Tammy's Plan

195 5 7
                                    


"Ang landi talaga ng babaeng 'yan! Walang kupas eh! Halos lahat ng lalaki, nilalandi. Kahit si Brent dinamay pa!"



"Right! Malandi talaga. Akala mo naman kung sinong maganda!"



Punyemas! Ang aga-aga ang daming bwisit na nakapaligid sakin. Ang aga-aga pero ako na kaagad ang pinagchichismisan? Tahimik akong nagbabasa ng libro dito tapos iistorbohin lang nila ako sa sobrang lakas ng boses nila? Mga walang modo!



"Sinabi mo pa! Akala mo naman talaga kung sinong maganda! Eh ang landi-landi! Make uo lang naman ang nagpapaganda sa kanya!"



What the hell?! That's it! I've had enough!



Tumayo ako mula sa prenteng pagkakaupo sa ilalalim ng acacia tree. Inayos ko muna ang skirt ko at sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. Aba syempre! Dapat maganda ako!



With poise akong naglakad papunta sa dalawang palakang insecure sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, itong dalawa yata ang napaaway noong nakaraan linggo sa isang bar dahil nakipag-inuman sa boyfriend ng kaklase nila. Kung makapagsalita ang dalawang ito ay akala mo kung sino pero yung mga mukha nila, halos mapuno na ng mga kolorete. Sino ngayon satin ang malandi? Syempre ako!



Napatigil sila sa pag-uusap ng makita akong nakatayo sa harap nila. Unti-unting namutla ang dalawang babae sa takot. Para bang nagulat at hindi inaasahan ang paglapit ko sa kanila. Tama iyan. Matakot kayo sakin, mga tonta!



"Excuse me?" sabi ko gamit ang pinakamataray kong boses.



"B-bakit?" kita mo na, kita mo na! Parang mga maamong tuta kung makaasta. Akala mo kung sinong mga mababait 'yun naman pala mga backstabber din. Urg! Nakakainis. Parang ang sarap sabunutan, eh.



"Anong 'bakit po?' 'bakit po?' ang pinagsasabi mo? Pagkatapos niyo akong pag-usapan dyan, tatanungin mo ko kung bakit po?!" I said while giving emphasis to the last two words.



"H-hindi ah!" napatingin ako sa pangalawang babae ng bigla na lang siyang magsalita. Ang lakas naman ata ng loob nitong magsinungaling eh dinig na dinig ko ang pinag-usapan nila kanina.



"Anong hindi?! Narinig ko kayo so wala ng kwenta iyang pagsisinungaling mo. Bingi na lang siguro ang hindi makakarinig ng pinag-uusapan niyo. Nahiya na nga ang microphone sa sobrang lakas ng boses niyo eh."



Pero imbes na masindak, aba, tinaasan pa ako ng kilay. Konting-konti na lang talaga masasapak ko na tong kutong-lupa na to eh.



"Okay, fine. Edi aamin na. Oo, pinag-uusapan ka namin. Bakit? Totoo naman ah. Flirt ka! Malandi! Nang dahil sayo, naghiwalay sina Brent at Sachi. Pitong bwan silang naging mag-on tapos sisirain mo lang? Inakit mo si Brent. Grabe ang landi mo talaga! Dapat sayo mapunta sa impyerno."



Aray! Grabe, below the belt yun ha! Pero sorry. Hindi ako magpapatalo sa palakang ito.



Umangat ang gilid ng labi ko at nakita ko naman ang pagkainis sa mukha niya.



"Eh ano ngayon kun malandi ako? At ano yun? Inakit ko si Brent? Huh! Pakealam mo ba? Atleast naman, naakit ko siya. Ibig sabihin, maganda ako. Eh ikaw, hindi mo siya magawang maakit dahil wala namang kaakit-akit sayo. Panget ka kasi. Sinusubukan mo palang siyang akitin, tinutulak ka na niya palayo."



Nanlaki ang mga mata niya at maya-maya ay unti-unti siyang yumuko. Oh ano ngayon? Edi napahiya siya.



"Kahit ipakulam mo pa si Brent ng sampung beses, di pa rin yun tatalab. Your face is unacceptable. Hindi ka ba nahihiya?"



Hinintay ko siyang sumagot pero parang nakain niya yata ang dila niya kaya hindi na nakapagsalita. Hinawakan ko ang baba niya at unti-unti iyong inangat hanggang sa magsalubong na naman ang mga tingin namin.

The Flirt's PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon