Hi guys! Eto na naman ako at nagsusulat. Nainspired kasi ako isulat to eh. This past few days kasi, ang daming nangyari sa mga girl friends ko. May muntikan ng maghiwalay, may natuluyang maghiwalay at pinagsisihan ito, at meron naman patuloy pa rin sa pagiging tanga niya. Bilang isang SINGLE nilang kaibigan, hindi ko naman alam kung ano yung mga dapat iadvice sa kanila. I know I have my own set of experiences when it comes to love but I think it wouldn't be enough. Syempre, iba-iba naman tayo ng mga experiences o point of view pagdating diyan sa lintik na PAG-IBIG na yan.
So here it goes... may naisip akong steps(by observation to) ng mga taong heartbroken. Ito yung mga stages na dinadaanan ng mga heartbroken bago sila makamove on...
Sometimes, the only best thing that we could do is to let go and move on.
STAGE 1: THE BITTER STAGE
The bitter stage. Ito yung first stage na dadaanan ng isang heartbroken. Nandiyan yung mga ayaw makakita ng mga lovers sa daan, ayaw makarinig ng love songs, ayaw mapag-usapan ang love at higit sa lahat naiinis sila pag nakakarinig sila ng mga successful relationships. Madalas ito rin yung stage kung saan sasabihin niya na, "Ang panget naman niya tapos lakas ng loob makipagbreak/lokohin ako." Halatang-halata na bitter di ba? Syempre, nasa stage siya na kinocomfort niya yung sarili niya by uplifting her/his spirit through saying harsh words against the other. Bakit nga ba kasi nabibitter ang isang tao? Masama ba maging bitter? Well, I guess kaya nabibitter ang isang tao kasi hindi pa nagssink in sa kanya fully na wala na talaga, o kaya naman some part of him/her hoping pa rin na magiging okay ang lahat. Pwede rin namang yun na lang yung own way niya para maisip niya na tama na rin yung nangyari. Minsan din naman, nabibitter tayo kasi hindi maganda yung naging takbo ng isang relationship. At higit sa lahat... BITTER TAYO KASI NASAKTAN TAYO NG SOBRA KASI UMASA AT NAGMAHAL TAYO. Kung tatanungin niyo ako kung masama ba maging bitter, well, isa lang masasagot ko sa inyo. HINDI NAMAN MASAMA MAGING BITTER. Dadaan at dadaan tayong lahat sa stage na yan. Wala naman sigurong perpektong tao na matatanggap lahat-lahat agad-agad di ba? Syempre, masakit eh. Kaya sa pagiging bitter na lang natin dinadaan. Sabi nga nila, okay na minsan yung maging bitter ka kaysa naman tinatago mo sa sarili mo na okay ka. Ang plastic lang kasi ng dating pag ganun eh. Mas maganda pag nilalabas mo kung ano talaga yung nararamdaman mo. WAG NA TAYO MAGPAKAPLASTIC GUYS!
STAGE 2: THE IN-DENIAL STAGE
Favorite nating lahat yang stage na ito di ba? O wag na IDENY! Totoo naman kasi eh! Lahat tayo nagiging ganyan pag nasasaktan. Kunwari, okay lang, kunwari masaya. YUCK! Tumigil ka nga! Kahit anong deny mo, may makakapansin at makakapansin pa rin sayo! Ito yung stage kung kailan sinasabi natin na OKAY KA NA KAHIT HINDI PA. Yung, HINDI KA NA BITTER PERO BITTER PA RIN. Yung sasabihin natin na, HINDI MO NA SIYA MAHAL KAHIT MAHAL NA MAHAL NA MAHAL MO PA RIN SIYA! Ang hilig kasi natin magdeny kahit huling-huli na eh. Ano bang mangyayari sayo pag dineny mo? Gagaan ba pakiramdam mo? Sa tingin mo, makakamove on kaka-ganyan mo? Kaka-deny sa lahat na kaya mo pa? Ang sagot... HINDI. Once in a while, kailangan natin ng makakausap, yung paparamdam nila sayo na andiyan sila for you. Hindi mo kailangan itago lahat ng nararamdaman mo at ideny lahat. Sige ka, baka mamatay ka ng maaga sa sakit sa puso kakatago mo ng nararamdaman mo. Kung gusto mo umiyak, edi umiyak ka. Kung gusto mo sumigaw, edi sumigaw ka. Kung gusto mo siya kamuhian, edi kamuhian mo. Di mo kailangan ipakita sa lahat ng tao na WALA NA SAYO LAHAT NG NANGYARI KAHIT AFFECTED KA PA RIN. Ako na magsasabi sayo, HINDI KA LANG MAGMUMUKHANG TANGA, MASASAKTAN KA PA NG BONGGANG BONGGA!
STAGE 3: ACCEPTANCE
The only way to stop yourself from getting hurt is acceptance. Acceptance. One word. 10 letters. Easier said than done. Acceptance. ang daling isipin, sabihin pero pag gagawin na... nahihirapan na tayo. Kahit ano kasing sabihin natin na meant to be na matapos ang isang relasyon ... sadyang hindi lang talaga natin matanggap na bakit ganun yung nangyari, bakit sobrang bilis. Kahit anong pilit nating intindi, sadyang hindi natin maintindihan. It takes time to accept the reality when it deeply hurts. Sarado kasi mga utak natin eh. Sarado sa idea na sadyang ang mga bagay dumarating sa point na hindi na kaya ipaglaban. Hindi naman kasi lahat ng kaya ipaglaban, ipaglalaban mo na. May mga bagay talaga na sadyang kailangan mo ng ilet go kasi kahit anong gawin mo, hindi mo na masasave yun. Acceptance. Ito yung word na kahit mahirap gawin, KAILANGAN. Darating at darating tayo sa point na iisipin na lang natin na kailangan nang tanggapin. Kasi kung hindi tayo matututo tanggapin, tayo rin yung mahihirapan, tayo rin yung masasaktan. Sometimes, we just have to accept the fact that we've been hurt and we cried a lot. Siguro pag natanggap na natin lahat-lahat ng nangyari doon na natin masasabi na ready na tayo mag GO FORWARD.
STAGE 4: MOVING ON
FINALLY!!!!!! Eto na yung stage o period kung saan ready na tayo mag move on! Ready na tayo sabihin na OKAY NA AKO, MASAYA NA AKO SA NANGYARI. Eto yung stage kung saan, napag-isipan na natin lahat lahat ng nangyari at willing na tayo kalimutan ang mga iyon. Hindi natin maiiwasang isipin yung mga nakaraan at masasakit na pangyayari sa atin pero tinatake na natin yun as part of our past, as part of growing up. Nandito na tayo sa stage na open-minded na tayo. Ready na tayo ayusin kung ano yung nasira sa sarili natin. And lastly, this is the stage wherein we're ready to let go and start to look ahead of us