The hardest thing is having words in your heart that you can't utter, because emotional pain is more tragic than physical pain.
Pero may mga taong alam kung paano kontrolin at ipakita ang mga ito. Na ang araw at buwan ay kailan ma'y hindi magkikita. Na ang pagmamahal ng araw ang naging dahilan, upang makita ang kagandahan ng buwan tuwing gabi.
Masakit man dahil nagawang magsakripisyo ng araw nang hindi man lamang nalalaman ng buwan iyon. That feeling you really wants something, but you know you can't have it.
"Kion! Hindi ba't sinabi kong ipinta mo ako. Napakadaya mo talaga."iritado kong sinabi, habang pinagmamasdan ang mga obra niya sa bawat sulok ng hospital.
"I don't wanna"ngumisi si Kion."I know you better, Kaiya. Paniguradong dadayin mo ang paglarawan sa iyong sarili."
"Hmp!"hinampas ko siya."Gusto kong ipinta mo ako katabi ang dagat kasabay ang pag lubog ng araw. Napakadaya mo naman! Nangako ka pang sabay tayong pupunta doon!"
Umiling lang ito at ngumisi na naging dahilan ng pagnguso ko. Mahigit pitong taon na akong naninirahan rito sa Ospital habang magdadalawang taon palang si Kion. I have heart disease. He has eye cancer. Kaya ni minsan ay hindi niya man lang nasilayan ang mukha ko pero kahit na ganon ay napakagaling parin niyang magpinta.
"Ano na naman bang ginagawa mo dito sa kwarto ko Kai Yanna Valdez?"
Namilog ang mga mata ko. Hinablot ko ang unan sa kaniyang tabi at walang pasintabing kong pinagpapalo si Kion. I hate that name! Ofcourse, he knows that!
"It's Kaiya! Don't call me that!"nangagalaiti kong sigaw. Walang humpay ko siyang pinaghahampas ng unan.
"Stop it, Kaiya!"humalakhak si Kion habang sinasangga ang mga hambalos ko. Wala na ngang makita ay napakalas paring mang bwisit!
Ngumisi si Kion kaya lalong naginit ang ulo. Hindi ko siya tinigilan sa pagpalo"What the fuck Kai Yanna Valdez ! Masakit na!"reklamo nito.
"Asshole! Nakakainis ka talaga!"
Tinaliman ko siya ng tingin ngunit humalakhak lang ang loko. Inilahad niya ang kaliwang kamay niya sa harapan ko. Nakangiti si Kion, hindi katulad kanina na nakangisi ang kaniyang mga labi.
"Come to Peter, Tinkerbell. Your Peter wants some hug"
Kumalabog ng husto ang puso ko. Nakapokus sa maamo niyang mukha ang aking paningin. Ni paghinga yata ay hindi ko na nagawa pang gawin. Kusang naglakad ang mga paa ko upang sundin ang nais ni Kion.
Ngumisi ito nang tuluyan nang mahawakan ang kamay ko. Walang pasintabi niya akong hinila kaya napaupo ako sa gilid ng kama niya. Halos lumukso ang pinagkakaingatan kong puso nang hapitin niya ang bewang ko at Ipatong ang kaniyang ulo sa aking balikat.
"Drink your meds, Kaiya"utos iyon. Hindi ako agad nakaimik. How did he know?
"No one's gonna die right? Lumalaban tayong pareho hindi ba? So drink your meds tinkerbel, hmm? Or else Peter will punish you really really hard"napapaos ang tinig ni Kion. Marahan niyang kinagat ang braso ko kaya napasinghap ako ng tuluyan! Agad akong napatango.
Pinaglaruan niya ang mga daliri ko na nakapatong sa kaniyang binti. Halos manlambot ang mga tuhod ko. Marahan niya iyong hinaplos habang nakangiti.Nagusot ko na rin ang gilid ng aking damit dahil sa kanyang kilos!
"Uh huh. No one's gonna die. Kapag iniwan mo ko ay paniguradong dodoblehin ko ang pagkamatay mo!"peke akong humalakhak kahit nanginginig na ang sistema ko.
Ilang minuto kaming natahimik. Nakatuon lang ang atensyon ko sa kamay niyang pinagsilop ang ang mga daliri. Naghuhumerantado ang kalooban ko. Tila ba may nagdidiwang sa loob ko.