I Promise

110 2 0
                                    

Matagal ng panahon ang lumipas since nung huling text ni Maya kay Sam na:

"I know I'm not the perfect girl for you, because you deserve someone who will love you and take care of you forever. Maybe I'm not the right person you are looking for. But still, thank you for all those memories you had shared to me. And I hope someday you would be given a chance to find the perfect girl who were destined for you. I'm sorry for all the things that I've done. I know this is the right time to tell "GOODBYE", you deserve someone's better."

Alam na ni Maya kung ano ang ite-text niya kaya binuhos niya na lahat dito.

Ang akala niya magre-reply si Sam sa kanya at mage-explain ng kung ano talaga ang totong nangyari.

Pero kahit isang text man lang ay wala.

Hindi niya tuloy alam kung officially break na ba talaga sila o hindi.

Kung okay lang ba kay Sam na makikipaghiwalay na siya.

Nung una hindi pa gaanong nararamdaman ni Maya ang sakit na idinulot ng break up nila ni Sam.

Parang na-guilty tuloy siya, sana hinayaan at pinalampas niya na lang yung araw na yon.

Pero ngayon damang-dama niya na ito.

Naging classmate sila Sam at Maya nung high school pa lang sila.

Transferee non si Sam sa school nila Maya ipinadala kasi siya dito ng Mama niya mula sa ibang bansa para makaiwas sa gulo.

Naging close sila sa isa't isa at di naglaoon nahulog ang loob ni Sam para kay Maya.

Nalaman ito ng kanilang mga classmate pero itong si Maya todo deny na hindi mangyayaring magkagusto sa kanya si Sam.

Hanggang si Sam na nga mismo ang nagtapat sa kanya ng totoo nitong nararamdaman.

Ngunit si Maya patay malisya lang.

First time lang kasi mangyari sa kanya ang ganun, ang may magtapat sa kanya na isang lalaki ng tunay nitong nararamadaman para sa kanya.

Ayaw niyang maniwala dahil imposibleng mangyari yon dahil kelan lang sila nito nagkakilala.

Pero sabi nga ng mga friends niya, wala naman sa tagal ng panahon na magkakilala kayo para magkagusto sa'yo ang isang tao.

Bigla-bigla lang ito nararamdaman.

Gustong umiwas ni Maya sa panliligaw sa kanya ni Sam,

ngunit sadyang mapilit talaga itong si Sam.

Lahat raw gagawin niya para sagutin lang siya ni Maya.

Ayaw kasi ni Maya saktan ang feelings ni Sam, iniiisip niya kasi kapag binasted niya itong si Sam baka magalit ito sa kanya and siguradong hindi na sila magiging magkaibigan.

Tumagal ng higit isang taon ang panliligaw ni Sam kay Maya

at sa wakas sinagot na rin siya nito.

Walang alam si Sam kung bakit bigla-bigla na lang siya sinagot ni Maya

at pinahirapan pa siya nito.

Gustong-gusto ni Sam talaga itong si Maya dahil kakaiba ito sa lahat ng babaeng nakilala niya.

Ngunit dahil na rin sa mga hindi inaasahang pangyayari hindi nagtagal ang kanilang relasyon.



Maya's P.O.V

Dumaan ang ilang taon pero dama ko pa rin ang sakit na naramdaman ko

nung magkahiwalay kami. Fresh pa rin sa isipan ko na kahit isang text man

I PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon