Chapter 1

13 1 0
                                    

[Chapter 1]

Haysstt... Hinga (inhale and exhale) wohhhh (*buntong hininga) nakakapagod talaga ang Mag Aral. Di ko alam kung anong Project ang uunahin ko sa dami pa naman ng Projects na pinapagawa samin.

Di ko alam kung pano uumpisahan ang mga bagay na ito para lang makapasa at maka graduate haysstt (*sad emoji)..



Hi ako nga pala si Matthew James Wilson, isang half filipino at half american for short Fil-Am. Ang mama ko ay isang Pinay at ang papa ko daw ay isang Sundalong may kataasan ang rank, siya daw ay isang Lt. (Lieutenant) .

Di ko na naabutan ang papa ko, kasi sabi ng mga tita at tito ko "MJ namatay ang papa mo ng ipadala sila sa Mindanao para labanan ang MILF nung nakaraang 2000".

Bata pa lang ako nun, siguro mga 5-6 yrs old yata ako nung kinuwento nila sakin yun. Nung time na yun medyo okay lang sakin kasi andyan naman si Mama na nag-aalaga sakin.

Siya na ang naging papa at mama ko, simula nung ipinanganak niya ako. Oo nag iisang anak lang ako ni Mama, simula nung namatay si Papa, wala na siyang balak mag-asawa. Ang sabi niya sakin "MJ anak, ikaw na lang ang kayamanan sa buhay ko. Kaya aalagaan at papalakihin kita na Mabait at May takot sa Diyos gaya ng Papa mo" (*joy emoji).

Pagkatapos niyang sinabi ang mga nakakaiyak na mga Payo ni Mama para sakin. Tanging yakap at halik sa labi lang ang naging Sagot ko (*inlove emoji).

Tuwing naiisip ko yun lagi nalang ako naluluha bigla.



"MR. WILSON!!!!, MR. WILSON!!!"

"Uy MJ, bawal matulog sa oras ng klase!" Nagulat ako ng may kumalabit sakin,
"Bro, hahaha Tulog mantika ka talaga!" sabi ng Tropa kung si Jeff. "Huh? bakit ano nanaman ba yun?" painis kong sabi. "hahaha! Bro kanina ka pa ginigising ni Prof. naku lagot ka nanaman after class! hehehe" pabirong sinabi ni Jeff.

"Mr. Wilson, stand up!"
galit na sabi sakin ni Prof. Monforte
Tumayo ako pero kinakabahan "Yes Sir?" mahinang tugon ko.
"Kumusta ang pagtulog mo sa loob ng klase ko?" at sabay nun binigyan niya ako ng niloloko-mo-ba-ako-look.

"Ah Prof? hmmm masarap po hehehe!" sabay kamot sa ulo ko.
Nagtawanan ang mga classmates ko sa Pilosopong Sagot ko.
"HAHAHAHAHA!"

"Quiet!!!" Pasigaw na sinabi ni Prof. Monforte
At nagsitahimik lahat ng classmates ko, at biglang lumapit sakin si Prof
"Very well said, Mr. Wilson!" masungit na sinabi sakin ni Prof.

sabay tanong sakin ng
"Eh ano naman ang napanaginipan mo Mr. Wilson?" mabusising tanong ni Prof sakin.

"Ah! yung Mama ko Prof!" proud na proud kung sinabi.
Nagtawanan ulit ang mga kaklase ko! "HAHAHAHA!"
"Quiet!!!" pasigaw na sinabi ni Prof. Monforte

"Ok, Mr. Wilson see you later in Disciplenary Office!" pasungit na sinabi ni sir
RRRRRIIIIIIINNNGGGGGGGG!!!(*alarm bell)

"Ok class dismissed!" sabi ni Prof. Monforte
at agad namang nagsilabasan ang mga classmates ko.

Pero ako sinadya kong magpahuli sa kanila, dahil pinahiya ako kanina ng Prof ko at ramdam ko pa rin yung awkwardness sa sarili ko.

Pag kalagpas ko ng pintuan ng room namin agad naman akong inakbayan ni Jeff. "Pareng MJ musta ang award mo kanina ah?" At binigyan niya ako ng ngiting-nagaasar-look.

"Tsk.. ah kanina wala yun alam mo naman na kayang kaya kong lusutan si Prof eh" at binanatan ko siya ng i-can-do-this-look. Ako kasi lagi ang napapansin ni Sir Monforte pag oras ng subject niya. Kaya lagi akong pinapatawag sa Disciplenary Office. Pero dahil sa palusot skills ko nagagawa ko din yun na lusutan haha!

