Ano ba itong ginagawa mo?
Bakit sa isip ko ay lagi kang umiikot?
May nabubuo tuloy tanong sa utak ko
Magpapadala ba ako sa iisang puso ko na tipong may ibang tinitibok?Sabi mo igawa kita ng tula kaya eto
Pero alam ko kapag nag-alay ka ng tula sa isang tao
Ito'y puno nag emosyon at para sa taong mahal mo
Pero heto't nakakailang estansa na ako.Tatanungin lang kita na sana sagutin mo ng tapat
Kasi may dahilan din kaya ako'y gumagawa at sumusulat
Pero ayaw ko muna na ikaw ay tanungin
At baka maiba ang tema ng tula kong ito at maging paggiliwSan nga ba nagmula ang salitang crush
Ang alam ko lang naman sa salitang crush ay wasak
Subalit naiba ang paniniwala ko ng makita at makausap
Yun pala yung kilig na nadarama kahit sa isang sulyapSige na nga eto may tula na ako para sayo
Sana wag mong ibabasura kahit mukha itong badoy
At sa huli ako'y magtatanong...
Wag Na ! At baka ako'y matunaw at sa hiya ay lumubogPero PARA SAYO to!