1. Dear Kupido

185 5 1
                                    

Dear Kupido,

Ako lang naman ang isa sa biktima ng pana mo kupido.

Bakit ba ang unfair mo naman?
Bakit ba ako lang yung pinana mo?
Bakit? Hindi ba pwede both?
O baka naman naubusan ka na ng panama mo?

Sana man lang  tinahi mo tong puso kong butas na butas
Sana man lang ginamot mo to
Sana man lang maibalik mo pa to sa dati
Pero nangyari na e,ako lang yung tinamaan mo eh

Kupido, nakiki-usap ako sayo ...
Tulungan mo naman ako..
Ba't hindi mo kayang panain ang kanyang damdamin?
Ba't mo pa ba pinapatagalan ang paghihirap ng puso ko?

Nakakainis naman kasi e..
Hindi man lang kita nakitang papanain mo ako!
Hindi man lang kita napigilan!
Hindi man lang ako umiwas sa pana mo!

Alam mo naman sigurong...
Madali lang umiwas ng tingin
Pero alam mo bang napakahirap umiwas ng damdamin?
Madali lang sabihin na "makaka move on din ako"
Pero alam mo bang napakirap gawin!

Kupido naman eh..
Alam mo bang umaasa pa rin ako?
Alam mo bang naghihintay pa rin ako?
Alam mo bang lubos akong nasaktan?!

Syempre hindi!
Hindi dahil hindi ikaw yung nagpasakit dito!
Hindi dahil hindi ikaw yung na tamaan dito!
Hindi dahil hindi ikaw yung may nararamdaman dito!

Sana palit na lang tayo..
Ako si kupido ikaw naman ako
Para maramdaman mo yung sakit na dinadala ko..
Para maramdaman mo yung minahal mo nga siya pero may mahal  naman siyang iba

Nung una..
Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kung tumibok yng puso ko..
Kung bakit pag hindi ko siya nakita,siya pa rin yung hinahanap- hanap ko..
Kung bakit hindi ko magawang iiwas ang tingin ko kung nandyan siya..

Lahat yan kupido,lahat ng bakit ang tumatatak sa isip ko nun..
Lahat ng pinagtataka ko..
Lahat ng kakaiba kong nararamdaman..

Para akong CCTV dahil lahat ng galaw niya sinusundan ko..
Lahat ng ginagawa niya alam ko..
Lahat ng meron sa kanya alam ko..nakikita ko.

Pero alam mo ba yung ending ko?..
Napakasya. Ang saya-saya!

Inamin ko sa kanyang may gusto ako..
Umaasa akong pareho kaming nararamdaman
Umaasa akong mahal niya rin ako
Umaasa akong sa wakas ay maging kami na.

Pero hindi e. Mali ako e..

Nakakatawa ano kupido?
Nakikita mo ba yung ginawa mo sakin?!
Nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko?!

Nakakainis ka talaga kupido!

Bagay nga kayo ni tadhana..
Minsan pinagtagpo pero hindi naman pala para sa isat-isa
Parang ikaw kupido, akala ko ako pareho na kaming papanain mo pero mali yung pinana mo e..sumablay.

Tapos yung masakit pa dun nakit mo kung sino yung pinana mo
Tapos nagsisiyahan sila..
nagmamahalan..

Habang ako..
Lumuluhang pinapanood sila
Lumuluhang pinapanood silang nagtatawanan,nagmamahalan,
naglalambingan..

Kupido..
Sabi nila, ikaw daw yung tumuturo sa puso..
Pero bakit ganyan ka?
Bakit ba kailangan may masasaktan?

Grabe ka naman kupido ..
Wagas kang tumama ng pana sa mga puso..
Wagas ka ring mananakit sa mga puso...

Sana,kupido..
Sa susunod na papanain mo ako
Sana naman pareho kami

Hindi yung ako lang,
Hindi yung nag-iisa lang ako
Hindi yung ako lang yung nagmamahal

Pero salamat kupido,
Dahil sayo marami akong natutunan.
Dahil sayo binutas mo yung puso ko
Dahil sayo nagmahal ako
Pero hindi nga lang chamba.

Hanggang dito na lang kupido,maraming maraming  salamat.



















You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Own Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now