Kung Ako Ba Siya

2K 17 3
                                    

Kung  Ako Ba Siya

JulNiel fanfic.

 

 

 

 

What if all this years, you were in love with your best friend?

 

But, you knew, that all those years, as well, your best friend was in love with someone else.

 

But what if they’d broke up, are you ready to be his rebound?

 

Are you ready to be the girl who would fill the emptiness in his heart? Are you ready to be just a cover to the pain he feels?

 

But what would you do if you found out that what he had for you was just a game he played so he could get his ex back?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter  1

Julia’s POV

Ako nga pala si Julia Montes. Matalik na kaibigan ng nag iisang Daniel John Ford Padilla, DJ for short. Pero ang hindi niya alam inlove ako sakanya. Sa mokong na tulad niya. Pero, grabe, manhid ata si Batman kasi nagawa ko naman na ang lahat pero waepek pa din sakanya. Ewan ko nga dun e. Ewan ko kung bakit hanggang ngayon nakakayanan ko pa din na hanggang BESTFRIEND lang kami.

“Uy! Mara!” Si DJ pala. Mara nga pala ang tawag niya sa akin. Mara Julia Montes Schnittka. Yan ang tunay kong pangalan.

“Ha, DJ? Ansabe mo?”

“Ewan ko sayo, Mara. Kanina pa ako dito nagdadaldal, hindi ka naman pala nakikinig.” Sabi niya habang kunwari ay nagtatampo. Pero kahit drama yun syempre, susuyuin ko pa din. MAHAL KO E.

“Sorry na, DJ. Hulaan ko na lang? Hm. Tungkol ki Kath, no? Ayieeeee.” Pangungulit ko pang sabi sakanya. Syempre, alam ko naman na si Kath yun e. Kahit ata kasi matulog siya, e si Kath pa din nasa isip. Si Kath yung kaklase naming maganda at mabait, girlfriend material kung baga.  Friend ko din siya, actually. Miss Congeniality lang.

Napangiti siya sa sinabi ko. “Oo, alam mo Mara, liligawan ko na ata siya e. Magtatapat na talaga ako.” Sabi niya. Kilig pa ang mokong. Ouch naman. Ang sakit nun. Naramdaman ko bigla yung luha ko sa gilid ng mga mata ko. Pero syempre agad agad ko naman pinunas. Nakakahiya kaya.

“Talaga? Aba, buti naman, DJ, at naisipan mo ng magpakalalaki.” Pilit ko pang natawa sa sinabi ko. Grabe, best actress na ata ako. Kasi habang sinasabi ko ‘to yung puso ko naman durog na.

Nagyaya na lang akong umuwi ng matapos kaming kumain.

DJ’s POV

Papauwi. Nasa kotse. Driver ni DJ ang nagmamaneho.

Anong nangyari ki Julia. Bakit parang tumahimik ata? Hm. Gutom lang siguro. Kulang siguro sa kinain.

“HOY, MARA!” Sabi ko habang ginagalaw ang braso niya na para bang may ginigising.

“Ano?” Malumanay na sabi niya. Si Mara ba talaga ‘to? Hindi maingay ha. Nakakapanibago. Ang aga niya pa mangyaya umuwi. Kung si Mara talaga ‘to, naku nasa arcades pa kami nito.

“May problema ba?” Seryoso kong tanong sa kanya.

Parang nakaramdam siya ng gusto ko ng seryosong usapan. Hinarap niya ako at tinaas ang isang paa niya sa upuan. Nagbuntong hininga at tinitigan ako. Pansin ko, ang lungkot ng mata niya.

Nang biglang tumawa siya ng pagkalakas-lakas. Baliw na ata ang bruhang ‘to e.

“Hoy, ano ba, Mara? Seryoso ako o.”

“E kasi naman, DJ. Masyado ka seryoso. Baka ikaw ang may sakit. HAHAHAHA!” Haaayy. Bumalik bigla ang Mara na kilala ko.

Nang makauwi kami, nakita ko si Papa. Papa ko kasi ang stepfather niya. Kaya ayaw ni Mama sa kanya kasi inagaw daw ng Mama ni Mara si Papa. Pero wala naman sa amin yun ni Mara e. Wala kaming ilangan kahit ganun ang sitwasyon namin. Kapatid na din kasi ang turing ko sa bruhang ‘to.

“Sige, alis na ako.” Sabi niya sabay baba sa kotse ng hindi lumilingon. Si Papa naman, nandun lang, pinagbuksan siya ng gate. Nauna ng pumasok si Mara tapos si Papa tinitignan lang ako na para bang hinihintay akong makaalis. Nginitian ko lang siya, sabay alis.

 

A/N: Ayan na po. My first fic ever so I hope it goes well.

Tell me if I should continue..

HOOOOOOOOO! Hindi ko alam kung anong mga kalokohan ang pumasok sa isip ko kaya pagpasensyahan niyo na. First fic ko po kaya masyadong crappy. Im sorry, I tried my best. And BTW, no hatin’, ‘kay? Peace y’all! ><

#JulNielFTW. #JulNielJammers.

Please support my story! And please vote, comment or do anything you need to do. Thanks!

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon