Chapter 2

4 1 0
                                    

[Chapter 2]

hanggang sa nakita ko ang post ng babaeng nakita ko kanina sa Hallway.

Siya ay si....

Ysabelle Kim.

"Ay ito yung babaeng nakita ko sa Hallway ah? " nakangiti kong sabi sa sarili ko.
"Ang ganda niya talaga, tsaka ang singkit ng mata niya ah? Siguro may lahi to?" nakangiting tanong ko sa sarili ko. Tiningnan ko naman kung ilang Likes ang Profile Pic niya at nagulat ako kasi "Wow 1.3k likes and reactions at 3hrs ago lang to pinost?! Grabe peymus pala to!" gulat at mangha kong sabi.

Tiningnan ko naman ang Timeline niya at napansin ko puro Hugot at Bitter Lines ang mga shineshare at pinopost niya.

Pagkatapos nun agad ko naman siyang inadd "Para kung sakaling ma confirm niya na bukas o makalawa pwede ko na siyang makachat hehe!" nakangiti kong sabi.



Pagkagising ko. Binuksan ko muna yung phone ko "5:00 am palang? Masyado pang maaga. Teka tingnan ko nga notifs ko baka na confirm niya na!" at tiningnan ko notifs ko pero di pa niya ako ina add. "Ah siguro tulog pa yun, Hays mag laro nga muna ako saglit" naiinis kong sabi.

Pagkatapos kong maglaro ng MOBA tiningnan ko naman yung oras sa phone ko. "Ayun 6:15 am na!" nakangiti kong sabi. Bumangon ako mula sa kama ko at agad namang bumababa sa Dining Room namin.

Opo mga ate't kuya, may dining room po kami at ngayon pala ay nakatira kami sa sikat na subdivision dito sa Pasig City. Medyo maganda bahay namin hanggang 2nd floor lang, tig isa kami ng kwarto ni mama at may garahe din sa baba para sa kotse ni mama at sa maganda at bago kong motor haha. ~ A/N

Pababa palang ako ng hagdan naririnig ko na ang piniprito ni mama na almusal namin ngayon. Tumingin muna ako sa labas ng bintana namin malapit sa main door. "Medyo wala pa masyadong liwanag" tugon ko sa sarili ko. Maya maya pa ay naaamoy ko na ang Hotdog na piniprito ni mama at dahilan nun para umupo na ako sa Dining Table namin.

Kahit na dalawa lang kami dito sa bahay. Di naman ako nalulungkot kasi andito naman si Mama para alagaan ako. Siya na nga lang ang Pamilya ko eh dahil wala naman akong mga kapatid.

"MJ anak? MJ? MJ?" malambing na sigaw ni mama sakin dahilan para matauhan ako "Ah ano ba yun ma? Sorry po?" mahinahon na sagot ko. "Mukhang malalim yata ang iniisip mo ngayon?" pabirong sabi ni mama. "Ah wala po yun ma?" sabay ngiti ko sa kanya. "Oh sge kain kana dyan, bilisan mo't baka maipit ka sa traffic" malambing na payo niya sakin.


Nandito na ako ngayon sa motor at papunta na ng Campus namin. Halos mag kasabay na kami umalis ni mama ng bahay dahil parehas kaming may pasok pag weekdays.

Maya maya pa'y bigla kung kinabig ang preno ng motor...
(biglang-preno-sound)

Biglang may tumawid na tuta sa harap ng motor ko. yun ang dahilan kung bakit ako prumeno at eto ako ngayon nakaplakda sa gitna ng kalsada. "Aaaray! Sakit ng paa ko ang hapdi!" at biglang may lumapit sakin na babae. "Teka mukhang familiar yung mukha neto ah? sabi ko sa isip ko. "Kung di ako nag kakamali, itong babaeng nasa harap ko na nakangiti at inaalok niya ang kamay niya para buhatin ako ay si... Ysabelle" tugon ko sa sarili ko.

YSABELLE's POV

"Kuya okay ka lang ba?" inabot ko ang kamay ko sa kanya. pero tiningnan niya  lang at bigla siyang tumayo sabay sabing "Sa tingin mo miss? Mukha ba akong okay?!" masungit niyang tugon sakin. "Aba! Ikaw na nga tong tinutulungan, ikaw pa tong galit!" banat ko sa kanya sabay binigyan ko siya ng aba-di-ako-papatalo-sayo-noh-look. "Gigil mo si ako eh!!!" naiinis kong sabi sa isipan ko.

"Aba't kung hinahawakan mo ng mabuti yang alaga mo! Di sana di ako sesemplang dito!" reklamo at galit niyang sabi sakin. "Peep peep" (horn sound) "kung magaaway lang kayo dun kayo sa gilid wag sa gitna ng kalsada!!" galit na sigaw nung manong driver na nasa jeep. "Tsk. Buti nga sayo!" sabi ko sa isipan ko. Ginilid niya yung motor niya at tinanggal niya yung helmet niya na kulay black at bigla siyang tumingin ng deritso sa mata ko.

"Omg! Kyahhhh ang pogi mo pala!" sabi ko sa isip ko habang tinitingnan ko siya. "Miss bayaran mo na lang tong galos na nakuha ko dyan sa tuta mo para makaalis na agad ako" reklamo niyang sabi sakin. "Aba kuya sorry ah? Dapat sisihin mo yang sarili mo kasi di ka nakatingin sa dinadaanan mo!" banat ko sa kanya at binigyan ko siya ng masungit-na-mataray-look. Kahit babae ako di ako papatalo sayo noh!!! "Andami mo pang satsat! Ang sabihin mo wala kang pera!" reklamo niyang sabi sakin. parang binuhusan ako ng malamig na tubig nung sinabi niyang wala kang pera. yun ang dahilan para tumango lang ako at yumuko.

Pero sa totoo lang nanginginig ako sa galit dahil gusto kong kalbuhin tong lalaking nasa harapan ko. "Hayss sinasayang mo lang oras ko!" sabay tiningnan niya relo niya. Habang nakayuko ako at yakap yakap si Bambam (ang puppy ko) nakita ko na bigla siyang tumalikod sa harap ko at sumakay na siya sa motor niya. "Miss sa susunod hawakan mo ng mabuti yang tuta mo ah!" masungit niyang payo sakin. tumingin lang ako sa kanya ng kaunti buti nalang medyo mahaba bangs ko kaya di niya yun na pansin. Sinuot na niya ang Helmet niya at umalis na.
H

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Finally found youWhere stories live. Discover now