Ashley's POV
Lalabas sana ako ng dorm ng biglang may naka bangga sa akin pagka bukas palang
"aray ko!" sabi ko at dahan dahan tumayo.
"sorry miss di ko sinasadya " sabi ni......pamilyar yung boses nya....tumingala ako para makita kung sino yun...
si Christian Celbeya?
"Chris?" napa tanong ko
"Ashley? bakit napunta ka dito? akala ko kung sino ehh" sabi nya at napa kamot sa likod ng ulo "kamusta?" tanong nya
"o-okay lang" sabi ko di ko mapigilang mag blush guys! cute parin sya mestiso parin at singkit
"Ang ganda mo paren....sorry kung nilayuan kita date ha nagulat lang ako nuon" sabi nya at ngumiti
"uhhh--ehh- kase- okay lang!" sabi ko at ngumiti
"na miss kita" nagulat ako ng bigla nya ako hapitin ng yakap
"na....na miss din kita" sabi ko at ngumiti kumalas sya sa yakap at ngumiti ulit
"Sana maging mag-kaibigan ulit tayo" sabi nya
"sige gu-gusto ko yun.....bakit nandito ka?" tanong ko
"kase naaya ako nila Kevin na mag ghost hunt dito kala namin hunted house pero ako yung napapasok " sabi nya
"nakatakas sina kevin?" tanong ko
"oo... ikaw pano ka naka punta dito?" tanong nya
"Ehh....nag enroll kame kala namin magandang pag kakataon ito pero false hope.... nakulong kame at hindi ko narin gusto umalis dahil may gusto ako malaman" sabi ko at tumingin sa kanya
"basta kaibigan parin tayo" sabi nya pa pano ko hindi ma fa-fall sa lalakeng ito???
"gusto mo pumasok?" tanong ko at tinuro ang likod ko kung nasaan ang dorm room namin
pag pasok halatang nagulat si lily
"Chris? " gulat nitong tanong
"Hello lily" sabi nya at ngumiti
"naiwan pala sya dito nung nag ghost hunt kaya nandito din sya coincidence ano?" tanong ko habang naka yakap sa bewang ni lily
"okay sige coincidence na... gusto mo sumabay mag lunch sa amen ni Ashley mamaya? sa cafeteria! " sabi ni lily
"Sige maganda nga yon para may time din kame ni ashley " sabi ni Chris at ngumiti
"sige may puntahan pa ako!" sabi ni lily at lumabas
"kamusta kayo ni lily dito? alam nyo na ba yung death night?" sunod sunod nyang tanong
"uhmm...oo muntik muntikan pa nga ako ehh buti nalang may hero ako " sabi ko at ngumiti
"Ganun ba? well mabuti at least nawala yung pag aalala ko na masaktan ka " sabi nya at ngumiti
unti unti ako nahuhulog sa ngiti nya
"Si...sige upo ka muna....ku..kukuha ako ng chips sa fridge " sabi ko at tumango lang sya
kumuha ako ng Nacho chips at nilagay iyon sa malaking bowl
at dalawang bote ng cola
"ito oh!" sabi ko at nilapag yung pag kain
"Ashley?" bigla nya ko tinawag
"pwede ba ako man-" napa tigil si Christian dahil biglang may kumatok
"Wait lang ha" sabi ko at binuksan yung pinto "Marco?" tawag ko kay marco
"Hey ash.... uh....flowers for you" sabi nya at inabot ang bouquet of Pink roses
"Thanks! pasok ka muna?" tanong ko "may kaibigan ako pakilala ko sya sayo!" sabi ko at hinila ang kamay niya
"Chris?" takang tanong ni marco ng makita nya si Christian na umiinom ng cola
"Oh! hey marco" sabi ni christian nakita kong tumiklop ang kamao nito at nag titimping suntukin si Christian
"Psst! kalma...Wala syang ginagawang masama.... Marco?" pabulong kong sinabi
"Okay....I'll try" sabi nya at umupo sa tabi ni Christian
"So Marco.... nililigawan mo pala si Ashley... hmmm im aware matagal nang malagkit ang tingin mo i expect that" sabi ni Christian nag fake smile naman si marco
"Alam mo kase... after mo sya i rejected na heart broken si ash... and expectedly naging friends kame after" pag papasikat naman ni marco ako naman kain lang ng kain dito ng chips
ang awkward nila
parang anytime mananapak si marco
maya-maya lang may kumatok
"saglit lang" sabi ko at binuksan ang pinto lumaki ang mata ko ng makita si lee
"Hello!" bati nito sabay abot ng isang box sa akin
"Ano to?" tanong ko
"buksan mo...." sabi nya na parang batang na to-torpe
"Para kasing pormal masyado kung flowers ang lagi kong ibibigay sa babaeng gusto kong sagutin ako kaya ayan ibibigay ko" sabi nya
binuksan ko yung box at nakita unexpectedly!
isang Wattpad Book!
"Wow!!! yaayy! thank you lee!" sabi ko at unexpectedly! nyakap ko sya! "Thank you! dahil di ako maka labas kaya pinag tyatyagaan ko yung mga nasa library sa cellphone ko pero itong isang toh! ito favorite ko! I love you since 1892 book! ito kase ang first ever wattpad story na nabasa ko!
YOU ARE READING
Hilton University
Mystery / ThrillerAshley Humblewourd- Just a normal Girl living peacefully Just then..... Napadpad sila sa isang anonymous university.... Online Access at biglang nawala na site... Saan kaya hahantong? ang pagiging Ms, Curiosity nya?😉
