Ramdam ko ang malakas na ihip ng hangin.
Sa bawat pagtama nito sa pisngi ko
Naaalala ko ang di mabilang na sampal na natamo
Sa mga kamaliang di ko naman ginusto.Rinig ko ang busina at maingay na kalsada
Realidad ang pinapaalala
Katotohanan na di ko kaya...
Kayang harapin sa susunod pa.Ipikit ang mga mata
Ibulong sa hangin ang problema
Isipin ang magagandang alaala
At ngumiti kahit lumuluha.Ako si Jairo Enujencio Lopez. At ito ang aking kwento.

BINABASA MO ANG
I See Your Smile
Fiction généraleTungkol sa isang lalaki na gustong mapangiti ang isang babae na matagal niya nang kakilala. Pero lahat ng ginagawa niya ang konektado at may kinalaman sa sarili niya.