Four: Lucky Charm

7 2 0
                                    

Araw ng sabado. Wala kaming pasok kaya naman niready ko na sarili ko para sa laro mamaya ng Steven ko.

Gumawa ako ng bagong banner, Steven will crash you down!

Hindi ko napansin na katabi ko na pala si Nique. "Wow! talagang pinaghandaan mo to ah."

"Wag ka maingay at tulungan mo nalang ako ilagay tong mga glitters, bilis!"

"Teka nga,may bayad ba ako dito?"

Tiningnan ko sya ng masama. "Akala ko ba magkaibigan tayo?"

"Oo nga, I'm just kidding. Ito naman hindi mabiro."

Kung dati ay nasilaw sya sa banner ko, mas masisilaw sya ngayon pag nakita na nya yung ganda ko este banner ko.

Nang matapos na namin ay nagsimula na kaming mag-ayos ni Nique.

Nilagyan nya ako ng konting make up. "Yan para mas mapansin ka na ni Steven." kinilig ako sa sinabi nya na tila ako bulateng binudburan ng asin.

"Uy wag ka ngang parang kiti-kiti dyan. Lalagpas tong lipstick sayo. Baka mamaya kaysa maakit mo si Steven e biglang maging clown ka at pagtawanan ka nya." saka ito humalakhak.

Ang totoo nyan hindi ko naman kailangang mag lagay ng kung ano pa mang kolerete sa aking mukha. Alam kong sa simpleng sarili ko ay mapapansin din ako ni Steven.

Pero yaman din lamang na may pagkakataon para mas mapansin nya pa ako, edi go ko na to. Choosy pa ba ako e alam ko naman ding hindi ako kagandahan.

Maaga kami dumating sa oval pero marami ng mga taong nandoon para manood din.

Napansin ko ang grupo ng mga seksing mga babae na hula ko ay ka batch din ni Steven.

Pero bigla din akong nalito, Tama nga ba na ka batch ni Steven ang mga babae na ito? or outsider lang sila like they originally came from bar? Parang ang bitter ko dun ah! Tsk!

Ang ikli kasi ng mga suot nito na konting tuwad lang ay makikita na ang pagka babae nila. Balak na ata nilang palitan ang Hot Babes.

"Hoy bakit hindi maipinta ang mukha mo? May problema ba?" tanong ni Nique.

Inginuso ko yung mga babaeng nasa kabilang upuan na hindi pa tapos mag make up at tila kulang nalang ay magbukas sila ng sarili nilang parlor kasi naman mga nagkukukulutan pa.

Nang ibinalik saakin ni Nique ang kanyang tingin ay nakataas na ang kilay nito. "Wag mo nga sila intindihin! Mga mukha namang silang martilyo eh!"

"E ako, ano itsura ko?"

Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. "Hmm ikaw naman mukhang GRO."

Hinampas ko sya sa braso at tinanggal ang lipstick na nakalagay sa labi ko.

Tawa ng tawa ang kaibigan ko sa iginawi ko. "Hoy! para kang sira dyan. Cheer up nga. Pano mananalo ang Steven mo nyan kung dyan palang sa mga babae na yan eh nagpapatalo ka na?"

Muli akong nagpalagay ng lipstick at ngayon ay mas kinapalan na ni Nique. "Ano ka ba Nique, bakit mo kinapalan? Edi wala na akong pinag kaiba sa mga babae na yan noh."

Natigilan kami ni Nique sa pag-aayos nang naghiyawan ang mga babaeng mukhang bayaran. Ay! makahiyaw parang jowa lang?

Pumuwesto na uli kami ni Nique, tumayo ako para mas makita nya ako saka ko itinaas ang banner na pinaghirapan ko saka sumigaw. " Go Steven Go!!"

Napalingon si Steven saakin. Bigla akong nakaramdam ng panghihina ng aking tuhod dahil sa ginawa nyang titig saakin.

"Uy okay ka lang ba?" pagtataka ni Nique saakin.

"H-Hah? Oo okay lang naman ako. Nanghina lang ako bigla."

"Hah? Bakit? kumain naman tayo kanina bago tayo pumunta dito ah?"

"Hindi ko kasi kinaya yung mga titig nya saakin kanina."

"Ay buset! akala ko kung ano na nangyari sayo."

Ngumiti ako at umupo na sa tabi nya pagkat magsisimula na ang laro nila.

Pero bago magsimula ang laban ng dalawang magkaibang school ay iniabot ng isang lalaki ang microphone kay Steven.

Teka, diba soccer game ang pinunta namin? e bakut tila kakanta pa ata si Steven.

Nakangiti ito habang inililibot ang kanyang mga mata sa mga audience. Hinanap nya ata ako kaya tumayo ako at muling itinaas ang banner.

"Hi guys! Thank you for coming. Before we start the game, I'd like to check kung nandito ngayon yung lucky charm ko."

Muli nyang inisa-isa ang mga tao na nasa harap nya, pagkatapos ng ilang minuto ay ngumiti sya.

"Okay there she is!"

Namula ako pagkat sa gawi namin sya nagturo. Oh.. My.. tinawag nyang akong lucky charm nya. Shemay!

Natigilan ako sa pagde- day dreaming ko kay Steven nang humiyaw ng malakas ang isang babae. "Babe!" saka nagkakaway kay Steven.

Teka! malabo na ba paningin nitong babae na ito at inakala nyang sa kanya nakatingin si Steven? Ay pambihira talaga tong babae na to! Hindi ko kinakaya. Hays!

Napansin ata ni Nique ang pagbabago ng mood ko kaya tinapik nya ako. "What's the sudden change of mood my dear?"

Hindi na ako kumibo kay Nique. Pero kinulit nya ako kaya ako nagsalita. "Bakit kasi ang daming feelingera dito eh!"

Nakita ko ang pagpipigil ni Nique sa sarili na matawa. Hindi ko alam kung naging ganun ang reaksyon nya.

Oops! I almost forgot! Isa din pala ako sa sinasabi kong feelingera. Hmp! Kaya pala tumatawa tong isang to.

"Wag mo na pigilan yan, ilabas mo na."

At iyon nga ang ginawa nya. "Kaloka ka Sab! hindi ka ba natamaan sa sinabi mo?"

Inirapan ko lang sya, "Kaya nga hinayaan nalang kitang tumawa diba, pasensya na at nakalimot ako. Nakaka high blood kasi yung babae na yun." saka ko itinuro gamit ang aking nguso.

"E wala ka nang magagawa kasi marami talagang feelingera sa mundong ginagalawan natin, at kasama ka na dun. Idagdag mo pa na napaka gwapo talaga ng pinagkaka guluhan nyo."

"Kaya nga kahit saakin sya tumitingin parang malabo paring mapa saakin ang kumag na yan eh."

"Sino kaya yung babaeng mahadera na yun?"

"I don't have any idea. At sana lang talaga wag sya makigulo sa pagpupursigi ko kay Steven. Ang hirap kasi talaga Nique."

"I know that you have no room for giving up, tiwala lang Sab."

Ms. Feelingera ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon