I was patiently waiting inside his room when the door suddenly opened. Napatayo ako ng makita kong pumasok sa loob si Yuan.
"Yuan.." I called him to get his attention but it seems like he doesn't hear me at all. Is he mad again?
"Yuan can you please stop ignoring me." Pakiusap ko sa kanya pero wala parin siyang kibo, nilagay niya si Pichi sa kama at saka siya pumasok ng cr nang hindi man lang ako kinikibo.
"I hate you.." I mumbled while glaring at the door as if I could still see him through that.
"Arf!" Napatingin ako kay Pichi nang bigla itong tumahol lumapit ito sakin at saka nagpaikot ikot sakin.
"Buti kapa pinapansin moko." Napabuntong hininga na lang ako at saka lumabas na ng kwarto niya.
Tumambad sakin ang magulo niyang sala na halos ilang araw na yatang hindi nalilinisan. Nakakalat ang mga bote ng alak at mga newspaper, pero mas naagaw ng pansin ko ang bukas na TV kung saan naka-play ang video namin noon, kaya umupo ako at saka pinanood na rin ito. Natatawa ako habang pinapanood ko yun dahil puro kulitan ang mga ginagawa namin sa video, nandun din ang record na pumunta ako sa laro nila at nasa unahan talaga ako para mas makita ko siya.
Napalingon ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya, tapos na pala siyang naligo at karga-karga niya pa si Pichi.
"Pinapanood mo pa pala to, ang tagal na nito ah hahaha!" Sabi ko sa kanya pero as usual hindi niya na naman ako pinansin sa halip ay kinuha niya pa ang remote ng tv at saka yun pinatay.
"Bastos ka ha. Nanonood pako." Napa pout na lang ako dahil sa ginawa niya. Naglakad na siya palapit sa pintuan at alam kong aalis siya kaya patakbo akong sumunod sa kanya.
"Saan ka na naman pupunta ha. Ang dumi na ng condo mo tapos aalis ka ng hindi mo man lang yun nililinisan? Kelan kapa naging baboy Yuan?!" Sumasabay pa rin ako sa kanya hanggang sa makarating kami ng parking lot.
Binuksan niya ang pinto ng car at saka pinasok si Pichi sa may front seat kaya sumakay na rin ako.
"Yuan pansinin mo naman ako, kausapin moko kahit ngayon lang, why did you keep on ignoring me, galit kapa rin ba sakin?" I started the conversation to get rid of the awkward atmosphere pero mas lalo lang yata naging awkward dahil for the hundred times ay hindi niya na naman ako pinansin.
"Kung galit ka parin sakin dahil dun sa hindi ko pagpunta sa laro mo edi sorry na. Ang tagal na nun Yuan hindi mo parin ako napapatawad."
Magsasalita pa sana ako pero biglang huminto ang kotse, napatingin ako sa labas at nasa tapat kami ng isang flower shop, bumaba siya pero hindi na ako sumunod at nag hintay na lang sa loob after a minutes lumabas na siya galing flower shop na may bitbit ng isang bouquet ng flower.
"Wow. Para sakin ba yan?" Kukunin ko na sana yun pero inilagay niya ang mga ito sa backseat at muli na naman siyang nag maneho, kaya napanguso na lang ako.
Habang nasa byahe kami ay panay parin ang pagkausap ko sa kanya pero hindi niya parin ako pinapansin. Grabe siya, natitiis niya talaga na hindi ako kausapin.
After a long ride finally we already reached our destination. Bumaba muna siya at saka binuksan ang pintuan ng car kaya agad akong lumabas mula rito. Kinuha niya si Pichi at saka yung bulaklak sa may backseat.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya sumunod na lang ako sa kanya at hindi na nag tanong pa hindi rin naman din niya ako sasagutin.
Mga dalawang minuto lang ang tagal ng nilakad namin ng bigla siyang huminto. Nilagay niya sa may damuhan ang flower na dala niya at saka umupo duon.
"Liz.." I swear to God nanlaki ng sobra ang mga mata ko ng tawagin niya ang pangalan ko.
"Finally! Kinausap mo rin ako! Wow!" I exclaimed.
"Kamusta kana?" He asked in a calm tone but I can sense the pain in his voice.
"Okay lang naman ako.." I answered. He smiled but I can see the sorrow in his eyes.
"Please Yuan don't be like that, you know how it hurts me to see you like that."
Hinawakan niya ang lapida sa may harapan niya at nakita ko ang pagbagsak ng mga luha niya sa mga ito. Para akong sinampal ng katotohan ng mabasa ko ang nakasulat sa lapida, it's my name.
"It been one year already since you passed away." God! How could I forget the fact that I'm already dead.
"It's been a year pero pakiramdam ko parang kahapon lang. It's still fresh, the memories and the wound that you left in my heart are still fresh. It feels like yesterday." Sunod sunod na ang mga luha na lumalabas sa mga mata niya at pag patak ng mga ito sa lapida ko.
"I'm sorry Yuan..." that's the only words that I could just said. Isang taon na rin ang nakalilipas and today is my death anniversary, at isang taon na rin ang lumipas na araw araw ko siyang sinusundan at sinusubukang kausapin pero hindi ko magawa gawa, at ngayong may chance na ako saka naman umurong ang mga dila ko.
"Liz why did you left me?" The tears that I've been holding for a long time are now flowing on my face.
"Yuan i've tried, pero hindi ko na nakayanan eh."
"Ang sabi mo pupunta ka sa laro ko pero natapos na pero hindi kapa rin dumarating. Ang saya ko nang araw na yun dahil isa yun sa pinaka masayang araw sa buhay ko, p-pero yun din pala ang araw na mawawala ka sakin."
Napahagulhol na ako sa iyak ng makita kong yakap yakap na niya ang mga tuhod niya habang nakabaon duon angga mukha niya. He's vulnerable right now and no one could even protect him from the pain that he's been suffering for a long time. Please let me ease his pain just for this moment or someone that can.
"God knows how much I've wanted to go to your game that day. Ready na nga ako eh pero hindi ko naman aakalain na babangga ang taxi na sinasakyan ko nung araw na yun."
"If I could just bring back the time, I would rather spend my day with you just to protect you. I'm sorry Liz, i'm sorry if I'm not there when the time you need me."
Napangiti na lang ako habang tuloy-tuloy parin ang pag agos ng mga luha sa mata ko.
"No.. it's okay.. Wala kang kasalanan."
"Arf!!" Napatingin ako kay Pichi ng tumahol siya habang nakatingin sakin.
"Alam kong nakikita mo ako so makinig ka sa sasabihin ko ha. Aalis na ako kaya bantayan mo ng mabuti yang tatay mo, wag mo ng papainumin ulit ng alak, pag iinom siya kagatin mo. Bantayan mo siya ha, hanggang dito na lang siguro ako." Mapait akong napangiti at saka dahan dahang lumapit kay Yuan.
"Aalis na ako. Be a good boy at wag na wag kang susuko sa mga pangarap mo, malayo pa ang mararating mo. Even if i'm not by your side anymore always remember that I will forever stay in your heart. I love you Yuan always and forever"
And for the last time I kiss his head before I disappear.