When Life is Unfair

137 2 37
                                    

Written by me and KB2603
*Not edited

¡¡¤¡¡

After years........... Ang ganda ko pa rin.

Madaming nanliligaw pero ang papanget naman.

Nakakapagtaka na walang pogi na nanliligaw sa akin.
Imbis na pogi, pogita ang mga nanliligaw.

Isang araw, may nakilala akong lalaking pogi, matipuno, matangkad, maputi, matalino at mukhang marunong akong pasayahin. Julius Lina ang pangalan niya. Nakita ko yung nametag nya noong namimili ako sa supermarket. Nabangga niya ako. Ang tanga naman kasi ang dami kong dala, binagga pa ako. Pero hindi niya ako pinabayaan at iniwanan.

"Miss, ok ka lang?" Tanong niya sa akin. Syempre dahil maganda ako, nagpabebe ako ng very very light.

"Ah, ok leng nemen keshi eko" sabi ko. Feeling ko nga nafall agad sya sa pagpapacute ko.

"Miss, tulungan na kita dyan" sabi nya at tinulungan niya ako na pulutin ang mga pinamili ko. Pati na din ang puso ko. Charot. "Bakit ba kasi wala kang dala na lalagyan? Ayan tuloy nahulog" sabi niya.

"Eyos leng nemen. Shinalo mo nemen eng pusho ko eh".

"May sinasabi ka miss?" Sabi nya.

"Ha! Wele keye! Tseke weg ne miss. Henneh ne leng".

"Sadya ka ba ganan magsalita?" Tanong niya.

"It's naturel. Hende kese eko megeling megtegelog" sabi ko naman sa kanya. Oh my ghadddd. Ang lakas talaga ng talab ng kagandahan ko. Pati pogi lumalapit.

"Miss, ay este Henneh, pwede ka ba mainvite mamayang gabi sa bahay ko? May event kasi kami tapos bilang ang mga bisita kaya lang biglang nagback out yung isa.

"Ok lang ba?" Sabi niya.

"Ok. Of course. Wele nemen eko gegewen later" sagot ko sa kanyang medyo pakipot at malanding tanong.

"Great! Eto yung address nung bahay ko. See you later!".

"Ok! I see you... later." Pagkaalis niya kinilig ako ng bonggang bongga. Like OMG!!!!! Magkakaboyfriend na ako!!!!! Konting push na lang. Ang galing talaga ng benefits ng maganda. Automatic na lumalapit ang mga guwapo. Iba talaga ang mga naulanan ng kagandahan kesa naman sa mga nagtago sa kadiliman noong nagpaulan ng kagandahan.

Pagkauwi ko sa bahay, bukas na ang pinto. Nandun pala ang ubod ng panget kong pinsan na si Emily. Di nya tunay na pangalan.

"Hi cuzzz! Kamusta ka na? Long time no see. Grabe, three years din akong di nakauwi dito from the Statezzz with a z".

Syempre dahil close kami kahit panget sya, binati ko din sya, "Ok lang naman ako cuzzz! Grabe wala pading nagbabago sayo! Ampanget mo pa din! CHARRRR!" Sabay tawa ng malakas. "Bat ka nga pala umuwi? Edi sana nasundo kita sa erport. Sa NAIA. National Airplane Involving Around. Anong sinakyan mo pabalik dito? 1st class? 2nd class? 3rd class? Sa cr? Sa cabinet? Sa pakpak? Sa engine? Sa bubong? O sa gulong?Nagerplane ka ba talaga o naglangoy ka lang pauwi?" Tanong ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Adventures ng Isang GGSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon