chapter one

118 3 4
                                    

"Excuse me, Miss. Kailangan mo nang gumising please..."

Ha?

Napatingala ako kahit nakasara pa yung mga mata ko. Ang init parang naging spotlight sa mukha ko yung araw. Umaga na siguro...pero bakit ganyan yung alarm ko? Nagsasalita? At bakit parang lalake pa ang boses? Bigla kong minulat yung mga mata ko at ang unang sumalubong sa akin ay mukha ng lalaking hindi ko kilala!

Nag-activate na yung panic mode ng katawan ko. Hinalungkat ng mga mata ko lahat ng detalye ng mukha niya. Maputi siya, malaki ang mata, ma-eyebags pero may bakas ng dimple ang pisngi. Napa-ayos ako ng bangs ng hindi oras. Putspa, pogi pala 'tong wake up call ko!

"Uy, Miss! Gising ka na ba?", tanong ni Mr. Alarm, winawagayway yung isa niyang kamay sa mukha ko. Mala-you can't see me ni John Cena ganern. "Parang tulala ka pa..." Ini-angat niya yung kanang kamay niya at kasabay noon ay pinitik niya ako nang malakas sa noo.

"Araaaay!", sigaw ko, putting my palm sa gitna ng noo ko na nag-ththrob at nag-iinit sa stinging pain. "Huy, masakit 'yun ah! Excuse me ha, di tayo close para ganyanin mo ako!"

Hala, pogi nga, wagas namang mang-api. Ang sakit noong pitik niya ah! Nawala nga yung antok ko pero parang pati yung ibang mga ala-ala ko napitik niya sa kawalan. Ma-aamnesia ako sa ginagawa niya eh.

"Actually miss, for your information, ikaw yung kanina pang feeling close na sumasandal sa balikat ko habang tulog ka buong trip." Mahangin niyang sinabi habang naka-ngisi.

Inassess ko ang body position ko. Yung balikat ko nakadikit doon sa kanya at yung buong katawan ko halos nakaharap din sa side niya. Hindi ko makaila na tama siya; ako nga yung feeling close dito. Dali dali kong inayos yung upo ko at ngayon mayroon ng considerable space sa aming dalawa. Napa-ahem ako sa hiya. 

"Sorry." Nahihiya kong bulong habang nagpapanggap akong inaayos ko yung mga bag ko sa ilalim. Tinabi ko lahat sa mas malayong lugar sa kanya. "Quits na tayo ah. Tutal nakaganti ka na din sa akin sa lakas ng pitik mo kanina..."

"Nalakasan ko pa sana yung pitik kaso ngalay na yung braso ko sa kakabuhat ng ulo mo. Bigat...", resbak naman ni Mr. Mahangin na stine-stretch pa yung balikat niya para i-rub in na ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Nag-sorry na nga ako - hindi pa rin siya okay sakin? Kainis. Pogi nga - yabang naman ng ugali.

"Oh, yung mga baba diyan! Robinsons na!", biglang bulyaw ng konduktor.

Wait lang. Ito na ba yung bus stop ko? Nanlaki yung mga mata ko dahil biglang nag sink-in sa akin na wala na pala ako sa Maynila. Nasa Pampanga na pala ako. Napuno ako ng kaba sa iilang sandali kasi di ko kabisado yung mga lugar lugar. Paano na niyan? Alam ko lang, sabi ni Tita, sa SM Pampanga daw kami magkikita...

Nagtanong naman ako bago ako sumakay sa bus na 'to. Sabi nila bababa raw ako malapit sa SM.  Lumagpas na ba ako? Bakit sa Robinsons ako binaba?

"Uy sleepyhead, bababa ka ba  o tatabi ka para makababa ako?", sabi ni Mr. Mahangin. Tinitignan niya ako intensely. Di ko alam kung dahil sa inis o dahil naiinitan siya sa suot niyang blue hoodie na makapal.

Di ko mapigilan pero nagbabangga yung kilay ko sa pagkayamot. At binigyan niya pa ako ng nickname ah? Sleepyhead your face, Mr. Mahangin! Haaaay, pero kailangan ko nga ang tulong niya. Mukhang taga-rito siya eh. Malamang alam niya kung nasaan yung SM dito. Ara, behave. Sinubukan kong ngumiti sa kanya sabay sabi ng...

"Ah...oo, bababa rin ako." Hinatak ko yung backpack ko mula sa ilalim at tumayo. Sumiksik ako sa pila ng mga papalabas ng bus - checking sa corner ng mata ko kung sumunod ba si Mr. Mahangin. Luckily, oo sumusunod siya sa akin sa line. May kausap na siya ngayon sa phone niya na naririnig ko kahit hindi sadya dahil magkatabi lang kami.

My Serial RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon