Yun ang Akala Mo!

8 0 0
                                    

Di kita naiisip?
Yun ang akala mo!
Di ako nasasaktan?
Yun ang akala mo!

Bakit ba sa tuwi na lang ikaw ay makikipaghiwalay sa akin
Yan na lang lagi ang iyong bukang-bibig
Na sa akala mo'y ikaw lang ang nasasaktan at nagtitiis
Na buong akala mo'y masaya ako at malaya ng makakahanap ulit

Yun ang akala mo!

Bakit kaya di mo itanong sa mga ulap
Na syang karamay ko sa aking pagluha araw-araw
Bakit kaya di mo itanong sa mga bituin
Kung bakit hanggang ngayo'y di ka mawaglit sa aking pagiisip

Bakit di ka magtanong sa ilog na katumbas ng dami ng luha kong umaagos
O kaya'y papuntahin ko na lang sa'yo ang hangin
Upang ibulong sayo kung paano ako nananabik sa iyong piling
Di mo alam yon dahil ang akala mo di ka mahalaga sa akin

Yun ang akala mo!

Ang akala mong laging ikaw na lang ang talo sa atin
Pero ang totoo at aking aaminin
Mahal at mahalaga ka sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yun Ang Akala MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon