Pagbabalik

24 0 0
                                    

‘Sa pagmulat ng aking mata,
ang daigdig ay maiiba
at hindi na kailanman pa makikilala
ang mundong ngayon ay hindi na kailan pa'y maaalala
ang munti kong kaisipan. Kaya ngayon ay aking aalalahanin. Dahil sa aking pagbabalik sisiguraduhin kong ang aking pagkakamali ay magiging tama na’ -Geraldine

Diana's POV

Gerardo! Huwag mong sasaktan si geraldine! Parang awa mo na anak mo iyan sana'y gawin mo ang tama huwag ang kamalian!’
Halos mahimatay ang ginang sa sobrang kaba sa kanyang natutuklasan ngayon. Naglakad ako palapit sakanila at nakita ko kung paano lumuha ang babae.

‘Baguhin mo ang kapalaran ko binibini. Ako'y tulungan mo' pabulong nitong sabi sa akin habang ako'y nakadungaw lamang sakanila. Hindi ko mamukaan ang babaeng humihingi ngayon ng tulong sakin kaya't napatakbo ako sakanila.

‘Tama na po iyan! Huwag niyo po siyang sasaktan’ hingal kong saad pero wala ni isa sakanila bukod sa babae ang nakakarinig sa akin.

‘Kailangan mong magtanda! Ano ba ang nangyayari sa iyo? Geraldine?! Hindi ka maaaring magmahal ng taong sisira sa buhay mo. Isa lamang siyang hardinero!’ nakatanggap ng sampal ang babae kaya't napatakbo ako. Tumingin ako sa paligid. Nagiba ang anyo ng kapaligiran naging madilim na.

‘Diana tulungan mo ako’
Napalingon ako sa paligid kung kanino galing ang tinig na iyon.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Biglang nanlamig ang aking katawan at kasabay noon ang aking pagkawalan ng malay..

Napabalikwas ako sa panaginip ko. Grabe paano ako nagsalita ng ganun? Damn. Sino yung babae? Bakit sa panaginip alam ko ang muka niya pero paggising ko hindi kona maalala lahat ng muka nila... Napagulo nalang ako ng buhok at gumulong gulong sa kama ko.

Ano ba nangyayari sakin? Bakit ganito? Bakit? Wahhh!! Am i crazy?” napatigil ako sa pagsabunot sa sarili ko ng pumasok si tita lorein sa kwarto ko.

“Anong nangyayari sa'yo? 7pm palang. Parang baliw kang paikot ikot diyan sa kama mo” napapikit nalang ako ng mariin.

“Sumakit lang po ang ulo ko.” napatango naman siya at sinenyasan niya akong tumayo.

Agad naman akong tumayo at sumunod sakanya. Papunta kami sa kwarto niya ngayon. Nanlalaki ang mga mata ko. Dahil first time kong makakapasok sa kwarto niya.

“Tumuloy ka diana”  sabi niya at pumasok naman ako. Nakita ko ang mga vintage na mga gamit sa buong kuwarto. Pati ang higaan niya at vintage.

“Salamat sa iyong pagbabalik geraldine. Salamat at tinupad mo ang pangako mong babalik ka dito para baguhin ang kapalaran mo”
Naguluhan naman ako sa sinabi ni tita. Naka drugs ba siya? Parang high na high siya. Hayss

“Mahiga ka diyan sa kama at malalaman mo ang lahat. Magiging matagal ang iyong paglalakbay ngunit ang katumbas nito sa ating panahon ay isang gabi lamang”
Humiga ako sa kama at kinumutan niya ako.

“Kahit anong mangyari wag kang susuko. Isipin mo lahat ng nakaraan para makaya mo lahat ng problema. Sa pagsara ng talukap ng iyong mga mata ay siyang paggising mo sa kabilang mundo kung saan nagsimula lahat ng hinagpis mo” natulala ako sa mga sinabi niya. Babangon na sana ako pero nakaramdam ako ng antok. Whut? Ayoko! Wahhh! Ayoko!!!

“Mahimbing na pagtulog geraldine. ” kasabay non ay ang pagpitik niya sa daliri niya and

Everything went black

*Tok *Tok *Tok

“Tita lorein mamaya na kayo manggising. Kapapatulog niyo lang sakin.” nakabusangot na ako ngayon habang pilit kong tinatakpan ang katawan ko ng malaking kumot. Ang bango talaga dito sa kwarto ni tita lorein. Hayss heaven

“Geraldine! Ika'y bumangon na riyan sapagkat naghihintay na ang iyong ama sa'yo. Kailangan mo ng kumain sapagkat alam kong mahina kapa” nainis naman ako kaya bumangon ako. Nakapikit pa ako kaya naman natumba ako sa sahig.

“A-Aray” daing ko napamulat naman kaagad ang aking mata kaya't tumungo ako sa pinto upang pagbuksan si....

“Sino po kayo? Nasaan si tita lorein? Magbboarding po ba kayo?” tanong ko agad naman nagiba ang itsura ng babaeng kaharap ko ngayon. Nagtataka naman ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

“Ako ito si Liwayway ako ang iyong ina geraldine. Ano ba ang nangyayari sa iyo?”tinignan ko siya ng masama kaya naman napaatras siya

“Wala na akong ina. Hindi ako si geraldine” madiin ang mga binibitawan kong salita sa harap ng ginang na parang mahihimatay na sa aking mga sinabi.

“Bakit ka nagkakaganyan anak ko? Ako ba'y may maling nagawa sa iyo? Bakit ganyan na lamang ang iyong pakikitungo sa akin? Na iyong ina?”  sumakit naman ang ulo ko kaya't may naalala ako

»Flashback

Salamat sa iyong pagbabalik geraldine. Salamat at tinupad mo ang pangako mong babalik ka dito para baguhin ang kapalaran mo”
Naguluhan naman ako sa sinabi ni tita. Naka drugs ba siya? Parang high na high siya. Hayss

“Mahiga ka diyan sa kama at malalaman mo ang lahat. Magiging matagal ang iyong paglalakbay ngunit ang katumbas nito sa ating panahon ay isang gabi lamang”
Humiga ako sa kama at kinumutan niya ako.

“Kahit anong mangyari wag kang susuko. Isipin mo lahat ng nakaraan para makaya mo lahat ng problema. Sa pagsara ng talukap ng iyong mga mata ay siyang paggising mo sa kabilang mundo kung saan nagsimula lahat ng hinagpis mo” natulala ako sa mga sinabi niya. Babangon na sana ako pero nakaramdam ako ng antok. Whut? Ayoko! Wahhh! Ayoko!!!

“Mahimbing na pagtulog geraldine. ” kasabay non ay ang pagpitik niya sa daliri niya and

Everything went black

»End of flashback

‘Mahimbing na pagtulog geraldine.’

‘Mahimbing na pagtulog geraldine.’

‘Mahimbing na pagtulog geraldine.’

‘Mahimbing na pagtulog geraldine.’

Mahimbing na pagtulog geraldine.’

“Ako si geraldine?”  tanong ko sa ginang agad akong tumingin sa buong kuwarto at nakita ko ang isang malaking litrato ng babae. Napagtanto kong ako iyon at kamuka ko si geraldine.

“Oo anak. Ano ba ang iyong mga sinasabi?” napailing nalang ako at pinilit kong ngumiti sa harapan niya. Bakit ako naririto? Anong nangyayari? Bakit? Wahhh!!! Mababaliw na ako.

“Sumunod kana lamang sa hapagkainan geraldine. Huwag mong pinaghihintay ang pagkain at ang iyong ama” saad niya kaya't yumuko ako sa harapan niya at humingi ng paumanhin. Ano na? Tulungan niyo ako!! Ayoko dito!!!





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pagbabalik Where stories live. Discover now