Love at first sight?
My gawd! Lumang tugtugin na yun ah.
Namamangha pa rin ba kayo kapag narinig niyo ang mga kwento ng mga kaibigan niyo na "hayy...na love ata first sight ako" o kaya "unang tingin pa lang niya, nabighani na ako"
Ako kasi... hindi na. Tinalikuran ko na ang konsepto ng love na yan.
Masyadong korni.
Masyadong overrated.
Masyadong mainstream.
Masyadong masakit.
Hayy pag-ibig.
Buong kasaysayan ng sangkatauhan nandun ka na. Mula kay Adan at Eba, kay Romeo at Juliet, kay Florante at Laura, kay Cinderella pati ng prince niya. Maging din nga kina Daniel at Katarina ng Walang Hanggan nandun ka eh.
Pwede ba kahit sa isang tao lang palampasin mo na yung kwentong inaabangan mo?
Pwede ba, wag ka umasa na magka perfect love story ang tulad ko?!
Oops. Mukhang kakainin ko din ata tong mga sinasabi ko ah.
BINABASA MO ANG
Will You Be My Trinoma Girl?
Teen FictionPaano kung sa isang lingon mo lang pala, nahanap mo na pala ang tunay na pag-ibig na pilit lumalayo mula sayo?