo mataray na sabi sa amin ng student librarian. Nagkatinginan naman kami ni Vash sabay sabing sorry.
“Ikaw kasi eh. May pa-I can’t get it out my mind ka pa dyan! Ano na nga yun?” Nakangusong sabi sakin ni Vash na pabulong. Itinaas ko naman ang kanang kamay ko at nag-peace sign sa kanya. Napagalitan na nga eh tuloy pa rin sa pakikipagdaldalan.
“May nakita kasi ako kanina sa may labas ng CR ng girls.” Mahina kong sabi sa kanya.
“Ano naman?” Naiinis na nyang tanong sakin. Sinasadya ko talagang bitinin sya. Hindi ko kasi alam kung paano ko ikukuwento sa kanya yung nakita ko. First time ko lang din kasing nakakita ng ganun in person.
“Boy and girl.”
“So?” Nakaangat ang kilay na sabi ni Vash.
“Ahm, n-naghahalikan sila.” Medyo mabilis kong sabi sa kanya.
“WHAT?!” Malakas ulit na sabi ni Vash na ikinalingon ulit ng mga tao sa library. And this time, galit na yata silang lahat sa amin. Naku! Patay na talaga kami nito!
BINABASA MO ANG
Unofficially His
Teen FictionSab was one of the best in her school. She's intelligent and beautiful. Pero pagdating sa love, kahit si Cupid ay surrender na sa paghahanap ng matinong lalaki para sa kanya dahil sa sobrang taas ng standard nya. Because for her, LOVE is all abou...