"Bro! Bro!" Di ko namalayan na naistatwa ako ng ilang sandali. "Bro okay ka lang ba?" sabi ni Jeff sakin. "Oo bro haha. Ok lang ako!" sabi ko naman sa kanya. "Bat parang natulala ka dyan bigla? Yung babae bang nakita mo sa hallway kanina ba yan?" sabay tingin sakin ng ayieeee-kinikilig-ako-para-sayo-look. "Huh? Hindi noh. Nagiisip ako ng palusot sa Dean mamaya."

Naikuwento ko pala kay Jeff yung babaeng nakita ko sa hallway kanina. Nung makita ko siya biglang tumigil ang mga nasa paligid ko. Feeling ko kaming dalawa lang yung mga oras na yun. "Balang araw miss, Makikilala din kita!" matapang na sinabi ko sa aking sarili.



Nandito na ako sa tapat ng pintuan ng Disciplenary Office. Medyo unti na lang ang mga tao dito dahil nagsiuwian na ang iba. Kumatok muna ako bago ko buksan ang brown na pinto. "Good afternoon Maam! may I come in?" mahinahon na pagbati ko. "Sige hijo pasok ka" sabi ng Dean ng Campus namin.

Agad naman akong pinaupo ni Dean at habang papalapit ako sa upuan tinitingnan ko ang mga paintings, books, at designs ng office ng Dean namin. At nakita ko sa table niya ang pangalan niya na nakaukit sa salamin Mrs. Thelma B. Calangian. "Wow ang ganda ng pag kaukit ng pangalan ni maam sa salamin" sabi ko sa isip ko.

Pagkaupo ko, umupo din naman agad si Dean sa office chair niya. "MR????" tanong sakin ng Dean. "Wilson po maam!" sabi ko naman sa kanya sabay ngiti. "Mr. Wilson, ano ba sadya mo bat ka napadaan sa office ko? pagtataka niyang tanong sakin. "Eh maam pinapunta po ako ni Prof Monforte dito eh, sabi niya magkita daw po kami dito mamaya" sabi ko naman sa Dean.

"Ah ganun ba? Kanina pa umalis dito ang Prof mo, nagpaalam sakin na may importante lang daw siya na lakad!" sabay ang pagtaas ng kilay sakin ni maam. "Ah eh ganun po ba?" tanong ko sa Dean. "Bueno kung wala kanang ibang sasabihin maari ka nang lumabas" sabi niya sabay ngiti sakin.

Agad ko namang sinuklian ng ngiti si maam. "Yes! Nalusutan ko nanaman si Sir! masayang sabi ko sa isip ko. Buti na lang may pinuntahan siya kundi lagot ako nito.



Pagkarating ko sa bahay. Agad ko namang nakita si mama sa kusina. Busy siya sa pagluluto ng Tocinong Vigan, pasalubong kasi ito ni Tita Fe galing Ilocos.

"Ma nakauwi na po ako" masayang pagbati ko sa mama ko. "Oh anak sandali na lang to at matatapos na akong lutuin to" pasigaw na sinabi ni Mama.

Agad naman akong umupo sa couch namin at nag charge muna ako ng phone ko. Binuksan ko muna yung TV namin para manuod. "MJ anak! Tara na kain na muna tayo mamaya na yan" pasigaw na sabi sakin ni Mama. "Sige ma papunta na po ako dyan" sabi ko sa mama ko.

Pag kapunt ko sa kusina nakita ko si mama na nakaupo na sa mesa at nakita ko rin yung mga niluto ni mama na Tocinong Vigan. Umupo ako sa tabi ni mama at habang kumakain kami napapansin ko sa mukha ni mama ang pagod sa pag aalaga sakin.

"Ma?" tanong ko sa kaniya at bigla siyang tumingin at ngumiti sakin. "Ano yun nak?" tanong ni mama sakin. "Kumusta po trabaho niyo kanina?"nakangiting tanong ko kay mama. "Eto medyo nahihilo tsaka masakit yung likod" nanghihinang sabi ni mama. "Gusto mo ma, pagkatapos po natin kumain hilutin ko po kayo?" nakangiti kong alok. "Sige nak, maganda yang naisip mo hehe" nakangiting sagot niya sakin.

Sumasaya talaga araw ko pag nakikitang nakangiti si mama. Siya lang kasi ang bumubuhay sakin kaya minsan gustong gusto ko nang magtrabaho para makatulong naman ako kay mama.


Tapos ko nang hilutin si mama at eto na ako sa kama ko nakahiga at nakatingin sa kisame. Tiningnan ko muna yung phone ko at nag browse sa Facebook Account ko kung may mga Notifications. Inopen ko naman yung Messenger ko kung may nag message pero wala namang importante puro Wave lang. Pagbalik ko sa FB ko, scroll scroll ako hanggang sa nakita ko ang post ng babaeng nakita ko kanina sa Hallway.

Siya ay si....

Ysabelle Kim.

Finally found youWhere stories live. Discover now